Chapter 31

3.5K 147 2
                                    

Wala silang imikan habang nililinis niya ang sugat ng kasintahan. Alam niyang gustong-gusto nitong magpaliwanag sa nakita niyang iyun pero pinipigilan lang nito dahil na rin mas importante sa kanya ang makapagpahinga ito.

Namumutla ito at nanghihina. Hindi pa rin naaalis ang pag-aaalala niya para rito. Nasugatan ito at paano na lang kung hindi lang yun ang tinamo ng kasintahan habang mag-isang hinarap nito ang gagong lalaki na nanakit sa dalaga. Napatiim-bagang siya.

Napaangat siya ng mukha sa dalaga ng haplusin nito ang pisngi niya. "I'm okay,don't worry," nanghihina nitong saad.

Marahas siyang napabuga ng hangin. "I'm upset,Cassandra..paano na lang kung hindi lang yan ang tinamo mula sa gagong yun?!" hindi na niya napigilan ang pag-alpas ng galit niya sa nangyari.

"I can defense myself,maliit na sugat lang ito,"saad nito.

Sumama ang tingin niya sa dalaga. "Hindi mo masasabi sa lahat ng pagkakataon kaya mong depensahan ang sarili mo kahit marunong ka pang ng martial arts," mariin niya saad.

Hindi umimik ang kasintahan at bigla siya nagsisi dahil sa inasta niyang iyun. Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"I..I'm sorry. I just so worried about you.."kalmante na niyang turan rito.

Nakatitig lang ito sa kanya. Kinabahan siya baka dahil sa ginawa niyang iyun ay maging ugat yun ng hindi nila pagkakaunawaan. Shit! Ayaw niyang mag-away sila!

Maingat na inakbayan niya ito at hinapit padikit sa kanya. Nilapat niya ang kanyang bibig sa gilid ng nuo nito. Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman ang pagyakap nito sa beywang niya.

" Huwag kang magagalit sakin ha,nag-aaalala lang talaga ako kaya nakapagsalita ako ng ganun sayo,I'm sorry.."

Tiningala siya nito. "Gusto kong sabihin sayo ang nasaksihan mo,Frances.." saad nito.

Napahigpit ang yakap niya rito. Damn! Hindi pa rin nagsisink in sa utak niya ang nasaksihan niyang iyun. Pero tilang agos ng dagat na bigla na lang sumulpot sa isip niya ang nasaksihan.

Ang bigla nitong pagpapalit ng anyo. Sa isang malaking hayop na may kulay asul na balahibo. Akala niya namamalikmata lamang siya pero nasaksihan niya kung paano niyun takutin ang lalaking negro kanina hanggang sa mahimatay ito.

Bigla na lang niya nasambit ang pangalan nito at hindi niya alam kung totoo ba ang nakita niyang iyun hanggang sa makita niya ang pagbalik nito sa dating anyo.

His Cassandra. Full naked!

Biglang nag-init ang pakiramdam niya kaya napaiwas siya ng mukha sa pagkakatitig sa kanya ng kasintahan.

"N-natatakot ka ba sakin?"halos pabulong nitong saad.

Nagpakawala siya ng hininga. " Totoo ba talaga ang nakita ko?"mataman niyang tanong rito.

Deretso na tumitig sa mga mata niya ang dalaga at tumango. "Oo..h-hindi ako basta tao lang. Isa akong..isa akong lobo,"pagbubunyag nito sa totoong pagkatao nito.

Paulit-ulit na nag-echo sa tainga niya ang sinabi nitong iyun. Awang ang mga labi niya na nakatitig lang rito.

Imposible!

Ynico,nakita na ng dalawa mong mga mata ang pagbabago niya ng anyo!

" I ...I don't know what to say.. "

Nakakaunawa na tumango ang dalaga sa kanya. Naikuyom niya ang mga palad ng makita dumaan sa mga mata nito ang takot at pangamba.

"But.." pukaw niya rito.

"I have three words that I want to say," saad niya.

Tumitig lang sa kanya ang dalaga.

"I love you.."

Nangislap ang kulay asul na mga mata ng dalaga.

"I heard you say 'I love you' kanina..ang sarap sa pakiramdam kahit nasa kalagitnaan ako ng pagkashock.." turan niya.

Nagbaba ito ng tingin na agad din niya inangat ang mukha nito gamit ang daliri niya sa pagitan ng hintuturo at hinlalaki niya sa ilalim ng baba nito.

"Let me take it slowly..alam kong hindi madali sayo na ibunyag sakin ang lihim mong iyun..but I'll promise..hindi yun ang magiging sanhi para may magbago sa nararamdaman ko para sayo..I'm still in love with you..whoever you are,"madamdamin niyang saad.

" Thank you,Frances..you are really my mate.."

Napangiti siya. "Your soulmate?"

"Yes...and you are my wolf's mate.."

Hindi pa man tuluyan malinaw sa kanya ang lahat. Iisa lang ang sinisigaw ng isip at puso niya.

He still want her..and love her. Whatever kind of she..even if she's a wolf.

The Princess of Blue Wolves District Series 3: Cassandra A. Emilio byCmA🔚✅Where stories live. Discover now