T3D - Chapter 21

1.5K 46 9
                                    

Sarah Lopez PoV

Ang sakit sa pakiramdam ng ganito. Palagi kong iniisip kung sinong pumatay kay mama, tapos alam na pala nila pero hindi pa nila sinabi.

Gusto kong magalit sa kanila pero ayaw kong mag padalos dalos. Oo masakit, pero mahal ko rin sila dahil kaibigan ko sila at tinuring ko na silang kapatid lalo na si Rave na mula pagkabata ay kasama ko na. Hindi ako makapaniwalang magagawa nilang itago saakin ang impormasyong 'yon. Alam ni Rave na matagal ko ng hinahanap ang taong pumatay kay mama pero bakit ganon?

Siguro may dahilan nga sila, pero kailangan ko rin ng time para makapag isip. Hindi ko pa kayang kausapin sila ngayon dahil baka kung ano pang masabi ko lalo na't magulo pa ang isip ko.

Kasama ko si Rhian ngayon na nag lalakad, parehas kaming tahimik, siguro nag iisip isip rin siya.

Hinayaan ko nalang ang katahimikan sa pagitan namin at nag patuloy nalang sa pag lalakad, nasa park kami ngayon.

Alam kong mali yung ginawa kong pag alis ng hindi man lang inaayos yung problema namin. Pero kase, hindi ko makontrol yung nararamdaman ko ehh kailangan ko munang magpa lamig sangayon.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko ngayon, halo halo ang emosyon ko. Nagagalit ako dahil ganon yung tingin nila sakin, hindi naman ako tanga para basta sumuong sa laban. Hindi ako maka paniwala na magagawa nila yon, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Oo, naiintindihan ko naman kung bakit sila nag sikreto sakin. Sinasabi nila ayaw lang nila akong mapahamak, ayaw lang nila akong masaktan pero sa ginawa nilang pag sisikreto mas nasaktan ako ehh.

Mga pumatay sa mama ko yung pinag uusapan don, mga mamamatay taong walang paki alam sa buhay ng iba. Ang mahalaga lang sa mga 'yon ay pera, mga salot sa lipunan na hindi na dapat binubuhay.

"Ano ng gagawin natin ngayon?" Biglang tanong ni Yanyan at umupo sa isang bench, tumabi naman ako sakanya.

"H-indi ko alam, magpapa lamig lang siguro muna a-ko" sagot ko.

"Siguraduhin mo lang na kapag tapos kanang magpalamig hindi pa huli ang lahat" saad niya pero hindi ko maintindihan sinabi niya.

"What do you mean? Hindi kita maintindihan"

"Kase baka dahil sa tagal mong magpa lamig, hindi mo na sila maabutan at mahuli ang lahat"

"Hindi talaga kita maintindihan, straight to the point"

"Narinig ko din sa usapan nila na may plano silang pumunta sa underground city"

"What?! Masyadong mapanganib doon"

"Kaya nga wag mong pakatagal ang pagpapalamig mo, malay mo bukas lang pumunta sila don o kaya sa mga susunod pang araw. Hindi natin alam lalo na si Lexy, gagawin niya lahat para lang sa mga kaibigan niya"

"Hindi ko lang talaga tanggap masyadong masakit at mabigat ang nararamdaman ko, nagagalit ako dahil may kinalaman yun sa pagkamatay ni mama at pinangako ko na gagawa ako ng paraan para makuha ang nararapat na hustisya"

"Nasa sayo 'yan, basta tomorrow you'll have to live with the things that you've said" saad niya.

Hindi ko alam kung bakit natakot ako sa sinabi niya. Ang weird ngayon ni Yanyan hindi tuloy ako sanay. Alam kong nasaktan ko sila pero mas nasaktan ako sa ginawa nila, hindi ko masisisi ang sarili ko kung bakit ko ginawa 'yon.

Alexy Tan PoV

Nag hahanda na ako dahil mamayang 7:00 AM susunduin na ako ni Erica para sa pag punta namin sa bahay namin para kunin yung mga gamit tapos ay didiretso na kami sa underground city. Oo, dati akong miyembro ng isang gang at ngayon sumasalakay nanaman ang gang na nakalaban namin dati. Malaki ang kasalanan saamin ng mga 'yon, lalo na kay Arah, pero hindi pa ako handang sabihin kay Arah lahat ng nalalaman ko.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon