Chapter 04 : Get over me

265 53 0
                                    

Chapter theme: Get over me - Nick Carter ft. Avril Lavigne

 Avril Lavigne

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.


TWO subjects have passed and I'm still stuck at the moment. I am currently at my Physics class that I suppose to listen and focus on but what happened earlier makes me dumbfounded.

Electrical circuits; paths which electrical current flows. I still remember the paths and crossroads we've been through for the past few years. Up until today, I can't find the right insulator that will totally resist his presence away from me.

Conductors are substances that carry electric charges. Unlike insulators, it doesn't resist the electric current to flow.

Life is like an electric circuit, it goes on and on until it reached its designated load. But unlike the circuit, it has no switch that we might able to turn off and turn it on again if we want to. We have these cells, that make our lives continue to go on. I consider my family, dreams, and friends as my cell since they're my source of power.

Going back to reality, pinagmasdan ko ang bawat kaklase kong nasa loob ng silid. Halos lahat ay nag-ja-jot down ng notes habang ang iba naman, nakikinig lang sa discussions. Minsan, napapaisip din ako kung bakit ko ba pinasok ang kursong ito; nakababaliw para sa karamihan ngunit kung gusto mo at pangarap mo, walang mahirap at lahat ng bagay ay kakayanin.

I consider myself as a typical type of Electrical Engineering student. Mula bata pa, hilig ko nang paglaruan ang kuryente. Minsan na rin itong naging mitsa ng buhay ko ngunit ngayon, naniniwala akong ito ang bubuhay sa akin sa hinaharap.

Natapos ang klase. Patuloy pa rin sa paglipad ang isip ko. Para bang nagdadalawang-isip pa ako sa ginawa kong pagbabalewala sa piraso ng papel na nakuha ko sa loob ng locker ko kanina. Sinadya ba talaga 'yon para sa akin?

"May problema ba?" tanong ni Gracelyn. Napansin niya siguro akong nakatulala sa librong hawak ko habang nakatambay kami sa library.

"Tingin ko, hindi ako makakauwi mamaya. Wala na akong pera," pagsisinungaling ko sabay tawa. Napangiwi naman siya't isinara ang librong binabasa.

Minsan, hindi ko rin talaga mabasa kung anong trip sa buhay nitong si Gracelyn. Hindi ako sanay na nakikita siyang masyadong seryoso dahil parang ang matured na niya masyado sa ganito.

"Gano'n? Sige, maglakad ka na lang," pasaring wika niya. Marahil ay naamoy niya agad na nagbibiro ako.

Ilang minuto pa kaming naghintay hanggang sa dumating na ang iba pa naming mga kasamahan. Isang beses lamang sa isang linggo kami magkasabay-sabay ng uwi kaya naman hindi namin pinapalampas ang pagkakataong 'yon. Although sa kani-kaniyang bahay at dorm na naman ang diretso naming walo, masasabi ko nang nag-ba-bonding na rin kami.

Kasalukuyan kaming naglalakad palabas ng unibersidad nang bigla akong nilapitan ni Henrich. Napansin niya rin siguro na parang wala ako sa sarili sapagkat nahuhuli ako sa paglalakad at hindi nakikisali sa kwentuhan at tawanan nila. Para namang bigla akong natauhan sa ginawa niya.

Marupoked Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora