Chapter 23

3.5K 115 4
                                    


Agad bumaba ng sasakyan si greg kaya bumaba na din kami

Nakita kong yumakap si greg kina mom at dad pero si dad hindi man lang pinansin ang anak ko pero kahit na ganun hindi naman napansin ni greg ang pang iisnob sa kanya ni dad

"Lala i'm back" masayang wika ng anak ko kaya natawa si mommy

"Haha naku ang batang 'to..talaga oh oh kahit kailan napaka sweet pa kiss nga si lala" napahagikgik si greg ng pilit syang hinahalikan ni mom

Masaganang hangin ang sumasaboy sa'king mukha kaya napapikit ako nang maramdaman ko may yumakap mula sa likuran ko.

Hinarap ko ang babaeng yumakap sa'kin tsaka sya binigyan ng isang ngiti

"Bakit gising kapa?" Tanong nya sa'kin

"Syempre gising pa ako" pamimilosopo ko sa kanya kaya nabatukan ako

"Aray ko naman! Masakit yun ah" reklamo ko

Kilala nyo ba kung sino 'tong kausap ko? Well sya lang naman si alexandra

Handa kona sana syang pakasalan pero umamin sya isang araw na hindi naman daw ako talaga ang nakabuntis sa kanya.pinalabas nya lang na ako yun dahil ayaw syang panagutan ng tatay ng bata

Nung una nagalit ako dahil nagsinungaling sya at syempre kasama ko sana ang magiging anak ko at si violet pero wala na.

Sa ngayon ok na naman kami sinabi ko sa kanyang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya .pumayag naman sya pinakilala ko din sya sa pamilya ko bilang kaibigan parang ako na ang pangalang tatay ni greg

"Sorry haha ay nga pala anong plano mo? Bakit wala pabang balita sa kanila?" Tanong nya napa isip naman ako

"Hayst plano ko sanang hanapin ang mag-ina ko pero kasi naniniwala ako sa kasabihang kung kayo talaga para sa isa't isa magkikita't makikita pa din kayo" napabuntong hininga na lang ako gusto ko mang hanapin sila pero tutupad ako sa usapan namin

"Ano ba yan! Ang bagal mo paano kung may asawa na yun? May iba nang anak" sunod sunod nyang tanong

"Psh. Ok lang pero siguraduhin nyang mas gwapo ang pinalit nya sa'kin" nakuha ko pang magbiro

"Ang hangin eh?Sige na late na medyo pagod kasi ako sa biyahe ano hindi kapa matutulog?" Lumayo na sya , tango lang ang sagot ko dito

"Sige mauna kana matibay pa naman 'tong mga mata ko" umalis na sya kaya ang ginawa ko kinuha ko ang cellphone ko tsaka nagresearch

Nagulat ako ng makita ang account nya noong una hindi pa ako sigurado kung sya nga ba yun pero nagpasya pa din akong buksan yun

Nilibot ko yung timeline nya pictures,tags at shoot! May nakita akong mga picture nya sa unang picture nakangiti si violet habang nakahawak sa kanyang tyan sumunod na picture dalawang kamay yung kamay nya nakahawak sa kamay ng baby

Hindi ko alam na napapaluha na pala ako at napapasinghot

Malaki na ang anak namin ni violet base na din sa nakita kong picture

Nang makaramdam na ako ng antok pumasok na ako sa loob tsaka pumuntang kwarto para makatulog na

"Goodmorning dad,goodmorning mom , lala" masayang bati nang anak namin na si greg

"Goodmorning baby greg ang cute cute mo talaga halika ako magpapakain sayo" paglalambing ko sa kanya pero nakabusangot sya bigla

"Dad! Don't call me baby ok?" Unless u mean it .. Masungit din talaga ang batang 'to at aba nag iinglish pa ang loko

"Oo na po halika dali namiss ka ni daddy kaya ako na magpapakain sayo come" masuyo ko syang hinila at pinaupo sa lap ko

Naging masaya naman mabuti at wala si dad kundi naku ang tahimik ng hapag kapag nandyan sya

Umiinom ako ng tubig nang tumunog ang cellphone ko unknown 'to pero hindi ko sinagot malay mo

"Bakit hindi mo sinagot?" Tanong ni alexandra sa'kin pero umiling lang ako.habang umiinom nakita kong nakabihis na sya ng pang-alis paniguradong uuwi na sila ni greg dun sa bahay nila

"Uuwi na ba kayo? Ako na maghahatid te--" sinenyasan nya ako na tumahimik

"Wag na gael nandyan na naman yung driver namin" aniya tsaka tinawag si greg na pababa na din

"Mom can you help me po?" Hindi ko alam kung tama ba ang english nitong bata na 'to daig pa kami eh

Nakita kong hirap na hirap si greg sa dala nyang bag susko ke bata bata ang lako ng dalang bag.kaya pinuntahan ko sya tsaka kinuha yung bag na hawak nya kani-kanina lang

"Ano ba yan greg ang bigat naman nito para sa kagaya mong baby pa" para sa'kin naman hindi mabigat ang dala nya

"Eh kasi naman dad! Sabi ni mom kailangan ns naming umalis at dapat dalhin kona lahat ng gamit ko kasi daw po baka dumating na yung totoo mong anak" napayuko 'to

Tumuwad naman ako para magkapantay na kami tsaka ko inangat ang tingin nya papunta sa'kin

"Anak na din naman kita diba? At hindi magbabago yun.kahit hindi kita kadugo para sa'kin anak pa din kita" kinarga ko sya tsaka pinisil yung ilong

"Aww. Ang drama naman nyan greg" natawa ang nanay ni greg

Sakto namang may busina ng busina sa labas ayun na siguro ang driver nila

"Paano ba yan gael aalis na kami yung sinabi ko sayo ah? Hanapin mo sya bago mahuli ang lahat" pagbibigay payo pa nya tsaka sila lumisan ni greg












___

Wopsss another sabaw update😂sulitin ko lang makapag update baka kasi matagal lalo na araw araw kaming may practice sa sayaw baka lang naman kaya 'to sunod sunod update hihe

Ps: wag nyo ding sasabihin na bitin dahil kahit mahaba pa ang ud ko sinasabi nyo pa ding bitin eh kung ibitin ko kayo patiwarik?😂 charowt!!! Tsaka sa makukulit na readers nito na kakaupdate ko lang papa update agad ge palit tayo😂😐✌

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now