T3D - Chapter 40

802 19 0
                                    

John Waine Park PoV

Dumating na sina Lexy, Arah, Yanyan kasama nila sina Charles, Zach at Jacob na panay akbay sakanila. Ang alam ko ay wala pa namang relasyon sina Lexy at Charles pero kung maka tawag ng baby ay kala mo may label sila.

Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot, napatay na rin namin 'yung cctv. Si kuya Dan pa rin nagbabantay kaya hindi kami nahihirapang lumabas.

Nang malapit na kami ay biglang may tumawag kina Lexy, Arah at Yanyan.

"Rhian! Alexy! Sarah!!" Sigaw nila, dalawa silang babae na magkamukha. Papunta sila sa direksyon namin.

"Saan kayo pupunta?" Magiliw na tanong nung isa.

"Ah ano may hinahanap lang kami, k-kayo anong ginagawa niyo dito?" Palusot ni Yanyan.

"Ah tulungan na namin kayong mag hanap, ano bang hinahanap niyo?" Tanong nung isa at ngumiti.

"H-hindi na" pilit na ngiting sabi ni Arah.

"Pasensya na kayo kung feeling close kami sainyo" paumanhin nung isa.

"H-hinde, okay lang. Sige mauna na kami" sabi ni Lexy at nagtuloy na kami sa paglakad.

"Ingat kayo" pahabol na sabi nila. Hindi ko gusto ang presensya nila, hindi ko alam kung bakit.

"Kaklase niyo sila hindi ba?" Tanong ni Gray.

"Oo, bakit? May type ka sakanila? Sino ba?" Sabi ni Arah at ngumisi.

"Wtf! Tinatanong ko lang, parang may mali eh" sabi ni Gray, pareho kaya kami ng naiisip.

"Huh? Anong mali?" Tanong ni Yanyan.

"Exchange students sila 'diba?" Tanong ni Haarsha.

"Oo, kilala niyo ba sila?" Si Yanyan.

"Hinde" sabi ni Haarsha.

"Kaibigan niyo sila? I mean matagal niyo na ba silang kakilala?" Tanong ko.

"Nakilala lang namin sila sa mall, hindi naman namin sila nakaka sama pero mukha naman silang harmless" sabi ni Lexy, hindi na 'ko nagsalita at sumakay na kami sa kotse.

Pagdating namin ay agad kaming sumakay sa elevator at nag practice. Tinuruan namin sila kung paano makawala kung sakaling madukot nanaman sila.

Lumipas ang mga araw at puro practice lang kami pero may mga araw na nagpapahinga kami. Palagi ring nagbabalita samin si Angel na nagiging malapit sila dun sa dalawang babae na napag alaman naming sina Jherose Alcantara at Valerie Alcantara. Mga exchange students sila dahil matalino sila.

Ang laki ng inimprove nina Lexy, Arah, Yanyan, Charles, Jacob at Zach. Nagamay na nilang gamitin 'yung mga armas pati sa physical na labanan ay magaling na sila.

Hindi naging magaan para samin 'yung mga araw dahil nagiging busy rin kami at graduating students kami. Lumipas na rin ang mga exam namin, last grading na namin at gagraduate na kami. BS Med Tech ang kukunin ko dahil 'yun talaga ang gusto ako, pati si Lexy ay BS Med Tech rin ang balak niyang kuning course.

Sina Gray at Jacob ay BS Architecture. Si Haarsha naman ay HRM kapareho niya si Yanyan. Sina Sarah, Zach at Charles naman ay BS Criminology.

Palagi ring may nababalitang kaso na linulutas namin kasama sina Lexy, Arah, Yanyan pati sina Charles, Zach at Jacob. Parang naging isang grupo kami sa buong University.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon