Chapter 07 : True essense of friendship

192 47 0
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


NAMAYAGPAG ang sigawan ng mga taga Riversky University nang sa huling segundo ng game ay nanatiling lamang ang aming team. Hindi namin inakalang magiging ganoon kadikit ang laban sapagkat nakahabol ang kabilang team at nagawa pa nilang makalamang noong second quarter.

Everyone from our school is still on their triumph but as soon as I see that guy who's hair is green starts to walk away from the gymnasium, bigla akong nataranta at kaagad tinawag si Elizze.

"Pupuntahan mo ba siya?" usisa kaagad niya. Desidido akong lapitan at kilalanin siya kahit pa ang totoo ay wala talaga akong sasabihing kahit ano sa kaniya. Basta ang alam ko, gusto ko siyang makilala.

Elizze confirmed na siya ang lalaking tumulong sa kaniya no'ng oras na bumili siya ng school supplies. He's wearing face mask the first time we encountered each other kaya't hindi ko siya namukhaan. Tanging ang berdeng buhok lamang niya ang naging palantandaan ko.

Tumango-tango ako. Sinenyasan niya akong umalis na at puntahan ang lalaki kaya naman hindi na ako nag-aksaya pa ng oras.

Akmang bababa na ako ng bleachers ngunit sadyang napakaraming nakaharang na estudyante na hindi rin kaagad makalabas dahil sa dami ng tao. Gusto kong hawiin silang lahat upang makarating agad ako sa lalaking 'yon ngunit baka masigawan lamang ako. Nahihirapan man, pilit kong hinabaan ang pasensya ko kahit pa sa loob-loob ko ay, natataranta na talaga ako dahil baka makaalis na naman siya.

Nang tuluyang lumuwang ang daan ay sinamantala ko na ang pagkakataon at kaagad ding bumaba. I almost run for my life until I reached the basketball ground. Inilibot ko ang tingin ko at laking dismaya ko nang mapansing wala na ni isa sa mga nakalaban nina Fritz ang natira sa loob ng gym. They're all gone, including that guy.

"Ayos ba ang game?" Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko at kasabay nito ay ang pag-akbay ni Fritz sa akin. Hindi ko namalayan na sa kahahanap ko sa lalaking 'yon, nalapitan na pala ako ng damuhong 'to kaya't hindi ako kaagad nakaiwas.

Bilib din talaga ako sa determinasyon ng lalaking 'to. Hindi pa rin talaga niya ako tinigilan. Sa kabila ng pagsisinungaling namin ni Henrich na kami na at ng mga sinabi ko sa kaniya, hindi pa rin talaga siya tumitigil sa paghabol sa akin.

"Yeah. Nice teamwork!" sabi ko na lamang. Iwinakli ko ang braso niyang nakapatong sa balikat ko ngunit hindi siya nagpatalo at mas tinigasan pa ang pagkakakapit sa akin. Namalayan ko na lamang na nakapaligid na sa amin ang mga teammates niya.

"Wow. Comeback is real na ba?" wika ni Tommy. Narinig ko lang ang pangalan niya sa mga babaeng nasa ibaba namin kanina.

Alam kong may alam siya sa nakaraan namin dahil nakita ko siyang kasama ni Fritz noong araw na nagkakilala rin sila ni Henrich. For sure, narinig niya ang usapan namin noon and marami na rin siyang alam tungkol sa amin dahil madalas silang magkasama ni Fritz.

"Mag-comeback sila ni Macopa!" pasaring wika ko sabay irap. Nagsigawan naman bilang pang-aasar kay Fritz ang mga kasamahan niya at para bang tuwang-tuwa pa sa narinig.

Marupoked Where stories live. Discover now