Chapter 11 : I'm begging you

131 12 0
                                    

Sa mismong gate pa lamang ng gym ay nagsisiksikan na ang mga estudyante ng Riversky University at Cipriano Academy

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Sa mismong gate pa lamang ng gym ay nagsisiksikan na ang mga estudyante ng Riversky University at Cipriano Academy. Ngayon ay gaganapin ang second game ng laban sa pagitan ng dalawang team. Ayon kina Elizze, kani-kanina pa raw dumating ang mga players ng kalaban at isa na nga doon ang hindi pa namin nakikilalang lalaking may kulay berdeng buhok.



"Shit. Baka hindi pa natin nalalapitan si guy, magsimula na ang game," bulong ni Elizze sapagkat hindi pa rin kami makapasok sa loob sa dami ng mga estudyanteng manonood.



"Excited teh?" tanong ko sa kaniya ngunit imbis na sumagot, inirapan lamang ako ng gaga.



Out of a sudden, bigla kong naisip na kung second game nila ngayon, bakit parang walang balak si Fritz na lumaro? He's the captain ball of Riversky's basketball team at siya ang nagdadala ng game sa panig namin.



Makaraan pa ang ilang paghihintay ay tuluyan na kaming nakapasok sa loob. Humanap kaagad sina Macy at ang iba pa naming kasamahan ng pwesto sa mga bleachers habang kami naman ni Elizze ay nagtatakbo papasok ng court. Mabuti na lamang at hindi pa nagsisimula ang game.



"Ayun siya!" Itinuro ko ang lalaking hinahanap namin na kasalukuyang may hawak ng bola habang nag-eensayo isa-isa ang mga players.



"Kuya!" tawag ni Elizze dito. Kaagad namang humarap sa amin ang lahat ng mga kasamahan niya. Okay, awkward.



Finally, tuluyan na naming nakuha ang atensyon niya. Napatingin siya kay Elizze dahilan upang bitawan ang hawak na bola't lumapit sa amin.



I don't know why I feel like this, but it's like something's strange from him. Muli kong sinubukang alalahanin ang itsura, posture, at maging ng pangangatawan ng lalaking nakaencounter ko pero parang, taliwas ito sa kaharap namin ngayon.



Siya kaya talaga 'yon?



"Dito ka pala nag-aaral," bati niya kay Elizze. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. Ayoko namang magmukhang suplada kaya't binati ko na lamang din siya sa pamamagitan ng pagngiti pabalik.



"Yes. Buti natatandaan mo pa ako," sagot naman ni Elizze.



Elizze told me before na itong lalaking ito rin ang sumagip sa kaniya noon. Actually, nahihiya pa rin ako magpahanggang ngayon dahil kung ito nga ang lalaking nakasabay ko sa jeep, might as well, sungitan ko siya imbis na ngumiti dahil sinungitan din naman niya ako noon.



"By the way, she's Josefina. You can call her Pin. She's my best friend and nagkita na raw kayo dati." Itinuro ako ni Elizze at muling lumingon sa direksyon ko ang lalaking may kulay berdeng buhok.



"Hi. I'm Pin, and you are?"



"Kensley," agad na pakilala niya sa sarili. "Saan pala tayo nagkita?" tanong niya pa.



Marupoked Where stories live. Discover now