Chapter 27

3.4K 148 9
                                    

Gael POV

"Daddy!"

Napalingon ako ng may batang yumakap sa'kin nang makita 'to napangiti ako

"Greg?" Binuhat ko sya kahit may kabigatan na

"Daddy gael mommy said na nakita nyo na daw po ang totoo nyong anak.ibig bang sabihin nyan hindi na kita pwedeng maging daddy?" Naiiyak nitong wika kaya binaba ko sya tsaka pinaupo sa kandungan ko

"Oy baby greg,alam mo naman na matagal ko na syang hinahanap right? Oo nahanap ko na sya pero hindi ibig sabihin nun hindi mo na ako pwedeng maging daddy" yumakap ulit sya sa leegan ko kaya natawa ako

"Hey anong sinabi ko sa'yo? Diba sinabi ko sa'yo na hindi umiiyak ang mga lalaki? Sige ka kapag nakita kang umiiyak ni cristine naku aasarin ka nun na bakla" pananakot ko dito , si cristine ay isang batang babae na laging nang-aasar kay greg

"Ihhh daddy wag mo na ngang banggitin yang pangalan na yan" nakanguso nitong sabi


"Opo hindi na eh teka..sinong kasama mong pumunta dito?" Napalinga linga pa ako para makita kung sino ang kasama nya


"Si mommy po pero nanduon sya kausap yung isang lalaki" sabay turo nya kung nasaan sina alexandra

There you go! Isang lalaki nga na halos mamukhaan ko..napalaki ang aking mga mata ng makitang magkamukha sila ni greg

"Baby greg pasok ka muna sa loob nanduon si lala maraming cupcakes duon dali" pang-uuto ko sa bata para mapuntahan si alexandra

Nung ayos na naglakad ako papunta sa direksiyon nila

"Wala ka nang babalikan diego! Matapos mo akong iwan sa ere noon! Tapos ano? Magpapakita ka kung kailan okay na kami" rinig kong sabi ni alexandra duon sa kausap nya


"Xandra hindi naman talaga kita iniwan please makinig ka naman" pagsusumamo naman ng isang lalaki kaya sumingit na ako



"Alex? Anong ginagawa sa'yo ng taong 'to? Sinasaktan ka ba?" Maangas kong sabi sabay tingin sa lalaki

"Hindi naman gael,nag-uusap lang kami" pilit na ngiti ang ibinigay nito sa'kin kaya hinawakan ko sya sa braso

"Mabuti naman kung ganon,tara na sa loob baka ano pang mangyari sa'yo dito" sabi ko

Aalis na sana kami nang may kumalabit sa'kin at hindi na ako nagulat kung sino 'yon

"Bakit may problema ba?" Halata dito ang inis

"Oo ikaw ang problema ko,hindi mo ba nakikita nag-uusap pa kami wag ka namang bastos pare!" Mukhang nagtitimpi lang sya ng galit

"Diego umuwi ka na .at please lang wag ka na magpapakita sa'min" mahinang sabi naman ni alexandra

"Tsk sa ngayon uuwi muna ako pero xandra tandaan mo mahal na mahal kita pati na yung anak natin" matapos sabihin ni diego daw ang katagang 'yon umalis na 'to

Binalingan ko naman ng tingin si alex na umiiyak kaya niyakap ko 'to

"Shhh sya ba ang ama ni greg?" Hinahagod ko ang kanyang likod

"Oo pero hindi ako papayag na bumalik pa sya sa buhay namin ni greg" napahigpit ang yakap nito sa'kin

"Ganun ba? Bakit ayaw mo syang pagbigyan ng pangalawang pagkakataon?" Tanong ko sa kanya kumalas sya sa pagkakayakap tsaka tumingin sa'kin

"Gael h-hindi ko na sya mahal.. Ang totoo nyan hanggang ngayon hindi ko pa din matanggap na...hanggang kaibigan lang ang kaya mong ibigay sa'kin" medyo nagulat ako sa sinabi nya

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now