T3D - Chapter 33

949 31 1
                                    

Someone's PoV

Gustong gusto ko na silang pataying tatlo pero dahil nag eenjoy pa'ko sa pakikipag laro sakanila hindi muna. I have a better plan for them.

Katabi ko si Sarah, well wala parin siyang malay dahil sa panyo na may nakakahilong amoy. Tinignan ko 'yung mukha niya, tss naaalala ko lang 'yung nangyari dahil sa pagmumukha niya. Sinampal ko ulit siya ng malakas, siguradong hinahanap na siya ng mga kaibigan niyang walang kwenta.

Bago ako umalis ay kinuha ko muna ang dagger ko at sinaksak 'yun sakanya narinig ko ang ungot niya, well she deserved it. Inalis ko 'yung dagger at nagising siya but hindi niya makikita ang mukha ko dahil naka mask ako.

Napa ubo siya ng dugo kaya napa ngiti ako. Nakatali ang mga kamay at paa niya, I'm pretty sure masakit pa rin 'yung likod niya.

"S-sino ka??! Bakit moba 'to ginagawa?!!" Sigaw niya.

"Well, malaki ang kasalanan mo but wala akong time mag storytelling ngayon." Sabi ko, "Alisin niyo na pagkakatali niya at pahawakin niyo sa mga bakal nayun" sabi ko, mabilis nilang sinunod ang utos ko.

Nagpupumiglas pa siya pero hindi na niya kaya, iniwan namin siya naka sabit doon dahil gusto kong mahirapan pa sila ay pinasira ko ang makina ng ambulansya at binura ko narin lahat ng kuha ng cctv na nakuhanan kami.

'Easy'

Zach Martin PoV

Ilang araw narin ang lumipas magmula nung sunod sunod na may mangyaring masama kina Lexy. Natatakot rin ako na baka si DS na ang susunod nilang saktan.

Ilang minuto na rin ang nakakaraan ng utusan ni ma'am si DS, ayaw kong magpaka praning pero kinakabahan ako. Baka may manakit sakanya, hindi ko kakayaning pati siya ay pahirapan rin ng mga naka mask na mga taong 'yun.

Lumabas na ang guro namin, gustuhin ko mang lumabas para tignan si DS ay hindi pwede dahil may susunod pang guro namin.

Habang hinihintay ang susunod naming guro ay lumapit ako kina Lexy at Charles.

"Bakit ang tagal ni DS? Baka kung napano na siya" bungad ko sakanila.

"Baka natagalan lang talaga siya, pero kung gusto mo siyang puntahan kami ng bahalang gumawa ng excuse para sayo" sabi ni Lexy.

"Titignan ko, kapag hindi pa rin ako naka balik at dumating na guro natin kayo ng bahala" tumango naman sila bilang sagot. Hindi kona dinala ang bag ko dahil baka makita ko rin siya agad.

Lumabas na'ko ng classroom at naglakad papunta sa teachers office, mainit pa naman ngayon pero titiisin ko. Ayoko naman dumaan sa likod ng building dahil delikado na.

Bigla akong napa isip, hindi kaya dumaan si DS sa likod ng building dahil alam kong ayaw niya ring naiinitian. Ayokong mag isip ng masama pero kailangan ko siyang tignan doon.

Tumakbo ako sa daan papuntang likod ng building, maraming puno doon at walang masyadong pumupunta doon na mga estudyante.

Pagdating ko doon ay linibot ko ang paningin ko, walang tao ron pero may napansin akong mga papel na may naka dagan na bato.

Kinuha ko ang mga 'yun, eto 'yung mga papel na pinadala ni ma'am kay DS. Sh*t hindi kaya may nangyaring masama sakanya. Tumingin pa 'ko sa paligid, mas lalo akong kinabahan ng may makita akong dugo sa lupa.

Kinuha ko ang papel at patakbong dinala 'yun sa teachers office dahil baka magalit pa 'yung guro namin. Bago ko ilagay 'yon sa table ay may nakita akong papel na kulay pula, kinuha ko 'yun at lumabas na.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon