Chapter 35 S .P. G

6.1K 195 15
                                    

S.P.G

Nag-ayang mag bar si zalde at dahil na miss ko din ang dalawang mokong ay pumayag na ako. Kung tatanungin nyo kung nasaan ako nandito sa bahay Mag-iisang ligo na mula ng umuwi kami dito sa manila.

Simple lang naman ang suot ko hindi masyadong maporma pero nandito pa din ang lakas ng appeal ko. Nagspray muna ako ng pabango bago sinuot ang jacket ko

Sinigurado ko munang naka-lock ang pinto bago na lumabas at sumakay sa bago kong motor.hindi ko muna sasabihin ang pangalan nya pero maganda talaga 'to

Nang makarating na ako sa sinasabing bar ni zalde tinaggal ko na ang helmet at maingat na pinark ang motor ko

Pagpasok ko pa lang sa loob napatakip ako ng ilong susko naman! Halo halo amoy yung iba nakataas ang mga kamay pero may amoy naman ang mga kili-kili.yung iba maiitim...ang kili-kili

Naku talaga si zalde nag iba na talaga ang taste pagdating sa ganitong lugar.at malalagot din ang manager nitong bar dahil nagpapasok sya ng kulang sa ligo nubayan!..

"GAEL!!!!"

Mula sa madilim na parte ay naaninag ko ang dalawang hampaslupa na nakangiti pa habang kumakaway sa'kin aba't tingnan nga natin kung makangiti pa kayo mamaya..nilapitan ko sila sa pwesto kung nasaan sila.

"Bakit ang tagal mo gael? Kanina pa kami ni chris dito oh! Siguro umiscore ka muna kay violet no?" Sabi ni zalde na nakipag apir pa kay chris na sinasabayan si zalde na tumawa

Binatukan ko si zalde dahil sa pinagsasabi nito sa'kin

"Gago ka! Ang laswa ng iniisip mo tamad kasi akong mag galagala kaya mabagal" umupo na ako sa kabilang upuan . tamang tama din na marami silang inorder na alak

"Nga pala matanong kita zald..bakit nag-aya ka ngayon? May problema ka ba?" Binuksan ko na ang vodka sabay salin sa maliit na baso at nilagok 'to

"Hayst! Ikakasal na ako" hindi ko pa man nalulunok ang nasa bibig ko pa nabuga kona 'to ng wala sa oras dahil sa sinabi nya tskk. Wala man lang kasing paligoy-ligoy

"Sorry kasalanan mo din" sabi ko sa kanya ng makitang masamang tingin ang pinukol nya sa'kin

Mabuti na lang may tissue sa lamesa na 'to at agad kong binigay sa kanya.mariin nyang tinaggap ang tissue sabay punas sa kanyang mukha.

"Hahaha kung makita mo lang ang mukha mo zald baka hindi mo magustuhan" sa sobrang saya ni chris nahampas nya ang lamesa as in sobrang lakas.kaya napahinto ang mga nagkakasayahang tao sa paligid namin

"Opsss sorry guys sige lang tuloy nyo lang yan" sabi ni chris nagsibalikan na yung iba.

"Teka nga zald? Papaano ka ikakasal ni girlfriend nga wala? Anyare?" May kutob na ako kung bakit

"Arrange! Dahil sa lintik na -- ah basta ayaw kong makasal" ininom nya ng diretsahan ang alak tsaka tumayo

"Hoy saan ka?" Agad din kaming napatayo ng maglakad na 'to papalayo sa pwesto namin

"Sige na chris sundan mo muna" tumango naman sya at sinundan si zalde na ngayon ay nawala na sa paningin ko.

Hindi ko namalayan na naparami na pala ang inom ko kakahintay na din sa dalawang yun.may mga lumalapit sa'king bakla at babae okay lang kung babae kaya lang may mga bakla din mukha na ba akong lalaki?.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now