Chapter 02 : Green-haired guy

344 58 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



"NICE to meet you, Eldie," wika ko at nagpaalam na sa kaniya. Binuksan ko ang pinto ng kotse niya at kaagad lumabas. We talked for about 2 hours while driving around the town.

Maganda ang estado sa buhay ni Eldie ngunit sinamantala lang siya ng ex-boyfriend niya. Naikwento niya rin kasi sa akin kung gaano sila kadalas lumabas ng ex niya at ang mas nakagugulat, siya pang babae ang gumagastos. Hay. Pag-ibig nga naman!

It's almost 6 in the morning at unti-unti nang lumiliwanag ang buong kapaligiran. Mabilis akong nakabalik sa dorm kung saan naabutan kong natutulog pa rin si Elizze. Her class would be in this afternoon pa naman kaya't okay lang din na hindi ko muna siya gisingin. Mukhang pinagpuyatan niya talaga ang paggawa ng critique paper.

I took a bath and dressed up. Umalis ako ng dorm na kagigising pa lamang ni Elizze. Agad naman akong nag-abang ng bus sa labas. Hindi naman ako naghintay nang matagal sapagkat maraming dumaraang pampublikong sasakyan dito.

Pumwesto ako sa bandang likuran ng bus sa tabi ng bintana. Marami pa namang bakanteng upuan sa harapan but I prefer to sit on the back part dahil nag-eemote ako kapag nakasakay sa bus. Wala lang, feeling ko kasi ang emo ng datingan lalo pa't medyo umuulan at sinasabayan pa malungkot na kanta sa radio.

After a few moments, huminto ang bus at napansin ko ang pagpasok ng isang lalaking nakasuot ng face mask. Agaw atensyon ang kulay green niyang buhok at bumagay rin naman sa kaniya ang suot niyang plain white shirt na pinatungan ng maroon bomber jacket. Medyo nakaka-attract ang pormahan niya but sorry, hindi ko siya type.

Naglakad-lakad pa ito hangang sa bigla siyang tumigil sa tapat ko. Hindi ko na sana siya papansin nang marinig kong magsalita ito.

"I'm sorry but I prefer to sit alone." Ikinagulat ko ang sinabi niya at biglang umupo sa bakanteng upuan sa katapat ko kung saan wala rin siyang ibang katabi.

Wow! Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Okay na sana dahil ang gwapo ng datingan niya plus ang ganda ng boses niyang medyo malalim kaya lang, parang may attitude. Ni hindi ko siya kinakausap o anuman, pero sinabi niya 'yon? Ang kapal naman pala ng mukha.

"Sinong may sabing gusto kitang makatabi? In your face," sambit ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Napairap ako't ibinaling ang tingin sa labas. Nakakainis.

"Tss. Kunwari pa pero grabe naman kung makatitig," pagpaparinig pa niya.

Hindi ako makapaniwalang nagagawa niyang magparinig sa akin. Ang lakas ng tama ng lalaking 'to. Saan niya nakukuha ang kakapalan ng mukha niya?

"Ang kapal ng mukha mo!" Hindi na ako nakatiis at hinarap siya. Natagpuan ko siyang nakatingin sa akin habang may takip pa rin ang mukha niya.

Magsasalita na sana siya nang biglang dumating ang konduktor at naningil na ng bayad. Namilog na lamang ang mata ko sa inis. How dare him accuse me like I want him to sit beside me? Nakakabwisit.

Marupoked Where stories live. Discover now