T3D - Chapter 43

830 24 6
                                    

Alexy Tan PoV

Andito kami ngayon sa dorm namin. Galing kami sa clinic, si Waine kasi nawalan ng malay tapos may sakit pa pala siya sa puso, pero buti nalang hindi masyadong malala.

Kami lang ngayon nila Arah dito sa dorm, bumalik ng dorm sila CR maglilinis muna daw sila tapos babalik na sila dito.

Nakaupo kami ngayon sa sala habang hinihintay na dumating sila CR.

"Nakakainip no" sabi ni Yan yan.

"Oo sobra" sabi naman ni Arah.

"Tagal naman nila CR"

"Alam niyo ba kanina, umamin na sakin si Zachy, tinanong niya ako kung pwede niya daw ba akong ligawan" sabi ni Arah.

"Oh ano sagot mo?" tanong ni Yan yan.

"Syempre oo, gusto ko din kasi si Zachy. Ang sweet niya pa gustong gusto ko kapag hinahalikan niya 'ko sa noo, he's so cute tapos ang bait pa" sabi ni Arah na tumatawa pa, mukhang kinikilig pa eh.

"Nako, ang harot"

"Sakin din" sabi ko.

"Anong sakin din?" tanong ni Yan yan.

"Sakin din, tinanong ako ni CR kanina kung pwede niya din daw ako ligawan." sabi ko.

"Woah, hulaan ko sagot mo." sabi ni Yan yan.

"Ano?" tanong ko.

"Syempre oo, baby na nga tawagan niya sayo eh" sabi ni Yan yan tsaka tumawa.

Ngumiti naman ako, kasi tama hula ni Yan Yan.

"Buti pa kayo magkaka lovelife na" sabi ni Yan yan.

"Ang saya nga eh, 'diba Lexy?" tanong sakin ni Arah.

It made me happy naman. At least I can finally move on from Tantan.

"Sayo ba 'yan? Hindi ba nag confess sayo si Jacob?" tanong ko.

"Crush ka ng mokong na 'yun" tatawang sabi ni Arah.

"Kaninang nasa library kami, sinabi niya crush niya daw ako pero hindi ko 'yun pinansin kasi namula ako bigla" sabi ni Yan yan.

"Crush mo din siya tama?" Tanong ko.

"Oo" sabi ni Yan yan na medyo nahihiya pa cute.

"Pero umalis din siya eh, naiinip daw kasi siya kaya sabi ko labas muna siya. Pero pag kalabas niya dumating si Haarsha tapos lumabas kami at nagpunta sa may court tinignan niya yung key chain na nasa cellphone ko." kwento ni Yan yan.

"Bakit niya tinignan 'yung key chain?" Tanong ni Arah.

"Sakanya kasi 'yun galing, nung bata kami binigay niya sakin 'yon. Sinabi niya na pag daw nagkita kami ulit hindi na niya 'ko iiwan, siya pala 'yung batang si Ar ar na una kong naging crush. Kanina ko lang nalaman na siya 'yun dahil sinabi niya nung isang araw niya lang din nalaman nung nakita niya 'yung key chain nung nandun tayo sa dorm ni Miya para i solve 'yung case kay Angela Isles. Na miss ko ng sobra si Ar ar" sabi ni Yan yan.

So bata palang pala magkakilala na si Yan yan at Haarsha at ngayon lang nila nalaman 'yon.

"Bakit ngayon mo lang nalaman?" tanong ni Arah.

"Ar ar lang kasi 'yung pangalan na binigay niya sakin non, hindi ko naman kasi alam full name niya. Ngayon ko lang nalaman na si Ar Ar ay si Haarsha, tapos Rhi rhi lang din 'yung binigay kong pangalan sakanya non kaya hindi niya 'ko kaagad nakilala" sabi ni Yan yan ng naka ngiti.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon