Chapter 29

3.1K 119 8
                                    


Nagising ako sa ingay sa labas kaya bumangon ako para tingnan kung ano yun

"Sir siiir! May bisita po kayo si bebe boy" aniya ng bago naming katulong na mukhang kinikilig pa tss landi..

"Bebe boy ka dyan? Sino yan?" Sumilip ako sa labas tsaka ulit sya binalingan

"Ang gwapo po sir sayang nga lang" umiling ako dito at pinuntahan na ang tao sa labas

May nakita akong dalawang tao yung isa bata at yung isa nakasuot ng pang katulong kaya nilapitan ko sila

"Excuse me anong kailangan nila?" Humarap naman yung sinasabi kong bata kaya napangiti ako

"Daddy!!" Mabilis 'tong yumakap sa leeg ko at kinisan ako sa pisnge

"Gerald? Bakit ikaw lang?" Kunot noo kong tanong dati naman kasi hinahatid sya ni violet

"Wala po si mommy may inasikasong importante.. Tsaka ok lang naman po yun para makasama kita" binuhat ko sya tsaka hinalik-halikan sa pisnge

"Talaga? Tara pasok muna tayo sa loob" inaya ko na din yung katulong kaya lang mukhang wala sa akin ang tingin nya kundi sa ahem.

Kaya pala feeling ko malamig wala pala akong suot na pang itaas at nakaboxer pa.

"Daddy kailangan na po kasing umalis ni yaya zenie" tinataboy pa ni gerald yung babae kaya sinaway ko sya

"Baby bad yan, ah sige pwede ka nang umuwi salamat" tumango naman yung babae na namumula tsaka umalis

Pumasok na kami sa loob at nakasalubong namin si yaya

"Wahhh hi bebe boy" pareho kaming nagulat ni gerald sa tili nya

"Daddy nakakatakot sya" mahinang bulong ni gerald sa tenga ko

"Oo nga baby bago lang kasi yan" hindi namin pinansin yung bagong katulong

"Kumain kana ba?" Tumango naman yung bata kaya nag-isip ako ng pwedeng gawin. Ang boring naman kasi sa bahay

"Nasaan po sila lala at lolo?" Tanong nya

"Naku wala sila dito eh . namiss ka din naman nila panigurado" nagpaalam muna akong magbihis at sinabihan syang maglaro muna para makapagbihis na ako

"Daddy saan po kayo pupunta? Iiwan nyo din po ba ako?" Malungkot 'tong napatungo

"Hindi dahil isasama kita mamasyal tayong dalawa" taas babang kilay kong sabi sa kanya

"Talagaaaaa? Yiiiiisssss" nagtatalon pa 'to kaya binuhat ko na sya papunta sa sasakyan

"Saan po ba tayo pupunta daddy?" Excited na sabi nito

"Sa mall" maiksing tugon ko

Tumahimik na sya kaya napangiti ako ng makapunta na kami sa mall

Una akong bumaba tsaka sya binuhat at binaba

"Anong gusto mong laruin baby?" Malambing kong sabi sa kanya

"Basketball po tsaka kotse kotsehan" napatango naman ako tsaka sya hinawakan sa kamay

Nang makarating na kami sa arcade naghanap agad ako ng pwedeng paglaruan namin at ayun tamang tama walang naglalaro

"Baby tara duon tayo oh" sabay turo ko sa may bakante

"Ohh 'to ahh pataasan tayo ng score payag ka ba?" Nakangiti 'tong tumango

Yung sa kanya kasi mababa lang kaya paniguradong abot nya naman yun sa'kin naman yung natural lang

Habang nagsho-shoot tinitingnan ko ang anak kong nakangiti habang naglalaro kaya hindi ako nakatiis at kinuhaan ko 'to ng picture

"Yeheyyy talo ka daddy" magiliw nyang wika kaya napatingin ako sa score nya

S- 34
A- 19

So mas magaling pa sya kesa sa'kin?

"Hay naku talo nga ako.. Paano ba yan dahil talo ako anong gusto mo?" Pinunasan ko muna ang pawis nya

"Nagugutom po ako daddy pwede po bang kumain muna tayo?" Tumango ako dito at tinungo na namin ang kainan

Umorder na kami habang masayang nag-uusap

"Daddy daddy alam mo po ba may lalaking pumupunta sa bahay tapos may dala syang flowers. Tinanong ko sya ang sabi nya para daw po kay mommy." Humaba ang nguso nito tsaka nagpapadyak sa inis

Sino namang lalaki yan? Tsk tulad ng dati wala naman pinagbago yan

"Hayaan mo na yung mommy mo" ginulo ko ang buhok nito pero lalo 'tong nainis

"Ayaw ko duon sa lalaki mukha syang goons." Sinakyan ko na lang ang gusto nya baka umiyak pa

Matapos naming kumain lumabas na kami at sasakay na sana sa kotse ng may tumawag sa'kin

"Anne. ." yumakap si anne tsaka tiningnan si gerald.

"Wow ikaw ba si gerald? Ang gwapo mo naman" pinisil nya ang pisnge ni gerald

Si gerald naman napa aray sa biglaang pagpisil ng pisnge nya tsk tsk. Kawawang bata

"Ay sorry hindi ko mapigilan ang cute cute mo kasi" nangigigil pa 'to

Bigla din naman kaming napahinto ng may tumikhim sa aming isang babae

"Ahem!"

"Mommy" tumakbo si gerald kay violet

Yes si violet nga pero paano yan nakapunta dito sa mall?

"Uuwi na kami" walang ganang sabi ni violet sa'kin akmang aalis na sila pero pinigilan ko muna 'to

"Saan ka galing? Sabi ni gerald may inasikaso ka daw? Ano naman yun? O sino?" Sunod sunod na tanong ko

"Hindi ko kailangang sagutin lahat ng tanong mo sino ka ba? Sige aalis na kami" with that tumalikod na 'to at umalis na. Iniwan akong.

Nasasaktan.

Teka teka!!

Mali mali

Iniwan akong naguguluhan lang pala tsk!








••

Psnsya na kung tungkol muna sa kanilang dalawa yung ud ko 😊
-salamat sa nagbabasa nito 💙

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now