Chapter 19 : Upshot

110 11 1
                                    

1 year later

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



1 year later..


"Here's your order, Sir! Enjoy AesTEAtic Milk tea. You made the right choice." Ngumiti ako bago inilapag sa lamesa ang isang cup na naglalaman ng Okinawa bubble tea. Ngumiti lang sa akin ang lalaki bago nagpasalamat.



Akmang babalik na ako sa counter since mukhang wala na namang kailangan ang lalaki subalit narinig kong bigla siyang napaismid. Sa totoo lang, suki na siya ng milk tea shop na pinagtatrabahuhan ko for the past few months kaya halos kilala ko na rin siya.



"Pin, right?" usisa ng lalaki nang agad akong lumingon. Mabilis naman akong ngumiwi bago tumango-tango. "Can I ask for tissues? Medyo natapunan kasi ako," sambit ng lalaki bago itinaas ang laylayan ng shirt niyang medyo nabasa na.




"Sure, sir. Wait lang po," paalam ko bago mabilis na naglakad pabalik sa counter.



Ang tyaga rin naman kasi ng lalaki na tumambay rito nang mag-isa. I mean, he could be with his friends or family but he always chooses to chill alone. Ang isa pang napansin ko sa kaniya'y paulit-ulit lang din ang flavor na inoorder niya. I tried offering him another flavor once, but still, he ends up choosing Okinawa flavor which is very common among the customers here.



"Bakit mo naman kasi hindi binigyan ng tissue si Sir Trevor?" bungad ni Cody nang makarating ako sa counter area. Abala siya sa pagmi-mix ng mga ingredients para sa iba pang order kaya ako na lamang ang kumilos sa loob ng shop. Wala kasi kaming iba pang katulong para mag-manage dito.



So, Trevor pala ang name niya? Wow, ang cool pakinggan. Well, mukha namang kakilala na rin talaga ni Cody ang lalaking 'yon dahil mas matagal sa akin si Cody dito sa AesTEAtic Milk tea shop. Almost six months pa lamang akong nagpa-part time dito lalo na kapag wala akong masyadong ginagawa sa school. I decided to take a part-time job to support my daily needs and school requirements.



"Malay ko bang matatapunan siya. Saka, hindi naman siya humihingi ng tissue 'di ba?" natatawang sambit ko na lamang at dali-daling kumuha ng ilang piraso ng tissue papers sa counter.



Hindi ko na hinintay pang sumagot si Cody bagkus dali-dali akong bumalik sa kinaroroonang table nung Trevor. Sa tingin ko, college student lamang din siya but then again, we always treat our customers as someone who is really special to us. I mean, ganoon naman siguro talaga sa lahat ng business shops pero dito sa amin, mas nagbibigay kami ng respeto sa mga customers ano man ang edad nila.



"Here's your tissue, Sir. Enjoy po!" bati kong muli nang iabot ko sa lalaki ang tissue na request niya.



Matapos kuhanin ang tissue ay hindi pa rin ako umalis sa harapan niya. Hindi ko alam kung magmumukha ba akong pakialamera kung iinterviewhin ko siya ngunit sadyang hindi ko na talaga matiis ang curiosity ko. Very rare lang kasi ako maka-encounter ng tumatambay rito nang mag-isa. Mamaya, may problema pala 'to, kailangan lang ng kausap.



Marupoked Where stories live. Discover now