Chapter 26

3.4K 136 5
                                    

Gael POV

"Hala naku  iho nagkasalisi kayo ni violet. Kakaalis nya lang.. mukha ngang may lakad" aligagang aligaga ang katulong nila dito

Nakahinga naman ako nang maayos dahil sa wakas wala pala sya dito pero ano daw may lakad?

Nainis naman ako at saan naman sya pumunta? Naisip ko bigla yung nakita ko kasama nya ata si kuya. Baka nag de date?

Hindi nya ata naaalala ang anak nya

"Daddy dito po muna kayo matulog wala si mommy eh" naawa naman ako sa anak kong si gerald

"Ok sige saan ba ang kwarto mo?" Kinarga kona sya sukat duon ay napatong nya ang kanyang ulo sa balikat ko

"Duon po sa unang pinto kulay blue" inaantok nyang wika kaya binilisan ko ng makapunta duon

"Wag kang mag-alala anak same lang tayong inaantok na din" sabay pa kaming napahikab kaya natawa sya

Nang makarating na sa pintuang sinasabi nya pumasok na kami tsaka sya pinahiga sa kama nya

Hindi na masama malaki din naman pala ang kama nya at ang bango ng kwarto amoy baby talaga sya

Tulog na pala sya nang mailagay ko sya sa kama nya

"Nasaan kaya ang nanay mo? Naku baka hindi ka nya inaalagaang mabuti?kukunin talaga kita at ititira sa bahay" mahina kong sabi tsaka inayos ang kanyang kumot

Siguro aalis muna ako baka magkasalubong pa kami hindi pa ako handa sa ganitong sitwasyon

Tumunog ang cellphone ko at napapikit ng makita ang caller nito

"Hello?" Medyo lumayo ako para hindi magising si gerald

"Akala ko nandito ka sa bahay bakit wala ka dito? Umuwi kana ok?" May pagka bossy talaga ang babaeng 'to

"Wala ako dyan nandito ako kasama ang anak ko .. Tsaka maya maya lang uuwi na din ako" matapos naming mag usap lumingon ako sa anak ko na ang himbing ng tulog

Beep beep beep!!

Napasilip ako sa bintana ng kwarto ni gerald at ganun na lang ang pagkagulat ko dahil nandyan na si violet. Kakasabi ko pa lang na ayaw kopa syang maka usap tapos 'to ngayon kailangan kong maka alis agad dito!

Napahinto ako nang mapagtanto kong nasa garahe nya ang kotse ko anak ng teteng umaatake nanaman ang katangahan ko!

"Manang kaninong kotse yung nanduon sa garahe ko?" Tanong ni violet kay manang

"Aba iha mabuti naman at nandito kana.." Hindi pa man tapos magsalita si manang ng magsalita si violet

"Naku manang may lalaki ba kayo? Boyfriend nyo poba ang may ari ng sasakyan na yan? Pakisabi na wag nya dyan ilagay ang sasakyan nya" narinig ko pang napasinghap si manang hindi nya ata inaasahang sasabihin yun ni violet sa kanya

"Dios kopa ginoo! Iha wala akong boyfriend! Sa tanda kong 'to? Wala na akong asim iha..tsaka yang may ari ng sasakyan na yan nanduon sa kwarto ni gerald" umalis na si manang kaya natahimik naman

Sumilip ako sa naka awang na pinto nakita kong hinilot ni violet ang kanyang sintido tsaka napatingin sa pintuan kung saan ako nagtatago

Napabilis ang paghinga ko dahil muntik na nya akong makita

"Tsk imposibleng sya yun! Baka nga masaya na yun kasama ang anak nya tsaka asawa" sabi pa nya at ang tunog ay papalapit sa kinaroroonan ko

Nag sign of the cross ako at nagdasal na sana wag munang magising si gerald para hindi ako matuntun

"Ay iha ok na yang si gerald inaasikaso sya ng tatay nya sigurado naman akong hindi sya pababayaan nyan halika kumain ka muna" nagpapasalamat naman ako kay manang dahil muntikan na ako duon

Tiningnan ko kung mataas ba ang bababaan ko . medyo natakot ako dahil mataas din masyado mula sa palapag ng kwartong 'to

"Ano? Sinabi nyang totoo nyang ama yun? Saglit lang manang" nagpanic na ako dahil paniguradong alam na ni violet na nandito ako kaya binuksan ko ng malaki ang bintana para magkasya ako pero sadyang hindi ako suwerte ngayon dahil...
























"Aray!" Nang makalabas na ako at masakit yun dahil mabato ang nabagsakan ko

"Shit naman!" Tumingala ako mula sa pinangalingan ko

Pero ayos na mukhang makaka alis na ako dito sa bahay nya

Naglakad ako ng tahimik papunta sa garahe para maka alis na talaga dito

Ano ba 'tong ginagawa ko para naman akong preso na pinipilit tumakas!

Nang makapunta sa pakay ko binuksan ko na yung pintuan good thing nakabukas yun at hindi naka lock dahil kung naka lock baka mag ingay na 'to kapag binuksan

Kinapa-kapa ko pa yung bulsa ko pero mapapa mura ka talaga ng fcksht malutong na malutong na parang chicharon! Ugh malas!

Napahampas ako sa manibela dahilan ng paglikha ng ingay kaya nagpanic ulit ako

"Manang pakisabi sa mga guards na wag nilang papalabasin ang kotseng yan" rinig kong sabi ng pamilyar na boses at si violet yun naku paano na!

"Hoy bumaba ka nga mag-usap tayo!" Napalunok ako ng laway ko dahil nakikita ko sa mukha nya ang galit pero bakit?

Dahan-dahan kong binaba ang salamin ng kotse ko tsaka sya binigyan ng isang ngiti na kinakabahan

"Sinasabi kona nga bang ikaw yan! Ano namang ginagawa mo dito aber?" Nakapamewang nyang tanong with matching nakataas kilay

"Hinatid ko lang ang an--

"Oh alam mo na pala.. At sigurado akong kuya mo ang nagsabi na dito kami nakatira?" Tumango naman ako

"Sige makaka alis kana" yun lang ang sinabi nya at pumasok sya sa loob ng hindi man lang ako nililingon ng babaeng yun

Isa lang masasabi ko . nagiba na sya!





•••••

Neo eobdeiteuga jisogdoemyeon
Joesonghabnida 💕👏

Sorry kung natagalan
Yung update ko

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now