Chapter 30

3.2K 113 5
                                    

Maingay at mausok nanaman. Karamihan yan ang masasabi sa isang bar na katulad ng pinuntahan namin.

"So ano saan tayo ngayon?" Biglang sabi ni zalde habang nililibot ang paligid

"Putcha! Ano bang klaseng bar 'to zald? Bakit may babaeng sumasayaw duon" ibang sagot ko naman sa kanya

"Sulitin na natin 'to mga pre. Eh mas gusto ko dito tingnan mo may liveshow pa" umakbay 'to sa'kin na agad kong inalis

Meron kasing sumasayaw na tatlong babae habang may pole sa gitna. Halos nakahubad na ang mga 'to kaya maingay sa loob dahil sa mga nanonood at nag iinuman

"Guys siguro hindi 'to magandang ideya para dito tayo mag celebrate" napalingon namin kami pareho ni zalde sa nagsalita

Nagkatinginan muna kami ni zalde bago humarap ulit sa taong yun

"Takot ka na agad? Ni hindi pa nga kayo kinakasal relax hindi nya 'to malalaman diba gael?" Napatango ako sa sinabi ni zalde

"Tsk mga BI talaga kayo" iling na sabi ni chris sa'min

Gusto ko na din kalimutan ang nangyari dati kaya nagkapatawaran na at 'to na nga nalaman naming ikakasal na ang loko.inunahan pa ako

Pumunta na kami sa nasabing pwesto tsaka kanya kanyang kuha ng alak

"Walangya ka matapos mong umalis ayan agad malalaman namin? Babalik kang ikakasal na pala" palatak ni zalde tsk lumalakas na ang tama nito

"Wala eh mahina kasi kayong dalawa sa babae naunahan ko pa tuloy kayo" natawa naman ako sa sinagot ni chris dahil biglang nag iba ang timpla ng mukha ni zalde

"Aba't kaya kong agawin yang fiance mo! Maganda pa naman" sabi naman ni zalde na kinangisi lang ng isa.

Samantalang ako natatawa lang sa asaran nilang dalawa at tahimik na umiinom.

"Tanongin kaya natin 'tong si gael? Naunahan na tayo nito dati pero ngayon ewan kona lang" pareho silang dalawa na napahalakhak pa may mga amats na nga sila.

"Pinagkaka isahan nyo ba ako?" Kunwari'y galit kong sabi

Hindi sila sumagot sa sinabi ko kaya napabuga ako ng hangin sa kawalan tsaka sumagot

"Mukhang wala ng pag-asa. Ayaw nga akong makita man lang tapos laging nagagalit sa'kin" hindi ako nakatingin sa kanila habang sinasabi ko yun

"See? Mahina talaga ang bata natin chris wala 'to mahina. Alam mo gael kung ako sayo gagawa ako ng paraan para mapa sa'kin ulit siya naku mahirap na no maganda yang si violet" uminom muna ako tsaka siya tiningnan kung seryoso ba siya

"Oo nga nanduon na tayo pero anong magagawa ko? Sawa na kaya akong ipagtulakan ang sarili ko sa taong hindi naman ako gusto" sa sinabi kong yun nakatanggap naman ako ng batok sa kanilang dalawa

"Tanga! Magpapabuntis ba yun kung hindi ka man lang gusto o mahal?" Natatawang wika ni zalde

"Isang talong este isang tanong isang sagot mahal mo pa ba?" Singit naman ni chris habang ngumunguya

Kaya walang alinlangan ko yun sinagot

"Oo naman" nakangiti kong sagot sa dalawa

"Yun naman pala then make a lugaw to her" napatigil kaming pareho ni zalde sa sinabi ni chris parang may mali sa sinabi nya?...

"Anong lugaw ka dyan baka ibig mong sabihin champorado" lalong nangunot ang noo ko sa kabalbalan ng dalawa

"Champorado? Not bad pero mas masarap ang--" nang mapagtanto ang sinabi kanina ni chris bigla akong napatayo dahilan para matigil silang dalawa

"Tama kayo guys!" Sigaw ko sabay palo sa lamesa na lalo nilang kinagulat.

"T-talaga? Mas gusto mo yung champorado kesa sa luga--" sinamaan ko ng tingin si zalde tsk.

"Hindi yan ang ibig kong sabihin... Tama si chris kailangan kong gumawa ng paraan para mapa sa'kin ulit si violet uumpisahan kona ngayon" pagtataka ang namayani sa pangit nilang pagmumukha

Hindi ko alam dahil bigla na lang napaikot ang mata ko sa kalasingan nila

"Ano namang gagawin mo?" Nakahiga na sa lamesa si zalde okay lang naman yan dahil sila ang may ari nito.

"Liligawan siya?". . . .

----_____----

√^___^√

¯\_(ツ)_/¯

͡° ͜ʖ ͡°

┌( ಠ_ಠ)┘- ey ey ey!!

•••
Ey 😂

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now