T3D - Chapter 28

1.1K 29 7
                                    

Sarah Lopez PoV

Sa room 'yung laban ng mga chess kaya pumunta na kami nila Lexy don, syempre isusuport nila ako.

Nang makarating kami don, kaagad tinanong kung anong pangalan ko at chineck 'yung attendance.

Naiwan sila Rave sa labas dahil bawal manood, bawal daw kasing mag ingay dito sa loob baka ma distract 'yung mga naglalaro. Umupo muna ako habang hinihintay 'yung si Gray Richard Salmon esta Solomon.

'Yung laban ni Little A mamaya pang hapon, kaya nag eensayo muna siya sa ngayon.

Apat na mahahabang mesa 'yung nasa loob ng room at may naka lagay na mga Chess Boards sa isang mahabang mesa dun i pupwesto yung Player A boys.

Sa isa namang mahabang lamesa ipupwesto yung Player A girls.

Sa Player B Boys naman sa isang mesa ganon din sa Player B Girls.

"Okay, si Mr Gray Richard Solomon nalang 'yung hinihintay natin" sabi ni Coach.

"I'm here. Sorry, I'm late" sabi ng kadarating lang na si Gray Richard Salmon kasama 'yung mga kaibigan niya.

Kagad namang chineck ni coach 'yung pangalan ni Gray. Umupo din sila malapit sa pwesto namin.

Ilang sandali pa, tinawag kami ni Coach kaya lumapit naman kame.

"Ok ganto, kapag naka dalawang talo kayo, out na kayo non. Hindi na kayo pwedeng maglaro. So dapat galingan niyo. Goodluck" sabi ni Coach samin.

"Yes coach." sabi namin.

"After 3 minutes start na ng game, kaya maghanda na kayo" sabi ni Coach.

Makalipas 'yung tatlong minuto, sinabi samin 'yung instruction sa laro at mga bawal. Tinawag kami at ngayon katabi ko si Gray. Aishhh nakaka inis presence niya.

"Bawal mag Touch Move, tapos bawal ring matamaan 'yung Chess Board. Dahil kung sakaling matamaan mo 'yon at matumba 'yung mga piyesa out kana. 1 hr ang oras ng pag lalaro kapag natapos 'yung oras at hindi pa kayo tapos maglaro pareho kayong talo. Kaya dapat matapos niyo na agad." sabi ng Leader ng Chess.

"Alam niyo naman na siguro kung anong player kayo tama?" tanong samin.

"Yes po" sabay sabay na sagot namin.

Player A kami ni Gray at Player B naman sila Kihmy at Keitt.

"Ok, so let's start." sabi samin.

Nilapitan kami ni Coach at sinabing Give your best and enjoy the game. Nagpasalamat kami at umalis na siya.

"Goodluck" sabi ko kay Gray.

"Thanks, goodluck din. Alam ko mananalo ka dito" sabi niya.

"Sa Player A boys muna tayo"

"Grade 8 Player A Boys Vs Grade 12 Player A Boys" sabi ng leader at tumayo naman si Gray at yung Grade 8 at umupo sa pwesto ng mga Player A Boys naghawakan silang kamay at nagpakilala sa isat isa.

"Go Gray!" sigaw nila Waine ng makaupo si Gray "Shhhhh Quiet" sabi sakanila ni coach, tinignan naman niya 'yung dalawa at nginisian. Pssh ang yabang talaga.

"Next, Grade 7 Player A Boys Vs Grade 9 Player A Boys" kagaya kila Gray tumayo sila at umupo sa pwesto ng mga Player A Boys at naghawakan din ng kamay at nagpakilala.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon