Chapter 33

4.9K 170 37
                                    

Gael POV

Magtatatlong araw na kami dito sa bahay ng lola ni violet,sa tatlong araw na yun wala atang oras na lagi akong napagttripan ng lolo nya. Tulad na lang nga ngayon

"Eh ikaw ba'y may nobya na? Ang buong akala ko'y kasal na kayo ng apo kong si bayolet?" Sabi ni lolo fernan

"Wala po akong girlfriend ngayon.. Kasi po ano eh ahm balak ko po kasing--" nagsalita ulit 'to na kinatahimik kona lang

"Ano? May balak ka sa apo ko? Aha alam ko na yan! Manliligaw ka? Tapos ano? Kapag sinagot ka malamang magiging kayo diba? Tapos kapag naging kayo edi bubuntisin mo ulit siya kapag binuntis mo ulit ang apo ko iiwan mo--" hayst promise naiinis na ako dito pero pilit ko pa ding pinapakalma ang sarili ko

"Naku po lolo fernan hindi po ako ganung tao may paninindigan po ako" napakamot naman 'to sa walang buhok nyang ulo

"Fernan? Ke aga aga eh bunganga mo nanaman ang bida sa tainga ko bakit ba yan ha?" Naku po nadagdagan pa ng isang masungit

"Wala namang bago iniintriga ko lang 'tong si gael" umakbay 'to sa'kin sabay ngiti na may halong pananakot

Naku naman mukhang pinagsisihan kona na nagpumilit pa akong sumama dito

"Oh siya tara na sa kabilang bayan nandoon na daw ang suki natin" nauna ng umalis si lola kasunod naman nito si lolo fernan


"Ahe teka baka naman pwede natin isama 'tong si gael? Parati na lang dire sa bahay ano gael?" Akala ko aalis na sila pero humirit pa ang matandang lalaki


"S-sige po sasama na lang ako" walang gana kong sagot tsaka sumunod sa kanila palabas ng bahay

Kung tinatanong nyo kung nasaan si violet at gerald malamang nandun kay lola sheena inaya kasi silang mamasyal kaya ako 'to naiwan sa bahay kasama ang mga masungit na matanda


Nang makarating na kami sa kabilang bayan unang bumaba ang lolo ni violet na si lolo fernan at ako naman ang sumunod

"Grabe ke pasko eh sobrang init" sabi ni lolo fernan

"Wag ng magreklamo fernan buhatin na ninyo ni gael yang mga gulay at ihatid sa suki natin" agad namang tumalima si lolo fernan samantalang ako nakatenga lang


"Hoy ano? Titingin ka lang ba riyan? Aba uso magtulong" nakakunot noo nyang sabi habang nasisinagan ng araw ang mukha


Hindi na lang ako sumagot at binuhat na din ang mga nakabasket na gulay sariwa pa ang mga 'to

"Ayang hawak mo doon yan sa kabilang kanto ayan nakikita mo ba?" Sabi nya tumango lang ako ,"dalhin mo na yan baka mawalan pa kami ng suki hala sige na"  kahit nabibigatan ay keribs lang


"Magandang--" hindi pa man ako natatapos nagsalita na ang babaeng nakayuko

"Ayan mang fernan nahuli nanaman kayo wala na bang bago? Lagi na lang kayo nahuhuli may bibili sanang gulay-—" atlast umangat na din ang tingin nya papunta sa'kin


"Mang fernan? Aba iba ata tayo ngayon? Haha" hindi ko namang maiwasang titigan ang babaeng nasa harapan ko ngayon



"I'm sorry but I'm not lolo fernan" natatawa kong sagot oh mukha naba akong matanda sa lagay na 'to?


"Ohh tamo umiinglish kana ngayon mang fernan ha? Iba talaga" pinalo pa ako nito sa balikat dahilan para maibagsak ko ang hawak kong basket na naglalaman ng mga gulay


𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin