Chapter 38

4.6K 179 31
                                    

Uy peps nilagay ko na lang yung kalahating chapter dito 😂✏baka kasi magtaka kayo kung bakit pinublished ko nanaman ang part na ito tas ganun pa din..


Gael POV

"Ano ba irish!" Halos maghalikan na kami sa sobrang lapit ng mukha nya sa'kin. Hindi talaga ako tinatantanan

"I'm just-" dahil sa inis ko binulyawan ko 'to tsaka lumayo sa kanya at pumunta sa pinto't binuksan 'to

"Ngayon lumabas kana. tsaka pwede bang tigilan mo na ako?" Mabuti naman at tumayo na 'to pero ngumisi muna bago lumabas

Nang makalayas na sya napaupo ako . Halos araw-araw na syang nandito para na ngang girlfriend ko kung umasta

Maya maya lang ay nakarinig ako ng sunod sunod na katok

Ang buong akala ko si irish nanaman kaya handa na sana akong sigawan ulit 'to pero.

"Ano ba irish sabi kong-" natigil ako ng mapagtantong hindi si irish ang nasa harap ko ngayon

"Ahh daddy sino po si irish?" nandito din pala si gerald

"Ah. Wala anak kaibigan lang ni daddy makulit kasi kaya akala ko sya" nilakihan ko ang awang ng pinto para makapasok SILA.

"Anong gusto nyo ?" Nang makaupo na sila agad ko silang tinanong si gerald lang ang sumagot sa'kin

"Daddy Hindi na po pumunta kami dito kasi namimiss ka na namin ni mommy diba mom?" Baling nya kay violet na ngayon ay umasim ang pagmumukha

"Oh-Oo" maikli nya lang na sagot hindi man lang ako tinapunan ng tingin kahit saglit sabagay ano pa bang aasahan ko.

"Sorry anak marami kasi akong ginagawa" hinalikan ko ang noo nito na kinangiti nya lang

"Okay lang po daddy hihe." Sagot sa'kin ni gerald

"Anak gerald mukhang kailangan nanating umalis. Let's go" nagmamadaling tumayo si violet at agad hinila ang anak namin

Kakarating lang nila tapos aalis agad sila? Ano naman kayang lakad nito hindi kaya may date 'to? At makikipagkita sa isang lalaki?duon lang pumasok sa isip ko ang lahat may boyfriend na pala 'to. Nasaktan naman ako sa ganung isipan

"Babye po daddy iloveyou" hinalikan nya ako sa pisnge bago sya lumabas at naiwan si violet na ngayon ay nasa harapan ko pa.

"Kung akala mo nagbago na ang isip ko hindi. Pumunta lang ako dito dahil naaawa ako sa anak ko namimiss ka nya kaya pumunta kami dito. Sana umakting ka na maayos tayo sa harap ng anak natin ayaw kong isipin nya may away tayo o ano" ngumiti ako ng pilit dito sabay tango pero bago sya tumalikod hinawakan ko ang isang kamay nya

"Pero violet. wag ka sanang magagalit kapag sinabi kong umaasa pa din ako.tanga na kung tanga wala eh ang lakas talaga ng tama ko sayo.kahit anong gawin ko hindi ko kayang palitan ka mahal na mahal kita violet.."

"Gael pag-uusapan nanaman ba natin 'to? Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi na kita mahal oo minahal kita dati pero..mabilis ding nawala yun.. ako nang nakiki usap sayo , kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa'kin hindi ko kayang suklian ang pagmamahal mo matatanggap ko pa sana kung pagkakaibigan pero gael sorry" nabitawan ko ang kamay nya

Unti-unti akong nalinawan.gusto kong tumawa ng pagak dahil sa sobrang katangahan ko.pag-ibig kasi buset

"Daddy? Bakit ulit kayo iyak?" Agad kong pinunasan ang mga butil ng luha sa pisnge ko sabay baling sa kanya

"Anak na puwing lang si daddy tara na diba maglalaro pa kayo ni tito mo?" Tumango si gerald dito

"Alis na kami" yun lang at narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now