T3D - Chapter 5

3.3K 104 6
                                    

Alexy Tan PoV

"Alexy gising na" sabay yugyog sakin ni Rhian.

"Oo na" saad ko sabay tayo, napansin ko naman na dress siya kaya kumunot yung noo ko saan naman punta nito.

"Saan punta mo?" Tanong ko 

"Sa mall nagyaya kasi yung DORMMATE ko." sagot niya sabay diin sa dormmate. Sh*t naalala ko na yinaya ko pala sila kagabe.

"Sige maliligo na'ko." saad ko habang nagmamadaling pumasok sa banyo.

Pagka tapos kong maligo ay agad akong nag bihis at inayos yung buhok ko, nag lagay ako ng konting lip tint sa labi ko hindi naman ako katulad ni Mich na ginagawang coloring book yung mukha.

Pagka tapos kong mag ayos ay lumabas na'ko ng kwarto, nadatnan ko silang nag hihintay doon kaya yinaya ko na silang umalis.

Dumiretso kami sa parking lot ng school, nandon kase yung kotse ko yun nalang ang sasakyan namin. Pagka pasok nila sa loob ay agad kong pina andar ito. Agad kaming naka rating sa mall dahil walang traffic at hindi rin naman masyadong malayo yung mall sa school namin.

Pagka park ng kotse ko sa parking lot ay agad kaming lumabas at naglakad papasok sa mall.

---------

Nandito kami ngayon sa damitan, silang dalawa ay nakapili na habang ako hindi pa, nahihiya na rin ako kasi mahigit 4 na oras na kaming paikot ikot dito.

"Alexy? Fit this one, it looks wonderful." nakangiting sabi ni Sarah sabay abot saakin nung dress na kulay purple siya na sobrang dark as in ang ganda talaga tapos backless pa siya.

"Sige ta-try ko, mukhang maganda nga ito." sagot ko sabay lakad papuntang fitting room.

Yung napili ni Rhian ay kulay light pink, lagpas tuhod ang haba at bumagay naman ito sa kanya, napag usapan kasi namin kanina na i me-make over namin siya, bibili na rin kami ng contactlence para hindi na sya mag salamin.

Ang kay Sarah naman ay color red na abot hanggang tuhod bumagay din ito sa kanya.

Pag katapos kong mag palit ay lumabas na ako ng fitting room.

"Oh my gosh." sabay na sabi nilang dalawa.

"Ang ganda mo Alexy." sabi ni Rhian.

"I agree." sang ayon naman ni Sarah.

Pagkatapos naming mamili ng damit pumila na kami sa counter at nag bayad tapos ay napag pasyahan namin na pumunta muna sa arcade para mag laro.

"Rhian, Sarah kain na tayo." aya ko, Nakakagutom din pala mag laro.

"Sige, gutom na rin ako." saad ni Sarah sabay himas sa tiyan niya.

Pumunta nalang kami sa fast food resto dito sa mall. Pagka dating namin tumayo kaagad si Sarah para umorder ng pagkain namin.

"Sama na'ko Sarah" saad ni Rhian sabay tayo, tinanong naman ako ni Sarah kung anong gusto kong kainin.

"Kagaya nalang ng sayo, tamad ako mag isip ehh" sabi ko kay Rhian.

"Kailan kapa ba sinipag Alexy?" pabirong tanong ni Rhian, inirapan ko nalang siya at sabay kaming tumawa, pagkatapos ay umalis na nga sila para umorder.

Pag dating nila, nagsimula na kaming kumain.

"Ano ba naman yan Sarah, dahan dahan baka mabulunan ka." saad ko, patay gutom din pala siya.

"Sorry, gutom na kasi talaga ako." sagot niya habang may pagkain pa sa bibig.

Natapos na kaming kumain. Sunod naman kaming pumunta sa grocery store, pa ubos na rin kasi yung stock namin.

The 3 DetectivesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon