T3D - Chapter 3

4.7K 147 44
                                    

Rhian Dela Cruz PoV

Pagkatapos ng dalawang subject ay nag break na kami, napag usapan namin ni Alexy na ngayong break nalang hanapin sina Sophie Gozon at Abby Nicole Mendoza. Silang dalawa ang nakasama daw ng biktima bago siya pinatay. Mag dorm mate silang tatlo at magkaibigan na silang tatlo since elementary. Napag alaman namin na pinatay siya dahil sa mga nakita naming impormasyon kagabi.

Ngayon namin sila pupuntahan alam na din namin kung ano ang section nilang dalawa.

Sophie Gozon. Grade 10 Student Section Lapu-Lapu.

Abby Nicole Mendoza. Grade 10 Student Section Rizal.

Nag lalakad na ngayon kami sa hallway, ang una naming pupuntahan ay si Sophie. Nang makarating na kami sa classroom nila ay nagtanong kami sa mga kaklase niya.

"Hello miss, kaklase niyo ba si Sophie Gozon?" tanong ni Alexy sa babaeng lumabas galing classroom.

"Opo, ayun po siya." sabay turo sa babaeng nag babasa ng libro sa bandang likuran ng room.

Nagpasalamat naman kame at pinuntahan agad si Sophie. Nang makalapit na kami ay nakita ko kung anong binabasa niya, isa yung story ni Sir Arthur Conan Doyle na Sherlock Holmes, siguro ay fan siya ni Sherlock Holmes.

"Hi" saad ko kay Sophie.

Lumingon lingon pa siya sa paligid at tinuro ang sarili para masiguro na siya yung kinaka usap namin, tumango naman ako.

"Hello, anong kailangan niyo?" saad naman niya sabay ngiti hindi ko maipag kakailang maganda siya at mukha naman siya mabait.

"Hindi na kami mag papaligoy ligoy pa, may kinalaman kaba sa pagkamatay ni miss Ana Lucas?" biglang tanong ni Alexy.

Bigla akong napasapo sa noo ko. Bakit pa ang straight to the point niya? Can't she beat around the bush before she attack?

"Huh? Kala kobang nag suicide siya? Tsaka sino ba kayo?" balik niyang tanong samin.

"Hindi siya nag pakamatay, pinatay siya at kung tinatanong mo kung sino kami, isa kami sa mga nag iimbestiga doon." sagot ni Alexy.

She's a great liar.

"Eh? Mukha lang kayong mga estudyante." saad ni Sophie na mukhang nagtataka.

"Oo mga estudyante kami at the same time mga detective, okay? At napag-alaman namin na hindi suicide ang nang yari kaya kailangan mong makipag cooperate." saad ko naman.

"Pero tinanong na ako ng mga pulis kahapon." Nagtatakang sagot niya.

"Pinabalik nila kami para muling magtanong. Kung ayaw mong maniwala, pwede naming tawagan ang mga pulis na nag iimbestiga doon para sila na lang ulit ang magtanong. May mga baril pa naman ang mga 'yon, alam mona. Baka iputok nila sayo 'yon kapag nalaman nilang ikaw ang suspect." Sagot ni Alexy sa seryosong tono. Gusto ko nalang pumalakpak dahil sa galing niyang magsinungaling. Lagot talaga kami kapag nalaman nilang nangingi alam lang talaga kami.

"At kailangan naming makahanap ng alibi." Sabat ko at ngumiti.

"O-okay" saad naman niya parang bigla siya kinabahan.

"Sinasabi nilang kasama ka daw sa mga huling naka sama ng biktima, totoo ba yon?" Tanong ni Alexy, ako naman ay minamanmanan ang nagiging reaksyon niya.

"O-Oo, natural lang na palagi ko siyang kasama kase mag dorm mate kami at mag kaibigan" sagot niya ng nauutal.

"Nasaan ka nang bandang 12:00 - 7:00 ng umaga?" tanong ni Alexy, parang sanay talaga siya sa pag tatanong siguro ay magaling din siyang detective sa dati niyang school.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon