Epilogue

295 17 2
                                    

(Chapter theme: Huling Sandali - December Avenue)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Chapter theme: Huling Sandali - December Avenue)

MARUPOKED

Epilogue



I couldn't resist smiling as I heard my full name upon the announcement of the graduating class. With my head held up high, I walked confidently on the stage and received my diploma as I reached the center. Up until this moment, I couldn't believe that I finished my college journey here in this school. Riversky University will always be a home for me.

I raised my left hand and waved it merrily. Kitang-kita ko naman ang saya ng mga kaibigan kong katulad ko'y tumuntong din sa entablado ngayong araw upang tanggapin ang kanilang mga diploma. I'm just so happy with fact that we graduate together on this day. Wala ng ibang mas sasaya pa sa katotohanang sabay-sabay kaming nagsimula at sabay-sabay kaming nagtapos.

Matapos ang ceremony ay agad na nag-una-unahan ang mga estudyante sa pagpapapicture sa stage. Mayroon namang mas piniling magpicture-taking sa mga gilid habang ako nama'y nanatiling nakatayo lamang sa tapat ng pwesto namin.

"Pin!" Narinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya naman agad akong nagpalingon-lingon hanggang sa mamataan ko si Henrich na siyang kumakaway sa akin sa hindi kalayuan. Malapad ang ngiti niya habang nagtatatalon-talon pa na animo'y tinatawag ang atensyon ko.

Pinasadahan ko naman ng tingin sina Mama at Papa at agad din naman silang tumango sa akin. Tila ba naintindihan na nila agad ang kung ano mang ipapaalam ko sa kanila kaya naman napabuntong-hininga ako bago nagtatakbo papunta sa kinaroroonan ni Henrich.

Henrich had been a great friend of mine all these years. Dumaan man kami sa mga hindi magagandang pangyayari nitong mga nakaraang taon, lagi siyang naririto sa tabi ko at sa bawat myembro ng barkadahan namin upang maging kaagapay sa mga problema.

Nang makarating na sa kinaroroonan niya'y dali-dali ko siyang sinalubong ng yakap. I hugged him tightly at agad din naman niya akong niyakap pabalik.

"Graduate na rin ang reyna ng karupukan!" pang-aasar niya sa akin subalit imbis na mainis ay tumawa na lamang din ako gaya ng reaksyon niya. Nasanay na rin naman akong tinatawag nilang marupok kahit noon pa man.

"Pati ang manok na mayaman, naka-graduate na rin sa wakas!" ganti ko na lamang at mas nilakasan pa ang boses dahil sa walang-humpay na ingay rito sa loob ng auditorium.

Mayamaya lamang ay nakita namin ang papalapit na ngayong si Zyde. As usual, he seems so innocent and kind. He even looked more innocent now that he's wearing that black toga. Nakatapos na rin sa wakas sa pag-aaral ang kaibigan naming mayroong pinakamagandang tambayan sa buong mundo.

Napansin ko kanina na bukod sa mga magulang niya, may iba pang kasama si Zyde. For sure, hindi kami magkakasama-sama after ng event dahil magkakaroon muna ng kani-kaniyang celebration ang lahat. Sa totoo lang, gusto ko sanang makasama ulit sila dahil alam kong pagkatapos ng araw na ito, magbabago na ang mundo na ginagalawan namin but however, our families also waited for this moment for so long kaya mas ipa-prioritize na lang muna namin siguro ang family namin.

Marupoked Where stories live. Discover now