Chapter 32(SPG)

5.4K 150 7
                                    

Napunta kami sa isang magandang bahay hindi naman siya ganun kaganda may pagkaluma na kasi 'to

"Magandang gabi po sa inyo anong maipaglilingkod namin?" Isang matanda ang sumalubong sa'min

"Nanay tere? Nandyan po ba si nanay sheena?" Si violet na ang sumagot dito

"Ah pasensya na ineng bawal pa tumanggap ng bisita si ate sheena" wika ng matanda at akmang tatalikod na ng magsalita ulit si violet

"Nanay tere ako po 'to si violet. Naaalala nyo pa po ba ako?" Nagulat ang matanda at dali daling nagbukas ng gate

"Aba bayolet? Ikaw na ba yan? Naku ang ganda ganda mo talaga mana ka talaga sa'min ni ate sheena" aniya ng matanda

"Naman po" natutuwang yumakap si nanay tere kuno kay violet ganun din si violet

"Aba'y teka lamang. Maari mo ba akong ipakilala sa mga kasama mo?" Sa wakas napansin din kami ng mga 'to

Bumaling ang tingin nito sa'kin pero inirapan lang ako

"Nanay 'tong batang lalaki na 'to  anak ko po siya. Siya si gerald, gerald bumati ka kay nanay tere" sumunod naman agad si gerald sa sinabi nito

"Hello po nanay" ngumiti ang matanda tsaka pinisil ang magkabilaang pisnge nya

Mukha ngang walang balak si violet na ipakilala ako kay nanay tere

"Ahm hello po nay ako po si gael ako po ang tatay ni gerald at ako din po ang asawa ni violet" nagmano ako dito sa matanda

"Anong as--" akmang sasagot sana si violet ng magsalita si nanay tere

"Umay gulay napaka gwapong bata mo naman. Kaya pala may hawig kay gerald ikaw bayolet hindi mo sinabing nag-asawa kana pala" siniko si violet ni nanay tere

Kung may pagkakataon lang siguro siya para suntukin ako malamang gagawin nya yun ngayon

"Wag po kayong maniwala dyan nanay tere hindi ko po asa--" hindi na nya natapos ang sasabihin nya ng hilain na siya ng matanda sa loob

Sumunod naman kaming dalawa ng anak ko sa loob para makilala namin kung sino yung isa pang nanay sheena

"At 'to naman ate ang asawa ng ating apo si gael napaka gwapong bata hindi ba?" Ayan ang naabutan ko sa pag-uusap nila at lahat sila nakatingin sa'kin

Pagsinabing lahat ibigsabihin kasama na yung nakatira dito sa bahay.kasama na yung lalaking matanda na masamang nakatingin sa'kin at yung mga babaeng katulong na nakangiti lang

"Nag-asawa kana bayoleta? Ano 'tong sinasabi mo sa'kin na wala ka pang asawa noong huli tayong magkita?" Kung kanina mabait ang sumalubing sa'min ngayon naman masungit dito ata nagmana si violet sa nanay sheena  nya

"Ehh nanay hindi nga po kasi kami talaga mag-asawa okay? Sapat na sa'kin si gerald sakit lang sa ulo yan kung mag-aasawa pa ako" naiinis na wika ni violet sa matanda

"Ano? Hindi pa kayo kasal? Paano na lang ang anak nyo? Lalaki yang hindi buo ang pamilya hindi ako papayag" tumayo ang matanda tsaka may binulong sa matandang lalaki na sa palagay ko ay asawa nya

Ganun pa din ang mukha nito akala mo papatayin ka

"Ikaw si gael hindi ba? Ako si fernan asawa ni sheena lolo ako ni bayolet" nakahinga ako ng maluwag ng makikipagkamay lang pala 'to

Nakangiti ko namang tinanggap yun pero napa aray ako dahil humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko

Bumalik ang matanda sa kinaroroonan nya kanina lang at ako naman ay dinadaing pa din ang sakit ng kamay

"Walanghiya.. Nasa loob ba ako ng impyerno?" Mahinang bulong ko

"Yan ang napapala mo buti nga sayo!" Masungit na may kasama pang irap bago 'to naglakad papunta sa taas

"Daddy tara na po ang bait po nila tatay at nanay diba po?" Kinarga kona si gerald papunta na din sa taas

Napataas ang kilay ko sa sinabi nyang mabait daw kuno. Kung alam mo lang anak kung gaano kamaldito ang lolo ni violet isa mo pa ang nanay sheena na yun. Dios ko naman

"Ahh oo nga anak" yun na lamang ang nasagot ko matapos naming mapunta sa kwarto tsaka siya hiniga sa kama

Saglit lang ako sa kwarto ni gerald ng mapansin kong tulog na 'to ay lumabas na ako

Pagkalabas ko tama lang dahil nakasalubong ko si violet na papunta din ata sa kwarto kung nasaan ang anak namin

"Teka lang. Tulog na siya" papasok sana siya kaya pinigilan ko muna

"Wag mo nga akong hawakan. Ano naman kung tulog siya? Duon ako matutulog ayaw kong kasama ka sa iisang kwarto" umirap nanaman 'to sa'kin. Pansin ko lang kanina pa nya ako iniirapan

Anong magagawa ko lola na nya nagsabing sa iisang kwarto daw kami matulog at 'to namang isa choosy pa

"Ang sama mo naman. Wag kang mag-alala matutulog lang tayo" sa sinabi kong yun dali dali siyang pumasok sa loob pero nu-uh naabutan ko siya

"Ahhhhh" tili nya ng buhatin ko siya

"Sorry ayaw ko pang mamatay violet" sabi ko tsaka na namin tinungo ang kwartong para sa'min

Dahil sa kalikutan nya at kakahampas sa dibdib ko pabagsak ko siyang hiniga sa kama

"Aray! Kanina ka pa ha!" Matalim ang mga tingin nito sa'kin pero nu-uh wala ng talab yan sa'kin..

"Makulit ka kasi pasensya na" imbis na sagutin ako hinagisan ako nito ng towel sa mukha

"Maligo ka na nga ang baho baho mo" sabi ni violet. Kahit saglit man lang ayaw akong kausapin ng matino

"Ano? Ako? Ako pa ang sinasabihan mong mabaho? Aba hindi makatarungan yan sandali" bigla ako naka-isip ng kalokohan

Tila nabigla 'to sa paglapit ko

"A-anong Gi--ginagawa mo? Wag ka ngang lumapit!!" Siguro nagmumukha na akong manyak sa paningin nya

"Alam mo bang nakaka insulto ka! Dahil dyan.." Hinatak ko sya papunta sa'kin kaya napayakap sya sa'kin

"Oh my.. Gael ano ba!! Bitawan mo nga ako ano ba" nagpupumiglas 'to

"Nuh-uh babe" nginisihan ko 'to tsaka napadpad ang aking paningin sa kanyang labi

"Pwedeng tikman?" Sabi ko habang ang mga tingin ay nasa kanyang labi

"Anong hmmmm...!!!"

Huli kong narinig bago ko sya halikan





•••

Ahem aharm aharm..😂 ikaw ah
Sorry wala pang pa- spg si mayor
Ngayon lang nakapag-update si otor dapat kasi kahapon pa kaya lang hindi ko 'to mahanap pero ngayon 'to na sya 💪

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now