Chapter 26 : The decision

70 7 0
                                    

The entire room remained silent as we are all waiting for my parents' response

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






The entire room remained silent as we are all waiting for my parents' response. Shock was registered on their face, even my Lolo who was just lying on his bed suddenly smiled as if Cason's words made him happy in an instant. Habang ako naman, litong-lito at gulat na gulat pa rin sa mga pangyayari. How can he even ask that question confidently? At saka, bakit naman niya ako liligawan?

"He must be kidding. 'Wag niyo na pong problemahin ang sinasabi niyan. Pinagtitripan lang tayo niyan," basag ko na lamang sa katahimikan dahil mukhang walang gustong magsalita matapos magtanong ni Cason.

Para akong nabalot ng kahihiyan dahil sa mga pangyayari. I didn't expect it to be that fast. I mean, nahahalata ko na naman na sa mga ikinikilos ni Cason na may something pero syempre, ayoko naman maging assuming dahil baka sa huli, ako lang pala itong umaasa pero itong ginawa niya ngayon na buong-tapang na humarap sa mga magulang ko at sabihing liligawan niya ako? Isn't it that too fast?

"Sincere po ako. Gusto kong ligawan si Pin. I want to show her how serious I am through this. Kung bibigyan niyo pa nga po ako ng pagkakataon, eh ipapakita ko rin po sa inyo kung papaano po ako kaseryoso tungkol dito. Sa totoo lang po kasi talaga ay matagal na akong naghihintay ng tamang pagkakataon para sabihin sa kaniya ang tungkol dito kaso lang po, laging nauudlot." Napanganga na lamang ako habang nakatitig kay Cason.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko lalo pa't tutok na tutok din sa kaniya ang pamilya ko. Kakaibang Cason na yata 'tong nagsasalita sa harap ko dahil napakaseryoso niya. Hindi ko alam kung papaano ako sisingit dahil nag-aalala rin ako na baka pagalitan siya ng mga magulang ko o hindi naman kaya't gumawa pa sila ng eskandalo rito.

"Ashton!" Sinubukan kong tawagin ang apelyido niya at sindakin siya upang malaman kung palabas lang ba niya ito at isa sa mga kalokohan niya. Subalit nang lumingon siya sa akin ay hindi man lang nagbago ang hitsura niya at para bang kinukumbinsi niya ako na maniwala sa mga sinasabi niya.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Papa senyales na magsasalita na rin siya ukol dito. Teka lang. Bakit ba biglang ako ang nalipat sa hot seat? Bumisita lang naman ako rito dahil kay Lolo pero bakit parang biglang naging kaming dalawa na ni Cason ang bida?

"Seryoso ka ba talaga sa panliligaw, hijo?" tanong ni Papa at saka humakbang papalapit sa amin. Nakaupo lamang kasi siya sa isang sofa sa gilid habang nakikinig sa diskusyon kanina.

Nanatili akong nakatingin kay Cason kaya naman kitang-kita ko rin kung papaano siya ngumiti at walang pag-aalinlangang tumango-tango. "Seryoso po. Si Pin lang po talaga itong manhid at hindi aware sa feelings ko para sa kaniya."

"Malay ko ba kung paasa ka lang talaga!" agad na pagtatanggol ko naman sa sarili ko. 'Di ba? Nakakainis lang. Bago pa nga lang siya nangliligaw, inaasar na naman niya ako.

"Wala kami sa posisyon para pagbawalan ang anak ko na magpaligaw. Nandito lang kami para gabayan siya. Pero kung ano man ang magiging desisyon ni Pin tungkol sa ligawan na 'yan, susuportahan naman namin siya basta't alam niyo lang kung ano ang limitasyon niyo," saad ni Papa bago tinapik-tapik ang balikat ni Cason.

Marupoked Where stories live. Discover now