Chapter 25

3.4K 125 8
                                    

"Kuya?"

Tangi kona lang nasabi at halos hangin lang ang makakarinig nun pero hindi pala

"K-kapatid ikaw p-pala" kalmadong sabi nang magaling kong kapatid nagtataka talaga ako dito

"Daddy sino po sya?" Sabi nang bata tsaka ako tinuro

Ang akala ko hindi ako ipapakilala ni kuya at ilalayo nya sa'kin ang bata pero mali ulit ako

Mula sa pagkakabuhat binaba nya ang bata tsaka lumuhod sa harapan nito para magpantay sila

"Diba sabi mo gusto mong makilala ang totoo mong daddy?" Malambing nyang sabi sa bata kaya yung bata ngumiti at tumango

"Ngayon makikilala mo na sya.. 'To nga pala ang kapatid ko si gael" tumayo na si kuya tsaka naman nya ako tinuro dahilan para tumingin sa'kin yung bata

"Wow naman po ang pogi parang magkamukha po tayo" napahagikgik ang bata kaya natawa ako

"Pero teka po gusto ko na pong makilala si daddy eh nasaan na po sya?" Tila hinahanap talaga ng bata ang kanyang tunay na ama

"Aha pinakilala kona ah? Haha 'to sya gerald ang kapatid kong si gael ang syang tunay mong ama" napangiti na ako ng magustuhan ko ang salitang AMA wow big word.

"T-talaga po? Hi-hindi po ba kayo nagbibiro" maluha luhang tanong ng bata kaya kinuha ko sya tsaka kinarga

"Hindi sya nagbibiro kiddo..ako talaga ang daddy mo..wala bang yakap dyan?" Nang sabihin ko yun naramdaman ko din ang yakap nya

Tumingin ako sa kapatid ko na nakatingin sa'min.akala ko pati dito manghihimasok  nanaman sya

"Thank you" walang boses kong sabi pero alam naman nya ang ibig kong sabihin

"Ahem paano ba yan? Mukhang na out of place na ako ah? Haha sige kapatid hatid mo na muna sya sa bahay" tumango lang ako kay kuya habang nakangiti

"Sya ba talaga ang anak mo gael? 'to na ba ang anak mo kay violet?" Tanong ni daddy nang makita nya ang anak ko

"Opo sya si gerald, gerald 'to si dad tawagin mo syang papa" nagmano muna si gerald kay dad

"Hello po papa ang gwapo nyo po ang ganda naman po ng lahi natin hihi" pansin ko lang medyo bolero din pala 'tong si gerald

"Aba tingnan mo nga naman anak! Mukhang sayo ata nagmana ng kabolerohan" biglang singit ni mom na kagagaling sa kusina at may dala nang cookies

"At baby gerald.. 'to nga pala ang mommy ko tawagin mona lang syang lala" nakangiti kong sabi tsaka pinakilala si mom

"Anak manang mana sayo si gerald.. Nakuha nya ang lahat sayo" kinuha ni daddy si gerald

Medyo naguguluhan pa ako kung bakit kinakausap na nya ako samantalang hindi naman nya ako pinapansin

Naging sobrang saya lalo na nandito na ang anak ko hanggang sa dumating na ang oras na ibabalik kona sya sa kanila

Gusto ko man syang dito na tumira kasama ko pero hindi pa pwede

"Dalaw ka ulit dito ralde ah para naman makalaro tayo nang basketball" karga kona si gerald at pumunta na kami sa sasakyan

"Opo papa tsaka lala ang sarap po nang cookies pwede po ba ulit ako makatikim nun?" Baling naman nya kay mommy

"Basta ikaw apo.. Hindi ako magsasawang pag bake kan ka ng cookies"

Nagpaalam na kami sa kanila tsaka hinatid si gerald sa bahay ni violet

"Daddy excited na po akong makita kayo ni mommy na magkasama" parang kinikilig pang sabi ni gerald sa'kin

"Alam mo ang bata bata mo pa kung ano ano ng pinagsasabi mo" hindi naman nya namana sa'kin ang pagiging madaldal nya

"Ihhh can't wait na po hihi" umi english pa talaga 

"Tulog kana nga muna kulit mong bata haha" nakinig naman sya

Maya maya lang ay nakarating na kami sa village kung saan nakatira sina violet may nakita akong gate at ayun sa ibinigay sa'king address ni kuya tama nga

Bumusina ako para pagbuksan ng pinto pero may lumabas na naka unipormeng pang bodyguard

"Mawalang galang lang ho sir? Kung hindi nyo po sasamain eh kailangan muna namin kayong tanungin" tumango na lang ako para matapos na 'to isa pa inaantok na ako

"Ano pong pangalan nila?" Paguumpisa nya

"Ako si gael" maiksing sagot ko pero dahil makulit 'tong lalaki magtatanong pa sana ng magising ang anak ko.

"Daddy ang ingay naman po" reklamo nya ang cute nakakagigil naman

"Ohh gerald bakit nandyan ka sa kotse ng lalaking 'to?" Gulat na tanong ng lalaki kay gerald

"Manong 'to daddy ko sya papasukin nyo na lang po kami" nakangiting sambit nang anak ko kaya yung guard pumayag na







Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita ni violet!!!



































































































𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now