Chapter 21 : A unique kind

96 9 0
                                    

Matapos mag-type ng report na kailangan kong ipasa this week ay kaagad ko nang pinatay at tiniklop ang laptop ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.




Matapos mag-type ng report na kailangan kong ipasa this week ay kaagad ko nang pinatay at tiniklop ang laptop ko. Magpahanggang ngayo'y nakahiga pa rin si Elizze kahit na kanina pa talaga siya gising. Paano ba naman kasi, ramdam na ramdam niya pa rin ang hilo at pagkalasing. Buti na lamang at kahit papaano'y aware na siya sa nangyari sa kaniya. Hindi ko na kakailanganin pang asikasuhin siya 24/7.

Pasado alas-onse na ng tanghali nang mapagdesisyunan kong maghanda ng lunch namin. Hindi pa rin kasi makakapagluto ang gaga dahil sa karamdaman niya. Malas ko lang dahil automatic na ako na naman ang kikilos ngayon.

"Mabigat pa rin ba pakiramdam mo? Bibili ako ng soda, sabi kasi nila pampatanggal kalasingan daw 'yon. Gusto mo?" wika ko nang maibalik ko na ang laptop sa bag nito at humarap kay Elizze. Bahagyang napagalaw siya sa pagkakahiga bago tumingin sa akin.

"Bahala ka kung sa tingin mo matatanggal ang hangover ko do'n," sagot na lamang niya kaya't napakamot ako sa ulo.

Tingnan mo nga naman 'tong babaeng 'to. Tinatanong ko nang maayos, ang isasagot sa akin ay bahala ako. Well, wala naman akong magagawa kung hindi bilhan na lang siya. After all, I am still concern for her. Kung hindi ko tutulungan ang babaeng 'to, kawawa naman.

"Ayan kasi. Iinom-inom, hindi naman pala kaya," pasaring bulong ko na lamang bago tumalikod at naglakad palabas ng kwarto.

Akmang pupunta na ako sa kitchen area upang maghanda ng makakain subalit bigla na lamang akong nakarinig ng sunod-sunod na beep sa phone ko. Nakapatong lamang ito sa kama ko kaya naman dali-dali ko itong kinuha at tiningnan. Hindi ko pa man tuluyang nababasa ang mga messages ay bigla na lamang nag-ring ang phone ko. Hindi ko napansin na nasagot ko na pala ang tawag kaya wala na akong nagawa pa kung hindi makapag-usap.

"Prep-up. I'll pick you up at exactly 12:30. Tatapusin ko lang 'tong duty ko tapos didiretso na ako diyan." Hindi pa ako nagsasalita ay sumalubong na agad sa akin ang boses ni Cason.

Saka ko lamang naalala ang text messages niya kagabi na dinedma ko. Bwisit. Itutuloy niya ba talaga 'tong kalokohan niya? Wala man lang bungad na hi o hello, sinabi niya na agad 'yung pakay niya. Baliw yata talaga 'tong lalaking 'to.

"At sinong may sabi na pumayag na ako? Baka nakakalimutan mo 'yung reply ko kagabi? Ayoko. 'Wag mo akong pilitin. I have a lot of things to do today," pagtanggi ko. Ibababa ko na sana ang tawag upang hindi na niya ako kulitin pa ngunit narinig kong nagsalita pa ulit ang damuho.

"Wala ka nang magagawa. Sa ayaw at sa gusto mo, pupuntahan kita sa dorm niyo. Bubulabugin kita hanggang sa mapapayag kitang sumama. Akala mo ha—"

"Ano ba kasing problema mo? Ayoko ngang sumama. May hangover pa si Elizze, hindi pa rin kami nagtatanghalian. Hindi ako pwedeng umalis ngayon hangga't ganito pa ang kalagayan niya. Ibibili ko pati siya ng soda para gumaan ang pakiramdam niya kaya hindi ako pwedeng sumama—" Hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang marinig ko ang tunog na senyales na pinagbabaan niya ako ng tawag.

Marupoked Where stories live. Discover now