T3D - Chapter 20

1.4K 42 5
                                    

Zach Martin PoV

Hindi pa pwedeng malaman ni DS yung tungkol sa kwintas. Ako yung tumurok ng pampatulog kay Yan-yan gamit yung airgun na ginawa ko, dahil hindi pa kaming handang malaman nila, at alam kong magagalit sila samen dahil nag sikreto kami sakanilang dalawa.

Si Arah naman tulog na habang naka sandal sa balikat ko, pinag masdan ko yung mukha niya. Ba't napaka amo ng mukha niya? At ang ganda niya. Pero kapag gising siya. 'Dimo aakalaing kaya kang saktan ng pisikal.

Si Lexy naman, eto lasing kaya ngayon tulog na.

"Ano ng gagawin natin ngayon? Alam kong magagalit din sakin si DS pero kakayanin ko, alam niyo yung nararamdaman ko para sakanya. At gagawin ko lahat lahat, para lang hindi siya mapahamak." Sabi ko habang hinihimas himas yung buhok ni Arah, nahuhulog na'ko sakanya.

"Halata nga na gusto mo si Arah" saad ni Raven.

"Ehh ikaw, nahuhulog kana ata kay Lexy? Nung binastos siya sa mall nakita ko sa mata mo na niinis ka dahil ayaw mo siyang binabastos tapos pinagbawalan mo pa siyang mag suot ng maiikling damit" saad ko sabay ngisi.

"Siguro" sagot niya at bahagyang tumawa.

"Humanap muna tayo ng tiyempo, kung kelan natin sasabihin kila DS yung tungkol sa kwintas. At dapat makapag isip tayo ng plano. Kapag nalaman na ni DS." Saad ko.

"Ilang oras o minuto tatagal yung gamot na tinurok mo kay Yanyan?" Tanong sakin ni Raven.

"Isang oras, kaya dapat mailagay na natin siya sa kwarto." Sabi ko.

"Pati si Lexy at DS, kailangan na ding mailagay sa kwarto. Hays ba't kase naglasing lasing 'di naman pala kaya" saad ko.

Binuhat na ni Raven si Yanyan at dinala na sa guest room. Habang ako dahan dahang inayos at binuhat si DS. Magaan lang naman siya. Kaya madali lang para sakin na buhatin siya. Tig iisa sila ng kwarto.

Pumunta nako sa guest room at dahan dahan siyang inihiga. Kinumutan ko siya at inayos sa pagkakahiga.

"Zachy" ungot niya pero naka pikit pa rin yung mata niya. Ilang minuto ko pa siyang tinitigan at umalis na don.

'Diko alam kung kelan 'to nagsimula. Itong nararamdaman kona 'to. Pag balik ko sa sala, wala na si Lexy. Nalagay na din siguro ni Raven sa kwarto. Naka upo na din si Raven kaya umupo na din ako.

"Ang gagaan nila, para silang walang kinakain" natatawang sabi ni Charles. Yeah i agree. Ang gaan nila.

"Oo, tama ka diyan" natatawang sagot ko.

"Siguradong, hindi alam ni Lexy yung mga pinagsasabi niya kanina. Ganyan pala siya malasing no?" Saad ko.

"Oo nga, sa susunod hindi ko na siya papayagang uminom ng alak. Muntikan niya pang masabi kila Sadi yon. Buti nalang napatulog mo si Yanyan. At hindi niya narinig yung sinabi niya." Sabi ni Raven.

"At buti nalang kamo, mahimbing na din yung tulog ni DS" sabi ko.

"Oo nga, kausapin nalang natin mamaya si Lexy" saad ni ko.

Ako yung nanghack ng database nung parang kumpanya na kinabibilangan ng mga pumatay sa mama ni DS. Nung una ayokong gawin ang pinapagawa ni Lexy na i hack yung database pero nung pinaliwanag niya yung dahilan, pumayag ako.

"Mahimbing naba tulog ni Lexy?" Tanong ko.

"Oo, alam mo bang nagi-guilty na si Lexy dahil sa ginawa niya" sabi ni Raven.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon