Chapter 06 : Substitute

199 55 1
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"HOY saan ka pupunta?" Natigilan ako sa pagtakbo nang biglang sumalubong sa harap ko ang kunot-noong si Elizze. Langyang babae 'to. Wrong timing naman siya.

"That guy! Siya 'yong may kulay green na buhok," nagmamadaling wika ko. Inilibot ko ang paningin ko subalit hindi ko na siya makita. Ni hindi ko man lang na-memorize 'yung hitsura ng likuran niya kaya't mahihirapan akong makita siya nito.

"Ha? Sino? Wala naman akong nakitang may berdeng buhok," sambit pa niya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Wala na, hindi ko na siya maabutan.

"Kasi walang kulay 'yung buhok niya ngayon!" giit ko. Tila ba mas lalong kumunot ang noo niya.

"Pwede ba 'yon? So transparent gano'n?" Napangiwi ako't nasapo ang noo. "Teka nga, bakit ba parang naging interesado ka na talaga sa kaniya? Eh hindi mo pa naman siya nakikita in person. Wait, don't tell me—"

"Nakita ko na ang lalaking 'yon. Dalawang beses na. Una sa bus, pangalawa sa jeep. I don't know why but there's really something in him. Ang weird lang kasi parang ang liit ng mundo," paliwanag ko. Alam kong naguguluhan pa rin siya ngunit sapat na ang mga sinabi ko upang hindi na siya magtanong pa kung bakit bigla akong naging interesado sa kaniya.

Akmang maglalakad na muli ako upang hanapin ang lalaking 'yon ngunit pinigilan ako ni Elizze at hinigit ang braso ko.

"'Wag mo na siyang hanapin. Natatandaan ko pa ang mukha niya. At kung desidido ka talagang malapitan ang lalaking 'yon o kung may pakay man talaga siya sa 'yo, I'm sure magkikita ulit kayo." Napatigil siya't tumingin sa hawak ko. "Is that a colored hair wax?" tanong niya.

"Yeah. May nakabanggaan kasi akong isang lalaki at naiwan niya 'to," sabi ko sabay turo sa hawak ko.

"And you assume na siya 'yung lalaking nakita mo nang dalawang beses?" Tumango ako.

That's when I realized na masyado akong nagpadalos-dalos. I mean, there's no 100% assurance na siya nga talaga 'yung may kulay berdeng buhok na nakasalamuha ko, at posibleng hindi lang siya ang may ganoong kulay ng buhok around our area pero masyado akong nag-panic at kaagad nag-assume na siya 'yon.

"But wait, sa pagkakaalam ko, that's a rare product at kaunti lang ang may gan'yan dito sa bansa natin. Mayroong mga imitations pero hindi same ng quality ng product na 'yan. Do you think washable 'yung buhok ng lalaking nakita mo? Kasi that guy na tumulong sa akin kagabi, I don't think na wax 'yung nasa buhok niya. It's an artificial hair color pero hindi washable," paliwanag pa ni Elizze.

Napaisip ako sa sinabi niya. During my first encounter with that freak, hindi ako masyadong naglaan ng atensyon dahil first and foremost, wala talaga akong pakialam sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para hanapin siya ngayon matapos kong malaman ang ginawa niyang tulong kay Elizze.

I'm not paranoid but what if, he has another agenda? That everything was not a coincidence. What if, it's a pattern of encounters?

"Maybe the guy who owned this is not the guy I encountered few days ago. Anyway, anong oras ang klase mo?" pag-iiba ko na lamang upang hindi na humaba pa ang diskusyon namin tungkol sa lalaking 'yon.

Marupoked Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon