Chapter 18 : Congratulations!

84 8 0
                                    

Ilang segudo akong nakipagtitigan kay Fritz

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Ilang segudo akong nakipagtitigan kay Fritz. Alam kong naghihintay na rin ang mga kasamahan ko sa kung ano ang magiging desisyon ko. Hindi man ako tumitingin nang diretso sa kanila subalit alam ko na agad kung ano ang hinihintay nilang gawin ko at 'yon ay ang tanggihan ang kagustuhan ni Fritz.



"Please?" aniya pang muli. Nakangiti pa rin siya na para bang normal lamang na humihingi ng pahintulot na isayaw ako.



I took a deep breath as I nodded. I think there's no reason to neglect his permission. After all, he's still the guy I used to love. Sa kabila ng mga pangyayari, hindi pa rin mababago ang katotohanan na minsan kaming naging partners in crime.



"Sure. 'Yon lang pala, eh," taas-noo kong sambit at saka ipinatong ang palad ko sa kamay niyang nakalahad sa harap.



Agad akong tumayo at sumama sa kaniya sa paglalakad patungo sa gitna. Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga kaibigan ko nang mapalingon ako sa kanila. Pero sa pagkakataong ito, hahayaan ko na lang muna na maging bukas ang sarili ko sa katotohanan. Kung hanggang ngayo'y pananatilihin ko pa ring maging mapait mula sa nakaraan, mas lalo akong hindi magiging malaya.



"Galing mo kanina, ah? Magtataka ako kapag hindi ka napili sa top five," panimulang sambit ni Fritz nang magsimula na kaming sumayaw. Bahagya naman akong natawa sa pamumuri niya.



I don't know if this compliment is just his way of saying we're okay and he's really changed. Whatever the reason is, nagpasalamat na lamang ako kahit pa sa loob-loob ko'y parang binobola lang naman niya ako. Pakiramdam ko rin naman kasi na hindi ko naibigay ang best ko kanina. I was kinda disappointed but then again, that's just how the cookie crumbles considering it was a surprise runaway.



"Kailan pala ang alis mo?" pag-iiba ko. It's funny how we managed to talk like everything's normal.



Medyo guilty pa rin ako dahil sa mga pinagsasabi ko sa kaniya the last time we faced each other. But then again, I did what I think is right for the greater good. Miley told me everything about Fritz's genuine feelings towards me. Hindi naman sa naniniwala ako kaagad sa kaniya pero kung totoo man ang sinasabi niya, then I think, it would be better if I wouldn't support her selfish idea.



"Next week siguro. By this week, aasikasuhin na namin ang mga papers kaya baka ito na rin ang last day ko sa Riversky University. Sa totoo lang, I want to participate in the do or die game between our school and the other one, pero magiging busy na talaga ako these next few days para sa flight and all," diretsong sagot naman niya kaya naman agad akong tumango-tango.



Halos iilang pares na lamang din ang natira sa dancefloor. Tingin ko'y mas nag-eenjoy ang mga students sa upbeat and party music but at least, kahit papaano'y binigyan ng time ang mga couples dito para sa romantic dance. I would be also thankful for the opportunity of talking with Fritz once again.



Marupoked Where stories live. Discover now