T3D - Chapter 49

881 21 1
                                    

Jherose PoV

Bukas na yung araw na matagal na naming hinihintay ng kapatid ko. Hindi naming hahayaang umabot pa sila sa stupid Graduation nila.

I really hate them, lalo na si Sarah. Kasalanan ng mama niya kaya namatay si mommy. Nakaganti na rin kami sa mama ni Sarah dahil pinapatay na namin siya but hindi pa rin kami kontento doon. Gusto namin pati si Sarah ay mamatay, well kasama na ang mga kaibigan niya.

Nagsimula ring mawalan ng time si Daddy samin pagkatapos mamatay ni mommy. Puro siya work! Damn work!

Bigla nanamang bumalik sa ala ala ko yung nangyaring car accident.

-----Flashback-----

Pauwi na kami ngayon galing kami sa Baguio, kasama ko sina ate Valerie, mommy at si Tita. Friend siya ni mommy, tita daw ang dapat na itawag namin sakanya.

Naka upo kami sa likod ni Ate Valerie, si mommy naman at Tita ay nasa harap dahil si Tita yung nag dadrive.

Masayang naming tinatahak yung daan pauwi ng bigla nalang kaming dumausdos sa isang bangin, pa slide siya.

"Mommy ano pong gagawin natin?" Takot na tanong ko, pare pareho kaming takot ngayon dahil dumadausdos ng dahan dahan yung kotse, kapag nagpatuloy to ay pwedeng magpa ikot ikot at kotse namin dahil pa side siyang dumadausdos.

"Wag kayong mag alala baby magiging okay din tayo, calm down" sabi ni mommy pero pagkatapos niyang sabihin yun ay nagpa gulong gulong ang kotse namin. Yumakap ako kay Ate Val at pareho kaming nakapikit hanggang sa tumigil ang kotse namin.

Humiwalay sa pagkakayakap si Ate Val at tinignan ako.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya

"A-ate" sabi ko at umiyak may dugo kasing tumutulo sa ulo ko.

"L-lumabas na t-tayo dito" sabi niya at binuksan namin yung pinto. Yupi yupi na rin yung kotse.

Naglakad kami ng dahan dahan sa harap at biglang sumigaw si Ate

"S-si mommy!" Sigaw niya at tinuro si mommy na nasa harapan. Nakapikit siya at ang daming dugo ang dumadaloy sa ulo niya. Napatingin ako kay Tita na nakapikit rin at may dugo.

Mabilis naming binuksan yung magkabilaang pinto sa harap at lumapit sakanila.

"T-tita" sabi ko at yinugyog siya

"Ugh" sabi niya at napahawak sa ulo niya. "Sh*t, are you okay? Where's Valerie?" Sunod sunod niya tanong

"Sinusubukan niya pong gisingin si m-mommy" sabi ko, kahit nahihirapan ay lumabas siya ng kotse at inakay si mommy palabas nung kotse.

Inihiga niya ang ulo ni mommy sa lap niya. Hinawakan niya sa pulso si mommy.

"Okay lang po ba si mommy?" Tanong ni Ate Val at lumapit sa tabi ni Tita kaya lumapit rin ako.

"Mommy gising ka na"

"Mommy" sabi ko at umiyak "bakit po hindi gumigising si mommy? Tita tumawag po tayo ng tulong"

Hindi siya sumagot pero may kinapa siya sa bulsa niya, isang cellphone. May tinawagan siya at alam kong nanghihingi siya ng tulong. Ilang sandali lang ay binaba na niya yung cellphone.

"Bakit po hindi niyo sinasagot tanong namin!!" Sigaw ni Ate Val

"I'm sorry" nakayukong sabi ni Tita

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon