T3D - Chapter 44

682 20 6
                                    

Rhian's PoV (Yan yan)

Nag lalakad na kami papasok sa room, hindi pa naman oras pero napag desisyon na naming pumasok, kaso habang nag lalakad ay---

"DETECTIVESSSS" napahinto kami nang may malakas na tinig na nangga galing mula sa likod naman kaya napatingin kami halos sabay sabay dun.

"De-detectives--" hingal na sabi nang isang babae, matangkad sya pero mukhang mas matanda kami sa kanya.

"Anong kailangan mo? Tubig oh" sabi ni Arah sabay abot sakanya nang tubig na mula sa bag nya, huminahon muna ang babae at ininom yung tubig, kinutuban ako na may hindi magandang nang yari.

"Sa-sandali lang po" hinayaan muna namin syang mag pahinga sandali kasi hingal na hingal sya at baka himatayin pa sya dito.

Pamaya maya ay mukhang nahimasmasan na sya at dahil kinakabahan nga ako sa nangyari ay tinanong ko na sya.

"Ano bang nangyari? Bakit nag mamadali kang tumakbo papunta dito?" Napansin ko din na ang konti nang tao dito, nasaan ba sila? Ang gulo, sobrang gulo nang mga nang yayari ngayon.

"K-kasi po, sa may gubat sa likod nang girls dorm may natagpuan na bangkay--"

"Ano?! Tara na pumunta na tayo dun" nag madali kaming tumakbo mapunta dun, sabi na nga ba eh may nangyari talagang masama, muntik na kaming madapa sa kakatakbo pero hindi pa rin kami humihinto, malayo layo ang gubat dun sa pinang galingan namin.

Pag kadating namin dun syempre nag pahinahon muna kami nang sarili kakapagod tumakbo eh. Ang daming studyanteng naka palibot kaya pala wala masyadong tao kanina kasi nandito sila.

"Yan yan tawagan mo na si Tito Sammy" sabi ni Arah kaya tinawagan ko na, sabi nya papunta na daw sila dito, chineck nila Arah yung babaeng naka handusay at yung ibang studyante na naka palibot ay pina balik na nila sa room, kakilala na nila kami kaya sumunod na sila, may isang naiwan dito, sa Kiesha na kaibigan nung babaeng naka handusay na si Kylene.

"Wala na, hindi na tumitibok yung puso nya" sabi ni Arah na chinicheck yung bangkay nya, si Kiesha naman ay iyak nang iyak, tinawagan na din nya. Wala naman daw syang kilala na naka away ni Kylene na posibleng gumawa sakanya nun.

Ito yung nakuha naming impormasyon tungkol sakanya.

Victim
Name: Kylene Pangilinan.
Age: 16 years old.

Possible Suspect
Name: Kiesha Lansangan
Age: 16 years old

May nakuha rin kaming litrato niya para matandaan ko yung mukha niya dahil balak kong tignan yung kuha ng cctv cameras na maaaring nakuhanan si Kylene bago siya natagpuan dito.

Base rin sa katawan niya ay kamamatay niya lang dahil medyo mainit pa ang katawan niya at sariwa pa yung dugo na umagos mula sa katawan niya.

"So nasaan ka kanina nung nangyari ito?" Tanong ko sa kanya kasi delikado na baka sya pala yung may kagagawan, hindi naman sa pinag bi bintangan namin sya pero kailangan talaga namin syang obserbahan.

"Nasa library po ako mula pa kaninang umaga" sagot nya saamin.

"Check ko muna CCTV sa library" sabi ko "kayo nang bahala muna dito" bulong ko kina Arah.

"Samahan na kita Yan yan" sabi ni Jacob, tumango lang ako at kumaripas na kami nang takbo.

Chineck ko yung CCTV, syempre nag paalam kami kasi baka pagalitan kami or i report kami pagka hindi kami nag paalam, at tama nga yung sinabi ni Kiesha, hindi sya yung pumatay kay Kylene.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon