T3D - Chapter 19

1.8K 44 5
                                    

Rhian Dela Cruz PoV

It's thursday evening. Nagising ako para uminom ng tubig kanina. Tulog na yung dalawa dahil 11:30 PM na, nag lalakad ako ngayon pabalik sa higaan, alam kong kailangan ko pang matulog pero parang nawala yung antok ko, kaya nag isip isip muna ako.

Parang may something kay Lexy kanina kasi namumula siya, tapos bumubulong pa siya ng nakakahiya.

Napano kaya 'yun? Tsaka ayaw niyang masyadong dumikit kay CR, crush niya siguro.

Si Arah at Zach naman nag kakamabutihan na yata, well wala namang masama dun dahil mukhang mabait naman si Zach, at bagay naman sila.

Napag usapan rin kanina na mag kakapartner sila sa acquitance party bukas. Ang swerte nila, ako kasi walang kapartner. Si Little A naman inaya raw siya ng isa sa kaklase namin na si Miguel, kinwento niya sakin kanina. Hindi naman sa gusto ko pero mas masaya siguro kung may partner rin ako.

(Acquaintance Party)

Kahit inaantok ako ay gumising na ako. Naligo ako at nag toothbrush muna. Pagka tapos ay nag luto ng almusal. May stock naman kami ng pag kain na pang almusal dito sa ref kaya hindi na ako lumalabas para bumili.

Pagka luto ay nag handa na ako sa lamesa, hindi ko na muna ginising yung dalawa dahil wala namang pasok kasi daw para maka pag beauty rest yung mga students para mamayang 6 pm kung kailan gaganapin yung acquitance party eh makapag handa kami.

Pag ka tapos kong mag handa ay tinakpan ko muna ng tray at pinuntahan sila Lexy at Arah. Si Arah na ang inuna ko kasi alam niyo naman na pahirapan sa pag papagising si Alexy.

"Arah?" Sabi ko sabay tapik sa pisngi niya "Nakahanda na yung almusal" sabi ko tapos ay bumangon na siya at nag unat unat.

"Good morning Yan Yan!" Bati niya saakin, napaka energetic ah 

"Good morning din, patulong munang gisingin si Lexy." sabi ko naman at tumayo na rin ako.

"Lexy?" Sabi ko sabay tapik sa braso niya. Pero hindi man lang siya tinablan. Napabuntong hininga ako.

"Lakasan mo kasi, Yanyan" saad ni Arah, ginawa pa kong sadista nito.

"Lexy!!" medyo malakas na sabi ko sabay palo sa braso niya pero wala parin, gumalaw lang yung kamay niya.

"Sabay tayo" sabi ni Arah "Hampasin natin siya ah?"

"Sige, 1, 2, 3 go!" Sabi ko.

"ALEXY!!!" Sabi namin sabay hampas.

"Ouch!" Sigaw ni Lexy sabay hawak sa braso niya habang naka ngiwi.

"Ano b--!?"

"Hala?! Alexy! Pinapatawag ka ni Mrs. Martin! (A/N: mommy ni Zach, principal) bawal daw umabsent ngayon, tsaka ba't wala ka daw excuse letter?! Lagot ka! Bumisita kasi si Mrs. Martin sa room tapos pinatawag ka niya saamin!" Nag tatakang tiningnan ko si Arah. "Diba Yan?!" Kinindatan niya ako senyales para sakyan ko ang ginagawa niya, ano kayang plano niya.

"Oo nga! Maligo ka na Lexy! Hihintayin ka namin, lagot ka!" Panggagatong ko pa kaya lalong nanlaki ang mata ni Lexy.

"What the hell! Bakit ngayon niyo lang ako giniseng?!" Sigaw niya at mabilis na kumuha ng gamit at tumakbo sa banyo.

"Nakakatawa yung reaction niya, hindi man lang niya napansin na hindi tayo naka uniform" Patawa tawang sabi ni Arah.

"Teka, bakit mo nga pala ginawa yun Arah?" Tanong ko.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon