Chapter 27 : Fool and selfish

70 8 0
                                    

Buong oras na nakasakay sa bus ay nakatulala lamang ako't nakatitig sa kawalan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Buong oras na nakasakay sa bus ay nakatulala lamang ako't nakatitig sa kawalan. Siguradong-sigurado ako na si Fritz mismo ang nakita ko. He's skinnier than he used to but I'm really sure he was still the guy who used to be my partner. Pero ang nakakapagtaka lang, bakit nandito siya?

Pagkaraan ng ilang sandali ay namalayan ko na lamang na nakababa na ako mula sa sinasakyang bus at nakatayo sa harapan ng dormitoryo. Paniguradong naghihintay na rin sa akin si Elizze, not knowing na may balita akong pasalubong sa kaniya.

Nang makapasok na sa loob ng kwarto ay bumulagta sa akin ang abalang-abala na si Elizze habang nakatutok sa kaniyang laptop. I sighed, making her aware that I got home already.

"Ano 'teh? Pagod na pagod?" usisa niya nang magtama ang tingin namin.

Lupaypay kong ibinagsak sa kama ang mga gamit ko at saka itinilapon ang sarili dito. Hindi pa rin niya iniaalis ang tingin sa akin kaya naman muli akong bumuntong-hininga bilang pagbwelo. Paniguradong kahit siya'y magugulat sa ikukwento ko.

"Nakabanggaan ko si Fritz kanina sa bus. He's here. He looks the same but he's thinner than he used to be," walang pag-aalinlangan kong pahayag dahilan upang mapatigil sa ginagawa si Elizze at mula sa pagkakadapa ay bigla na lamang umupo sa kama. Isinara niya rin ang kaniyang laptop at saka seryosong tumingin sa akin.

"He's in States 'di ba? Papaanong nakita mo ang kupal mong ex? Akala ko ba, nagpapagaling siya doon?" gulat na gulat na tanong ni Elizze. I can't blame her. Maging ako'y hindi rin makapaniwala nang sumalubong sa akin ang kaniyang mukha.

It's been a year since the last time I saw him. Parang kailan lang, siya ang dahilan ng paulit-ulit kong pag-iyak.

"I don't know. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap dahil kinailangan ko nang umakyat sa bus. Gustohin ko mang usisain siya at kung bakit siya biglang nagpakita out of nowhere, hindi ko magawa dahil kung magpapaiwan pa ako, baka wala na akong masakyan pauwi," sagot ko na lamang.

Sa totoo lang, isa sa mga dahilan kung bakit pinili kong sumakay na lamang than wasting my time with him is because, I feel like, I'm not interested anymore with his life. Well, let's all be frank. Hindi naging madali sa akin ang kalimutan siya before, even when we are still in our College Freshmen days. Kahit paulit-ulit kong idine-deny na may pakialam pa ako sa kaniya, hindi ko pa rin magagawang makipaglokohan sa sarili ko at itanggi wala na akong nararamdaman sa kaniya.

But today, it was just different. Pakiramdam ko, wala na akong pakialam pa kung bumalik siya. Although somehow, I felt guilty because of the fact that we both made a mistake pero naging selfish ako at sa kaniya ibinuhos ang lahat ng sisi.

"Baka naman, namamalikmata ka lang? You know, maybe you're just missing him kaya nagha-hallucinate ka na at akala mo, si Fritz 'yung nakabanggan mo when in fact, the guy was just a random stranger who happened to be his look-a-like?" suhestiyon niya ngunit kaagad akong umiling-iling bilang pagtanggi.

Marupoked Where stories live. Discover now