Chapter 39 LAST

5K 175 8
                                    


"C-chris? za-zalde?"

Sabi ko na nga ba kaya parang pamilyar sila sa'kin sila pala 'to

"Mga walangya kayo! Ano nanamang pakulo 'to?" Tanong ko sa kanila tumawa lang ang dalawa tsaka umupo sa tabi ko

"Marami kaming dahilan gusto mo bang malaman?" Gusto ko sanang batukan si zalde pero nakatali pa ang mga kamay ko

"Psh. Oo na at pwede ba? Kapag may sasabihin kapa sabihin mo na gusto ko tuloy tuloy!" Tinawanan nanaman ako

"Okay makinig ka .. Nagtataka ka ba?.. kung bakit ginawa namin ang bagay na 'to? Okay una dahil napag-utusan lang kami sabihin na nating yung taong yun ay may gustong mangyari sa totoo lang hindi kami sang-ayon sa kalokohan nyang ganito pero para sayo din naman 'to eh.. tsaka sigurado naman akong magugustuhan mo ang mangyayari mamaya diba chris babe" sa haba ng sinabi ni zalde hindi ko maintindihan kung saan ako magsisimula

"At paniguradong magpapasalamat kapa sa'min dahil ginawa namin 'to" umiling ako

"Kung sino mang yang taong yan pakisabi wala akong paki sa gusto nyang mangyari! Pakawalan nyo na nga ako male-late na ako sa flight isa zalde!" Pilit kong tinatanggal ang tali sa likuran pero mahigpit talaga.

"Nope.. hindi pa kasi dumarating ang taong yun may inaasikaso pa sya at isa pa mamaya mo pa syamakikita baka nga magulat ka pa dyan" hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi nila at bakit naman ako magugulat aber?

"Chris , zald, pakawalan nyo na ako okay okay .. kung gusto nyo ngayon na gusto ko syang makita at nang maka alis na ako mga peste kayo" tumayo silang pareho na may ngiti sa kanilang mga labi

"Masyadong excited ang bata natin zald" sabi ni chris habang may kinakalikot sa cellphone.

"Okay Plan B na tayo" bulong lang yun pero narinig ko pa

"Sorry gael kailangan mo munang matulog" No not this time.

"Sinabi nang--"

"Shoot tulog na tara na buhatin na natin"


"Daddy? Daddy gising po" naramdaman kong may tumatapik sa pisnge ko kaya nagising NANAMAN ako

O_0

Anak ng tokhang bakit nandito ang anak ko? Kasali din ba sya sa mga kalokohan nila chris at zalde

"Anak? Anong ginagawa mo dito? Sino kasama mo nasaan na ang mommy mo?" Sunod sunod kong tanong ngumiti muna sya bago kainin ang huling chocolate sa daliri nya

"Ahm daddy tito chris and tito zalde may gawa nito pero si -" naputol ang dapat sabihin nya ng pumasok ang kanina pa ako pinag ttripan.

"Ho baby rald gising na ba ang damulag mong daddy? Pakisabi namang bababa na tayo" duon ko lang napansin na nasa van na pala ako at nakahinto naman ang sasakyan

"Malalagot kayo sa'kin kapag naka alis 'tong mga lubid sa kamay ko" banta ko sa kanilang dalawa pati ba naman anak ko dinadamay sa kalokohan

"Hayst alam mo sa totoo lang sawang-sawa na kami sa mga katangahan nyo! Pero buti na lang may kumapit tsaka swerte mo ha! Plano na nya pala ang lahat tsk" inalalayan akong bumaba ni zalde habang si chris buhat ang anak ko

Pumasok kami sa isang bahay tsaka nya ako inabutan ng tuxedo "Yan suotin mo na at hep wala nang maraming satsat basta suotin mo na yan magsisimula na eh"

Mabuti naman at tinanggal na nila ang tali sa mga kamay ko kaya makakapag bihis na ako

Nadatnan ko silang lahat na nakabihis na din kagaya ng sa'kin maski ang baby boy ko

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now