Chapter 20

4.6K 135 4
                                    


Gael POV

"Oh 'to pa alam ko kasing paborito mo ang lahat nang 'to kaya pinaluto ko lahat yan kay manang estel"

Hindi magkandamayaw si anne sa pag-aasikaso sa'kin

Samantalang ako ay nalilito kung saan ba ang uunahin kong kainin

"Ayaw moba? Sandali--" porket tinitingnan ko lang yung mga pagkain ayaw agad? Choosy paba ako eh pinaluto pa nya talaga ang mga 'to

"Anne ano kaba naman syempre gustong gusto ko lahat ng 'to tsaka masarap kumain kapag may kasama kaya" tumayo ako tsaka pinaghila sya nang upuan " sasamahan mo akong kumain ok ba?" Nakangiti 'tong lumapit sa'kin

"Oo naman ikaw pa" umupo na sya at ako naman ay bumalik na sa upuan ko

"Akala ko marunong kana magluto hanggang ngayon ba naman nagpapaluto kapa sa katulong nyo? Haha paturo kana kasi" pang aasar ko sa kanya kaya tumingin 'to sa'kin at sinipa ang paa ko sa ilalim ng lamesa

"Tsk! Eh sa ayaw kong matutong magluto bakit ba!" Binalik na nya ang kanyang tingin sa pagkain

"Hmm tamad kapa din haha wala ka pa din palang pinagbago konti lang pala nagbago sa'yo" natatawa kong wika kaya dinuro nya ako ng tinidor na kamuntikan na akong matusok sa mata buti nakailag

"Hoy maraming nagbago sa'kin! Pumayat ako,gumanda ako,tumangkad ako! And so on" natawa naman ako sa huli nyang sinabi kaya hindi kona lang pinatulan

"Ewan ko sayo nga pala gusto ni mommy na sa bahay ka matulog mamaya namiss ka ata" tumingin ako sa relo ko .

"Ahm anne salamat sa libreng pakain ah? Kailangan ko nang umalis may pupuntahan pa kasi ako" tumayo na ako ganun din sya

"Sige pakisabi kay tita , tsaka ingat ka din" tumango lang ako at aalis na sana pero....

"GAEL!"

Sigaw ni anne sa likod ko,kung makasigaw naman parang bingi lang ako

"Kung maka--" gulat akong napalingon kay anne wtf?

"Aba tingnan mo nga naman oh wow live show?" Naputol ang halikan namin ni anne ng may nagsalita sa likod ko ulit 

Lumaki ang mata ko ng matanto kung sino ang taong yun

"Violet? Anong ginagawa mo dito?" Inis kong sabi sa kanya basta dito sa babaeng 'to napapalitan ang mood ko

"Sinundan kita hindi ba halata? At ikaw babae ka malandi ka mang-aagaw" akmang susugod si violet ng humarang ako

"Ano ba violet! Wag kang mandamay ng ibang tao dito! Umalis kana.. kaya kong umuwi mag-isa" tiningnan ko si anne na tumango lang

"Hindi! Hindi ako uuwi hanggang hindi mo ako hinahatid sa bahay NATIN!" may pagdidiin pa talaga sa huli

Napapikit naman ako dahil nagpipigil lang ako sa inis at baka ano pang magawa ko sa babaeng 'to

"Anne sige mauna na ako" hahalikan ko sana sya sa pisnge ng umepal nanaman si violet

"Tskkkkk! Talagang gustong gusto mo ding babae ka--

"Violet tumigil kana! Hindi moba nakikita? Tingnan mo nakakahiya ka" tumingin sya sa paligid at napataas pa ng kilay ang bruha

"So? Pake ko sa kanila? Pinapakealaman koba sila?" Hinablot nya ako sa braso kaya ang ending napasandal sya sa kotse nya at parang ako pa ang dahilan nun

"Ohhhh"

Singhap ng mga tao kaya dali dali akong pumasok sa driver seat at pinaandar muna ang makina

"Ano dyan ka lang sa labas?" Bulyaw ko sa kanya nakatulala akala mo baliw

Padabog nyang sinarado ang pintuan ng sasakyan nya.hayaan kona sasakyan naman nya 'to at hindi sa'kin

"Bakit nandun ka sa bahay nang katulong nyo? At bakit ganun kalaki ang bahay nun? Wag mong sabihin na ikaw ang nagbigay sa kanya nun?" Sunod sunod nyang sabi pero naka focus lang ako sa daan baka ano pang mangyari

"Sumagot ka!" Nagulat ako nang sunod sunod din nya akong pinagpapalo sa braso kaya iniilagan ko 'to pero dumating na sa puntong muntikan na kaming maaksidente

"Yan dahil sa kabaliwan mo!!! Muntikan na tayong maaksidente!" Sigaw ko sa kanya

Yumuko lang ang babaeng kausap ko tsaka tumagilid ng upo bahala ka jan!.

Mabuti naman at tahimik na sya kaya tahimik kaming naka punta sa bahay nila

Pinunta ko sa garahe ang kotse ni violet tsaka bumaba ganun din sya hanggang ngayon hindi pa din sya umiimik

"Gael! It's nice to see you again iha tamang tama at nakahanda na ang pagkain tara na sa loob" sabi ng tito ni violet na si samille

"Naku hindi na po hinatid ko lang 'tong si violet mauna na po ako" hindi sana sya papayag pero tumakbo na ako palabas ng bahay nila


🍻

"Yow napagawi ka dito?" Nakipag apir muna ako sa kasama ko tsaka umupo

"Wala lang trip ko lang tsaka namiss ko 'tong bar haha" kahit ang totoo nyan para akong nakokonsensya kanina

"Hmm..?" Tanging sagot nalang nila kaya uminom ako na lang ako nang uminom hanggang sa nalasing ako at hinatid nila ako sa bahay

"Sha langhet wala ang ber! Sha langhet wala ang ber *hik*" pagewang gewang kami habang pinupunta nila ako sa kwarto ko

"Tangina mo gael malala kapa sa lasing haha par videohan mo nga nang may pang blockmail tayo dyan" rinig kong sabi ng dalawa kong kasama na kupal

"Hoy anong videohan? Mashino pa ako tara inom pa tayo " sabi ko nahihilo na din ako

"Oh ikaw pala ang soon-to-be misis nya hehe 'to kasing si gael sa sobrang pagka miss sa bar ko pati ata alak ayaw nyang tigilan sige uwi na kami" papaalis na yabag lang ang narinig ko hanggang sa nagdilim ang ramdam kong may sumalo sa'kin

KINABUKASAN:

"Hmmm.." Ungol ko tsaka dahan dahang magmulat ng mga mata

"Paano ako nakapunta sa kwarto ko? Ang pag kakaalam ko nasa bar pa ako ah?" Naguguluhan kong wika sa sarili ko

May kumatok sa pinto pero dahil masakit ang ulo ko humiga ulit ako at nagtalukbong ng kumot

"Hey alam kong masakit yang ulo mo kaya hinandaan kita ng gamot 'to oh tsaka kung may kailangan ka tawagin mo lang ako sa baba" sabi nya pero hindi pa din ako gumalaw at nakapikit pa din

Rinig kong sumara ang pinto hudyat na nakalabas na sya sa kwarto ko

Ininom ko yung gamot na binigay nya tsaka humiga ulit at natulog











_____

Opsssy wag munang mainip dahil ganyan lang ang nagawa ni awtor ngayon pero dahil nga malapit na akong sipagin sa pagsusulat at dahil may mga makukulit ding readers\voters  nito dadamihan ko talaga pero sa ngayon tyaga muna🌻🌺

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now