Chapter 28

3.4K 118 12
                                    

Gael POV

Nakangiti pa din ako ng makauwi sa bahay nagtaka ako dahil ang tahimik
Kadalasan kasi maingay sa bahay lalo na't yung mga katulong namin dito

"Ay butiking pasay!" Napalundag ako sa gulat at ganun din naman siya

"Ano ba papatayin mo ba ako sa gulat? Sino ka ha" bulyaw ko dito pero ang gaga tinaasan lang ako ng kilay

"Ako lang naman ang bagong señorita ng bahay na 'to ako si jenisa delmar" inis na pinagmasdan ko sya hanggang paa

"Aba kung matutulala ka lang sa kagandahan ko umalis kana dito okay?" Malditang sabi pa sa'kin kaya hindi ko mapigilang tanungin ulit sya

"Señorita? Haha nagpapatawa ka ba? Sa pagkaka alam ko walang señorita dito" sino naman ang babaeng 'to masyadong okay ambisyosa!

Kung ipagsama ko kaya silang dalawa ni jade? Pareho kasing ambisyosa

"Noon yun pero ngayon ako na ang--

"Susme nandito ka lang pala jenisa akala ko nawawala kana" napalingon ako sa tinig na yun.

"Aling silva? Kilala nyo ba 'to?" Sabay turo sa babaeng kausap ko kanina

"Opo sir tsaka pag pasensyahan nyo na po ah? May sakit po kasi sya sa pag-iisip" sabi ni aling silva kaya tumango na lang ako tsaka pumasok sa loob ng bahay rinig ko pang pinapagalitan sya

Pabagsak akong humiga sa kama at napangiti muli ng maalala ang mga nangyari kamakailan lang

Ipipikit kona sana ang mga mata ko pero tumunog ang cellphone ko

"Hello?" Antok kong bungad sa kung sino mang tao na 'to

"Hi gael. Ako 'to si Anne" napabangon ako at napakamot ng kilay

"Oh anne napatawag ka? May problema ba?" Baka kasi may problema nanaman 'tong si anne

"Ahm.yes magtatanong sana ako kung wala kang ginagawa ngayon? Magpapasundo sana ako dito sa park" nagtaka ako sa sinabi nya papaanong nasa park sya?

"Teka wala kang kasama dyan? Hintayin mo ako dyan susunduin kita" tumayo ako tsaka sya pinatayan

"Anne" pagkapunta ko pa lang sa park na sinasabi nya . isang babaeng blonde agad ang nakita kong nakayakap sa kanyang sarili

Tinanggal ko naman ang suot kong jacket mabuti na lang at may extra akong dala

Walang ano ano'y sinuot ko yun sa kanya nabigla naman sya

"Akala ko kung sino ikaw pala" nakangiting sabi nito tsaka yumakap sa'kin

"Ohy teka lang naman anne ang higpit mong yumakap" kunwaring inis kong sambit dito

"Hmmp! Parang hindi mo naman ako namiss sige uwi ka na lang" akmang tatalikod na 'to ng hilain ko sya pabalik sana kaso

"Ah ehh, haha ang bigat mo anne baka gusto mong umalis sa ibabaw ko?" May halong biro pero totoo nyan kinabahan ako bigla

"Ay sorry gael . ikaw naman kasi biglang nanghihila kasalanan mo" inirapan muna ako nito bago magsimulang maglakad

Sinundan ko 'to papunta sa kotse nagtaka naman ako kaya tinanong ko sya

"Nasaan na yung sasakyan mo?" Kunot noo kong tanong napailing sya tsaka ako sinuntok ng mahina sa dibdib

"Sinabi ko sayo kanina nasiraan ako ng sasakyan kaya hindi pa ako makauwi" umupo sya sa damuhan tsaka tumingin sa taas

"Ang ganda talaga kapag gabi. Nakikita ko yung mga bituin" mahilig kasi sya sa mga kumikinang na bagay

Tinabihan ko naman 'to tsaka tumingin din sa taas

"Hindi kita maintindihan paano ka naparito sa park?" Nagtataka lang ako dahil una ayaw nya sa mga ganitong lugar

"Tsk hindi mo na kasi naaalala dito mo ako pinangakuang ako ang papakasalan mo paglaki natin" hindi ko sya narinig kaya tinanong ko ulit 'to ngunit nagsungit naman

"Naaalala mo paba nung bata pa tayo? Lagi tayong nandito.lagi kitang hinahabol kapag ako ang taya pero kapag ikaw naman ang taya halos hikain kana bwahaha!" Nakatanggap ako ng hampas sa dibdib nanaman

"Wag mo na nga ipaalala yung part na ako ang taya nakakahiya" nakangiti nitong sabi sa'kin

"Sus! Ayaw mo lang kasi magpahalik noon kay liam kaya trying hard ka kung humabol sa'kin dati" pang-aasr ko pa dito kaya sinamaan nya ako ng tingin

Tumayo na 'to at hindi man lang nag-abalang tingnan ako

"Teka teka lang!" Sigaw ko at tumayo na din para sundan 'to

"Galit ka no? Uy nagbibiro lang ako" sinundot ko ang tagiliran nito

"Ano ba! Nakakainis ka kasi wag mo ding banggitin ang pangalan na yan nakakasuka kaya eww!" Si liam kasi kababata din namin na may gusto naman kay anne kaya lang ayaw sa kanya ni anne at nabasted sya nito

Masasabi kong hindi ma itsura si liam dahil ng magbinata na 'to lalo lang syang pumanget kaya ayaw ni anne sa kanya

Wala na akong balita duon kay liam dahil sumama sya sa lolo nya papuntang pangasinan para ayusin ang mga problema duon

"Oppsss. . sorry na ayaw mo nga pala kay liam? Malay mo iba na sya ngayon" lalo lang ako nitong sinamaan kaya tumahimik na lang ako

"Hayst tara na nga uuwi na kita sa inyo sungit nito!" Inalalayan ko na 'to pasakay











•••
Oh 'yan  binigyan ko ng moments ang team Ganel 😍💙sa ngayon yan muna ang update dahil sa siksik ang sched ni otor

-Team Galet o
-Team Ganel?

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now