T3D - Chapter 22

1.4K 45 29
                                    

Zach Martin PoV

Kailangan naming mapag usapan kung ano na 'yung susunod na gagawin namin. Tiyak na mas nag aalala si Raven kesa samin. Napamahal na din sakanya si Lexy.

"Punta muna tayo sa cafeteria, dun tayo mag usap usap kung ano ng gagawin nating plano." saad ko.

"Osige, pero bilisan lang natin. Hindi alam ni Arah na umalis ako, baka pag nagising 'yun, hanapin pa'ko." Saad ni Yanyan.

"Lexy, san kaba nag punta? Nag aalala nako" Bulong ni Raven habang naka yuko.

Kanina pa siya nananahimik buong biyahe. Si Lexy pala iniisip niya.

Hindi nalang kami umimik ni Yanyan dahil naiintindihan namin si Raven.

Ilang oras din binyahe namin bago makarating sa school. Kagad kaming bumaba ng kotse at dumiretso sa cafeteria.

Humanap kagad kami ng mauupuan at nag prisinta na akong umorder. Malapit kami sa bintana naka hanap ng pwesto. Mas ok na rin 'yon para malibang kami kahit papano.

"Ako na oorder." Sabi ko. "Ano gusto niyo?" Tanong ko.

"Strawberry shake" tipid na sagot ni Raven.

"Ahm. Pasta nalang sakin Zach. Salamat" saad naman ni Yanyan. Tumango naman ako at pumunta ng counter.

Mahaba haba din yung pila kaya hindi pa'ko maka order. Anong oras na, baka gising na niyan ngayon si DS, baka hanapin niya si Yanyan.

Ilang minuto din akong naghintay na ako na yung susunod na oorder.

"Goodmorning, Sir. Ano pong order niyo?" Tanong sakin ng nagtitinda.

"One pasta, one strawberry shake and one chocolate shake" sagot ko.

"Ok, Sir. Hintayin niyo nalang po" saad niya na tinanguan ko lang.

Ilang minuto din yung lumipas at dumating na din order namin. Kinuha kona ito at naglakad na papunta kila Raven.

Ng makarating ako sa pwesto namin. Na abutan ko silang dalawa na nananahimik. Si Rhian naka tingin sa bintana, habang si Raven naka yuko lang. Umupo na'ko at nagsimula ng inumin yung shake.

"So an—" Naputol 'yung sasabihin ko ng marinig ko 'yung sigaw ng babae sa likod namin.

"Kyahhhh!!!!!"

"Anong nangyari?!" Gulat na sabi ni Raven na napatayo pa.

"Tara puntahan natin" saad naman ni Yan-yan. Na sinang ayunan naman namin.

Ng makarating kami dun sa babaeng sumigaw kagad namin siyang tinanong kung anong nangyari.

Naabutan naming naka handusay sa sahig yung isang babaeng mahaba 'yung buhok, morena pero maganda.

'Yung mga taong kumakain dito sa cafeteria napatigil sa pagkain dahil sa sigaw ng babae.

"Miss? Ano pong nangyare dito?" Tanong ko.

"Bi--bigla na---lang po kasing bumagsak s--i k---hey." Utal na sabi ng babae. Na mukhang gulat na gulat sa nangyare.

Lumapit naman si Raven dun sa babaeng nag ngangalang Khey at hinawakan yung pulsuhan niya.

"Humihinga pa siya, pero mabagal yung tibok ng pulso niya. Kailangan na siyang madala agad sa hospital." Sabi ni Raven.

"Rhian, tumawag ka ng ambulansiya tsaka pulis" dagdag niya. Tumango naman si Rhian at kinuha ang cellphone sa bulsa.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon