Chapter 01 : The Vulnerable Girl

749 69 3
                                    

"I've learned my lessons already, now it's time to move on and be strong!"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"I've learned my lessons already, now it's
time to move on and be strong!"


HALOS mabitawan ko ang baso ng juice na hawak ko. Pakiramdam ko, biglang bumagal ang mundo at nagkaroon ng background music sa paligid. Hindi ko rin maintindihan ngunit tila ba biglang lumakas ang hangin at namalayan ko na lamang na tinatangay na nito ang mahaba at makapal kong buhok'yong para bang tinapatan ka ng electic fan sa harapan pero hindi naman? Gano'n 'yong naramdaman ko.

Habang papalapit nang papalapit siya'y pabilis din nang pabilis ang tibok ng puso ko. Hindi naman ako madaling ma-attract pero bakit ganito na lang impact niya sa akin? Ang lakas ng dating niya; ang kinis ng mukha at para bang ang bango-bango pa.

Hindi na ako makapaghintay pa kaya't naisipan kong humakbang papalapit sa kanya; ni hindi ko na rin pinansin pa ang kaninang kasama kong si Elizze dahil alam kong hindi rin naman niya ako susuportahan dito.

Kaya naman nang sandaling magtagpo ang aming landas, parang kumislap ang aking mga mata nang tingnan niya ako at ngitian.

"Hi, I'm Fritz!" pakilala nito sa akin. Bigla akong napahawi ng buhok sa may tenga ko.

"I know." Napahagikgik naman ako nang mahina.

"Can we be friends?" tanong naman niya.

"We can be friends," sagot ko at pareho kaming natawa.


"At 'yon ang kwento ng karupukan ni Josefina."

Nababadtrip pa rin ako sa tuwing naalala ko ang mga pangyayari. It was two years ago when I'd met that guy. Fritz was my first boyfriend and I don't think I would have a new one. After ng break-up namin, napagdesisyunan ko nang hindi na muna ma-in love. Never again. Kahit pa ilang beses niyang sinabi sa akin na gusto niyang makipagbalikan, tumanggi ako.

"'Wag kayong maniwala diyan kay Elizze! Bitter lang siya kasi hanggang ngayon, single pa rin. The truth is, hindi naman talaga ako madaling na-attract kay Fritz noon. It took time and process bago ko siya sinagot," pagsisinungaling ko.

Totoo naman kasi lahat ang sinabi ni Elizze, ilang araw pa lang after akong ligawan ni Fritz, sinagot ko na siya.

"Wow! For your information, Ms. Matienzo, nagkaroon na ako ng boyfriend pero hindi nga lang kasing tagal ng relationship niyo ni Fritz. But hey, much serious naman siya compare sa kalokohan niyong relasyon," pang-aasar pa ni Elizze sabay rolyo ng kanyang mga mata na para bang proud na proud pa sa sinabi.

Nagtawanan lamang ang mga kasamahan namin. We're eight freshmen students here at the kiosk near the school at naging close kami sa isa't isa last week lamang. It's a good thing we found new friends dahil nagsasawa na rin akong samahan itong Elizze na since high school freshers pa 'ata ay kaibigan ko na.

Marupoked Where stories live. Discover now