Chapter 38

3.7K 165 4
                                    

Panay ang lunok niya habang pinakikiramdaman niya ang lalaking na labis na hinahangaan niya sa larangan ng martial arts.

Nahahaluan ng pagkamangha ang kaba niya habang nasa harapan niya ito. Damn! Ni sa panaginip hindi niya inisip na makakaharap niya ito ng personal at ang mas di kapani-paniwala pa dun ay ama ito ng kanyang pinakamamahal na kasintahan na si Cassandra.

Bigla siya nag-aalala baka hinahanap na siya nito. Sigurado yun dahil hindi na siya nakapagpaalam rito.

"Huwag kang mag-alala,alam na niyang magkasama tayo," pukaw nito sa kanya. Napamaang na lang siya dahil nabasa din nito ang nasa isip niya gaya ni Zei.

Damn,bakit ba niyang nakalimutan kakayahan iyun ng mga tulad nito. Lobo.

"Nalaman ko na isa kang MMA Champion," saad nito pagkaraan.

Agad na tumango siya. "Opo,Sir.."

Tumango ito. Naiintimidate siya sa presensya nito kaya talagang kabado siya ngayon.

"Hmm..kung ganun..pwede pala tayo mag-match?" anito na kinatigil niya.

Bigla siya pinagpawisan ng malamig. Damn!

"U-uh,S-Sir.."

Tumawa ito marahil nakita nito ang pag-aanlinlangan niya. Pati na rin ang pagkanervous niya. Shit! Ilang beses na niyang pinapahiya ang sarili rito!

Baka hindi ka niya magustuhan bilang manugang,Ynico! Be a man,dude!

"Ayos lang ba sayo kung gawin natin yun?" nakangisi na nitong turan.

Humugot muna sya ng malalim na hininga bago siyang tumugon rito. "Wala pong problema sakin,Sir.." aniya sabay kuyom ng mga palad. Shit! Sana tama lang ang desisyon niyang pagpayag!

Ha-ha! Anong laban mo sa isang lobo,Ynico?!

Bigla siya nanlamig sa sinabi ng isip niyang iyun. Damn it! Oo nga pala!

"May..may kondisyon po ba kayo,Sir?"

Humalukipkip ito at matiim na tinitigan siya.

"Alam kong alam mo kung anong uri akong nilalang,okay lang ba sayo na maglaban tayo sa kabila ng pagkakaiba natin dalawa?"

Lakas-loob na sinalubong niya ang matiim nitong titig sa kanya.

"Ang totoo po niyan isa po ako sa tagahanga niyo,Sir..at isang malaking karangalan sakin na makatapat kayo,Sir.." matapat niyang tugon.

"Kapag natalo kita hindi ko ibibigay sayo ang aking prinsesa," anito na kinabahala niya.

"P-po?"

Ngumisi ang ama ng kasintahan. "Kaya mo kaya akong talunin,hmm?"

"S-Sir..mahal na mahal ko po si Cassandra..she's my life,my first love..my everything.. my first girlfriend and she will be my last,my forever.."

"I know,you are serious to her because you are her mate.." anito.

"Kahit po makabali-bali ang mga buto ko..lalaban ako para sa kanya,I love her so muck kahit na malumpo niyo man ako,Sir.." matapang niyang saad rito.

"Hmm..matapang ka. Gusto ko yan,"puri nito na kinaluwag ng dibdib niya kahit papaano dahil sa kaba.

"Alam mo bang nasa likod lang ng pintuan na yan ang prinsesa ko? Naghihintay siya matapos ang pag-uusap natin..tinanong niya ko kung sasaktan ba kita?"

Hindi siya agad nakaimik at bigla siya naexcite na malamang na naroon lang ang kasintahan. Naghihintay sa kanya.

"Well,balak ko talagang gawin yun pero alam kong hindi pwede dahiL paniguradong dalawang babae sa buhay ko ang magagalit sakin,sinubukan lang kita kung handa ka bang ipaglaban ang aking prinsesa at nagpakalalaki ka naman kaya ayos ka sakin," anito.

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Shit,kinabahan talaga siya dun,sa totoo lang!

"Masayang-masaya po ako na makilala kayo ng personal,Sir.."

"Just call me,King Russel..ayos ba yun?"

"Yes Si-,i mean,King Russel.."

"Pasensya na nga pala kanina ..doon sa kwarto,"

Bigla siya napahiya. Nahihiya siya dahiL nakita nito ang tagpong iyun. Alam nito kung ano ang ginawa nila kung bakit magkatabi sila ng anak nito na wala kahit anong suot sa ilalim ng kumot.

"Ayos lang po,pasensya na rin po kung nasa ganun ayos niyo kami nadatnan," aniya. Hindi na siya magtatanong kung paano nito napasok ang unit niya.

"Well,aware naman ako na mangyayari yun sa inyo.." matter-of-fact nitong saad.

"Yung hamon ko ..pwede natin gawin sa mundong-Colai. Sang-ayon ka ba?"

"Wala pong problema.."

"Alright,kailangan ko munang hingin ang permiso nila bago natin gawin,okay?"nakangiting turan nito.

Damn,nawala na ang nervous niya rito.

"Let's go,gusto ko ng mayakap ang prinsesa ko," anito.

Napangiti siya. Hahayaan muna niyang mauna ito makalapit sa kasintahan.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt