Chapter 25 : Can I?

82 9 0
                                    

"Oh, well

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.






"Oh, well. After almost 2 years, we got to see each other again. How's life, Josefina?" pangangamusta ni Miley habang nakangiti pa nang malapad. Gulong-gulo pa rin ako kung bakit siya naririto sa tapat ng mismong bahay namin ngunit pinili kong kumalma at 'wag magpa-intimidate sa presensya niya.

"Gago ayaw niyang tinatawag siyang ganiyan," bilang sabat ni Cason at matapos ay umakbay pa sa akin. Hindi ko alam kung ano ang natripan ng abong ito para biglang umakbay ngunit imbis na magpumiglas ay nakiayon na lamang ako sa sitwasyon.

Kahit papaano ay parang nabawasan ang inis ko dahil sa ipinakita niya. I mean, he's right, I don't want to be called by my first name dahil pakiramdam ko, matanda na ako but then again, hindi rin naman kami close ni Miley para tawagin niya ako sa nickname ko. Nagkataon lang talagang siraulo 'tong si Cason at sinabi pa talaga 'yon kay Miley. Humanda sa 'kin mamaya ang damuhong 'to.

"So he's your boyfriend?" tanong pang muli ni Miley. She pointed out Cason while smirking. Hindi ko alam kung bakit ngisi pa lamang niya, inis na inis na ako. "Good thing may pumatol," narinig ko pang pasaring nito na tila ba sinasadyang 'wag iparinig sa akin.

Unfortunately, hindi nakatakas ang annoying na sinabi niya sa akin kaya't hindi na ako nakapagpigil pa't dali-daling iwinakli ang kamay ni Cason na nakapulupot sa leeg ko. Sinamaan ko ng tingin si Miley ngunit patuloy pa rin ako sa pagtitimpi dahil ayokong gumawa ng iskandalo sa mismong tapat ng pamamahay namin. Mahirap na dahil baka umaaliligid na naman ang mga mata ng mga chismosang kapitbahay.

"I don't have any idea why you're here, Miley but please, if you just want to cause trouble, umalis ka na lang. I don't wanna mess up with you or to any kind of animal," sambit ko bago hinila si Cason palayo. Pakiramdam ko ay sasagot pa kasi ang abo.

"Anong sabi mo?" Muli ay narinig ko na namang nagsalita si Miley. Gusto ko sanang sabihin na ang bingi niya kaya lang, alam kong mati-trigger lang lalo ang inis niya at ayokong umabot sa puntong magtatalo kami.

"Wala. Sabi ko ang cute mo! Tara na nga, Cason my abo," sagot ko na lamang at saka pinilit na maglakad palayo si Cason.

Ang malas lang talaga dahil kung kailan kailangang-kailangan ko nang umalis sa lugar na ito, saka pa nawalan ng dumaraang tricycle. Bwisit na 'yan. Mukhang hindi rin naman papaawat 'tong si Miley. Ano ba kasing kailangan ng babaeng 'yan? Nakalimutan ko na ngang nag-eexist siya, tapos ngayon, bigla-bigla na lang siyang susulpot sa harapan ko na akala mo'y magkaibigan kaming matagal na hindi nagkita.

"Para sabihin ko sa 'yo, Josefina. Kung mukha akong animal, ano ka pa? Don't you remember how Fritz betrayed you? That just means, he was not contented with you. Kaya nga siya naghanap ng kalinga sa iba, eh. Kaya nga siya naghanap ng kalinga ko. Expect mo na rin na hindi magtatagal sa 'yo 'yang kinakasama mo. Dahil kung nagawa kang ipagpalit ng iba nang gano'n gano'n lamang, ganoon ka rin kadaling ipagpalit niyang low class na bago mong boy—"

"Hoy anong low class? Baka ikaw 'yon. Mukha kang dugyot!" bulalas ni Cason kaya't agad ko siyang inawat at sinabihang 'wag nang patulan si Miley.

I heaved a deep sigh as I slowly turn my glance toward Miley. She's smirking all along, crossing her arms like a boss but I didn't give a damn. Sapat na ang sinabi niya patungkol kay Cason para maubos ang pasensya ko at hindi na i-tolerate ang mga panlalait niya. I don't really care about her insults regarding me and how Fritz betrayed me. Pero ang sabihan niyang low class si Cason? Hindi na 'ata 'yon kakayanin ng pasensya ko.

Marupoked Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang