T3D - Chapter 48

719 19 2
                                    


Rhian's PoV (Yan yan)

Papunta na kaming Underground house ngayon, sinugurado namin na hindi malalaman nila Val at Jherose na pupunta kami dito.

Si Jacob nasa ospital ngayon, binabantayan naman sya nung kapatid ni Gray eh kasi ibinilin ni Gray sakanya si Jacob saktong wala naman syang ginagawa ay pumayag sya.

Nasaksak sa likod si Jacob kaya kailangan nyang magamot tsaka nawalan din sya ng malay kanina, gusto namin na bantayan siya pero kailangan na naming kumilos, alam kong mai intindihan nya yun.

Masakit para saakin, para saamin na yung tinuring naming kaibigan ay yung mga kaaway pala na gusto kaming patayin, pinag laban pa naman namin sila kila Zach at sa B3, pinag laban namin yung mga maling tao.

Hindi ko alam kung mag sisisi ba ako dahil kinaibigan ko sila or hindi, pero ito lang ang masasabi ko, mag babayad sila, not now but soon, in the right time, hindi man kami yung maningil sakanila nang mga ginawa nila, alam kong pagka namatay sila pag babayaran din nila lahat.

Pero kailangan kong/naming pakalmahin si Arah, masyadong puro pag hihiganti ang naiisip nya, muntik na syang makapatay kanina, ako din naman gusto kong pagbayaran nila Val at Jherose yung mga kasalanan nila pero hindi naman sana umabot sa part na kailangang mamatay sila.

Hindi pa rin ako maka paniwala na magagawa nila yun, all this time pinag tataksilan lang pala nila kami at siguro kaya sila lumapit saamin hindi para maging kaibigan kami kundi upang makakuha sila ng impormasyon mula saamin at matutukan kami sa lahat ng gagawin namin.

Naiinis ako kasi hindi kami nakinig sa Boys.

----
Nung naka rating kami sa Underground house umupo muna kami para mag plano sa mga hakbang na gagawin namin, hindi kami pwedeng magpa dalos dalos ng desisyon dahil makaka sama lang yun, baka mas lalo kaming mapahamak.

"So ano nang plano?" Tanong ni Lexy.

"Ahm ito yung una" sabi ko "kailangan pagka kaharap natin sila kalmado lang tayo---"

"What?! After nilang gawin saatin yun kakalma tayo??? Kalmado?! Nag iisip ka ba??" Sabi ni Arah, hindi ko naman sya masisisi eh.

"Arah, patapusin mo muna ko!" Medyo pasigaw na sabi ko "pagka nag padalos dalos tayo makakagawa tayo ng mga bagay na ikakapahamak natin gaya nung ginawa mo kanina! Muntik ka nang maka patay Arah."

"I don't care! Gusto kong mamatay sila, gusto kong mag bayad sila." Nanggigigil na sabi ni Arah.

"Sandali lang!" Sabi ni Lexy "ganito yan, Arah tama si Yan yan, kapag nag pa dalos dalos tayo agad nila mahahanap yung kahinaan natin, dapat pagka humarap tayo sa kanila kalmado lang tayo, parang dati lang, tapos pagka sinugod nila tayo wag nating targetin na patayin sila, parang mabalian lang sila or hindi makagalaw pwede na yun, wag din tayong pupunta sa parte ng school na walang CCTV, or kaya mag voice record tayo para hindi nila tayo mahanapan ng butas, baka sabihin pa nila pagka nasaktan natin sila eh sinasadya natin yun, pagka may CCTV masasabi natin na self defense lang yun." Mahabang paliwanag ni Alexy.

"Sige kakalma ako, pero pagka napuno ako kayo nang bahalang mag pa tigil saakin" sabi ni Arah.

"Aww hindi pa naman ako marunong mag pa kalma" sabi ni Zach.

"May kilala akong magaling dyan" sabat ni Waine "si Gray, sya laging nag papakalma saamin eh" tapos napansin kong pa simple nyang kinindatan si Gray, pansin ko lang, may tinatago ba si Gray?

Gusto ko sanang mag tanong kaso hindi ngayon  yung oras para dun, marami kaming dapat gawin kaya ipag papa liban ko nalang muna yun.

"Oh tara, mag training na muna tayo" sabi ni Zach.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon