Chapter 12 : Wash away

131 13 1
                                    

Sa gitna ng ingay at kasiyahan sa buong paligid dahil sa nagaganap pa ring game, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpakawala ng mga luha sa hindi ko malamang dahilan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.



Sa gitna ng ingay at kasiyahan sa buong paligid dahil sa nagaganap pa ring game, hindi ko mapigilan ang sarili kong magpakawala ng mga luha sa hindi ko malamang dahilan. Pakiramdam ko, isa akong mahina. Sa kabila ng lahat ng mga nangyari, parang bibigay at bibigay pa rin ako at hindi ko magagawang tanggihan ang hinihinging pabor ni Miley.



I found myself running away from the gymnasium without considering the people around me. They can judge me as much as they want but I don't care. Right now, ang tanging naiisip ko lamang ay kailangan kong mapag-isa at lumayo sa lugar na ito. Ayokong makita ni Elizze ang kahinaan ko. Hindi pa ako handa sa panenermon na naman niya sa akin kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit tumawag sa akin si Miley.



Nagtatakbo ako palabas ng unibersidad hanggang sa mamataan ko ang kiosk na malapit sa paaralan. For sure, walang ibang tao doon dahil abala ang lahat sa game. This is a perfect moment for myself.



Nakarating ako sa kiosk at tama nga ang hinala ko. Sinamantala ko ang pagkakataon at kaagad pumwesto sa isa sa mga lamesang nasa labas at tumungo. I can no longer hold back my tears and I feel like how it suddenly burst out.



I want to punch and hurt Fritz for hurting me and for still hurting me up until this moment but I know if I would face him again, matatahimik lamang muli ako at walang magagawa kung hindi piliting magmatigas kahit pa sa huli ay iiyak na naman ako. Nakakainis lang isipin na pilit kong itinatatak sa isipan ko na hindi na ako marupok, na hindi na ako iiyak pa sa oras na makaharap ko siya pero ang totoo, hindi ko pa pala talaga kaya at hindi pa ako lubos na nakakalaya mula sa nakaraan.



Ibinuhos ko lahat ng luha ko habang nakahilamos sa mukha ko ang dalawang palad ko. I can hear the sound of vehicles roaming around the streets. Naririnig ko rin ang ilang mga hakbang ng mga naglalakad sa paligid subalit hindi ko magawang maialis ang mga kamay ko sa mukha ko. Nahihiya ako para sa sarili ko. Bakit ba hindi na lang ako umuwi at magkulong sa dorm kaysa tumambay rito at baka kung sino pa ang makakita sa akin?



With all my might and saneness, I forced myself to stop thinking of Miley's words. I try not to think about it again so my sorrow will bound to end in few moments. Tagumpay naman akong napawi ang mga luha ko at agad pinunasan ito gamit ang mga kamay ko. I have no choice, iniwan ko kay Elizze ang bag ko kaya wala akong ibang pwedeng gamitin.



"Umaaligid na naman ba sa 'yo ang kupal na ex-boyfriend mo?" Sa isang iglap ay otomatiko akong napatigil sa pagkilos nang marinig ang isang pamilyar na boses sa harapan ko.



Dahan-dahan kong tinanggal ang mga palad sa mukha ko hanggang sa mamataan ko na sa harapan ko si Henrich. He seems so worried and he's like grieving with my despair. Ito na siguro ang unang beses na nakita niya akong umiiyak at labis akong nahihiya para sa sarili ko.



"Don't mind it. Nagkaroon lang ako ng bagsak na quiz sa isang major subject ko. Hindi ako pwedeng makakuha lagi ng ganoong grades dahil baka hindi ko ma-achieve ang quota grade ng program ko," palusot ko habang pinipigilan ang paghikbi. Patuloy pa rin ako sa pagpupunas ng luha hanggang sa masiguro kong hindi na ako umiiyak.



Marupoked Where stories live. Discover now