T3D - Chapter 24

1.6K 43 2
                                    

Charles Raven Torres PoV

Ngayon lang naka uwi si Lexy galing sa hospital. May benda pa rin ang ulo niya. Nasa bahay nila kami kasama sina Yanyan, Sadi at Zach pati sina Kiel, Kurt, Lance, Joseph at Erica. Friday naman ngayon at nag pa excuse kami, nagdala na kami ng damit namin incase na hindi pa rin babalik ng dorm si Lexy. Gusto namin siyang maka usap kaya mags-stay muna kami dito hanggang Sunday. Okay lang naman sakanya, tsaka para makilala namin ng mabuti ang mga kaibigan niya.

Nasa sala kami ngayon katabi ko si Lexy, nanonood kami ng movie kasama sina Sadi at sina Kurt. Mamayang hapon nalang daw namin pag usapan lahat ng dapat pag usapan, 10:00 AM palang. Hindi ko alam kung mga wala bang pasok sina Kurt, magmula kasi ng ma hospital si Lexy hindi na sila umalis ng hospital. Bumibisita lang kasi kami sakanya kapag tapos na ang klase namin.

Medyo okay na rin naman ang pakikitungo samin ni Sadi pero kay Lexy hindi. Naiintindihan naman daw ni Lexy 'yun pero halatang malungkot pa rin siya. Sana maging maayos na'to.

Lumipas ang ilang oras at alas dose na kaya kumain muna kami. Pagkatapos naming kumain ay sa kwarto nalang daw kami mag usap usap dahil baka marinig ng mga maid nila.

Pumasok kaming lahat sa kwarto niya malaki naman 'yun kaya nag kasya kami. Kulay violet at pink ang kulay ng kwarto niya at malinis, may napansin pakong litrato sa table na katabi ng kama niya, kasama niya si Eithan sa litratong 'yun masayang masaya yung mukha niya. Napansin ata ni Lexy na nakatingin ako don.

"Last year payang litrato nayan" saad niya sakin.

"Ahh, mukhang masaya kayong dalawa jan" nakangiting saad ko.

"Oo, 18th birthday ko jan sinurprise niya ko" saad niya at tinago 'yun sa kabinet niya. Umupo kami sa lapag, sinindihan niya ang aircon at umupo sa tabi namin ni Kurt.

"Anong gusto niyong itanong sakin, sasagutin ko lahat" seryosong saad niya.

"Bakit ka umalis ng hindi nagpapa alam saamin? Anong ginawa mo nung umalis ka?" Nakatungong tanong ko. Tumingin lang ako sakanya ng mag umpisa siyang mag salita.

"Dahil kapag nagpaalam ako, alam kong hindi niyo 'ko hahayaang umalis. Mas maganda nang umalis ako ng tulog kayo para hindi ko makita ang reaction niyo lalo na ang kay CR. Mas mahihirapan non akong umalis kapag ganon." at tumingin sakin, natigilan ako sa sagot niya, hindi ko alam ang nararamdaman ko ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Anong ginawa ko nung umalis ako? Pumunta ako ng underground city kasama ko sina Kurt, Kiel, Lance, Joseph at Erica, nakipag laban kaming anim. Ang akala ko makakalaban namin ang mga pumatay sa mga magulang ni Arah kaso ang ipinalaban lang samin ay ang mga bata nila kaya wala kaming nagawa at linabanan nalang ang mga bata nila, nanalo naman kami"

"Pero natyambahan ng malakas na sampal si Lexy" pagdagdag ni Erica kaya sinamaan siya ng mata ni Lexy. Narinig ko naman ang mahinang hikbi ni Sadi, katabi niya si Zach na nagpapatahan sakanya.

"Hindi mo kailangan gawin 'yun Lexy, ako dapat ang gumawa nun at hindi ikaw" mahinang saad ni Sadi.

"Ikaw? Tapos ano? Ikaw ang mapapahamak? Hindi ko hahayaang mangyari 'yun Arah. Okay lang na ako ang masaktan wag lang ang mga kaibigan ko, kahit ibuwis ko pa ang buhay ko gagawin ko"

"Pwes hindi okay sakin 'yun, ayokong may masaktan kahit na isa satin. Ayokong masaktan ka ng dahil sakin. Aalis ka ng hindi nagpapa alam samin tapos mababalitaan nalang namin na naaksidente ka? Satingin mo hindi kami nag alala sayo. Hindi kona hahayaang mangyari 'yun, kung lalaban ka lalaban din ako" umiiyak na saad ni Sadi. Napangiti ako sa sinabi niya gayon din sina Lexy. Lumapit si Lexy kay Sadi at yinakap ito.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon