Chapter 21

4.3K 116 2
                                    

Pagka gising ko inayos ko muna ang higaan tsaka lumabas ng kwarto wala munang hilamos-hilamos labas agad

"May tao ba dito?" Sabi ko sa isip ko nang may makita akong kalat sa kusina at sa sala

"Goodmorning" masayang wika nya pero nilagpasan ko lang 'to

"Nga pala nakahanda na yung mga pagkain luto ko lahat yan" nakangit naman nyang sabi tumingin ako dito ang sarap lang burahin sa mga labi nya yang ngiti nya

"Hindi pa ako gutom siguro dun na lang ako kakain sa school" matamlay kong sagot aakyat na sana ako pero pinigilan nya ako

"Ano bang problema mo! Bulag ka ba ha! Hindi moba nakikitang ginagawa ko ang lahat" bulyaw nya kaya dun ako nainis problema ko?

"Tinatanong mo kung Ano ang problema ko? Sige sasabihin ko sayo nang malaman mo naman! Unang una ang problema ko ay ikaw! Bakit ba pinagsisiksikan mo ang sarili mo sa'kin? Dati nga halos ayaw mong magdikit man lang ang balat natin o mag ka usap man lang tayo! Tapos heto? Tama na violet sawa na ako sa mga pakulo mong ganito itigil mona ang plano mo kung ano man yan dahil hinding hindi na ako magpapaloko sa'yo" nakatingin lang sya sa'kin tsaka yumuko

"S-sorry gael, alam kong napakalaki kong tanga pero maniwala ka mahal na mahal na kita yung mga pinaggagawa ko sayo noon pinagsisihan kona yun *hik* please sana pagbigyan mo ako na patunayan sayong mahal kita" nakita kong lumuluha na sya

Pinipigilan ko ang sarili kong wag maawa pero bakit ganun? Yung puso ko parang sinasaksak kapag nakikita ko syang umiiyak

Sadyang marupok lang ako kaya nagawa ko syang yakapin habang sya naman ay napalakas pa ang iyak

"Shhhh tahan na violet" hinahagod ko ang kanyang likod para gumaan ang kanyang pakiramdam

Maya maya'y tumigil na sya sa pag-iyak

"Wag ka nang umiyak" nakangiti kong sambit tsaka pinunasan ang mga luhang natira sa pisnge nya

"Ibig sabihin ba nyan bibigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan ko sayong mahal kita" parang bata nitong sabi kaya natawa ako nakatikim naman ako ng kurot

"Anong nakakatawa? Ano nga kasi!" Pagmamaktol nya

"Oo na po tama na ok? Tsaka na natin pag-usapan yan lumamig na ata yung niluto mo eh" inakbayan ko sya papunta sa dining area

Pagkatapos namin kumain naghiwalay na kami ng landas nauna syang pumasok kesa sa'kin kaya heto ako ngayon papasok pa lang

"Hi gael" isang magandang babae ang bumati sa'kin na nakangiti kaya nahawa din ako sa mga ngiti nya

"Oh ikaw pala anne late kana din ba?" Dito na din kasi sya nag-aaral para daw makita nya ako araw araw haha

"Hindi pa naman medyo napa aga yung pasok ko eh hmm kung pwede lang sayo? Na ahm samahan ako sa cafe nyo dito?" Nahihiya pa din talaga sya minsan naman nagtataray

"Oo naman pareho pala tayo napa aga haha" nag umpisa na kaming baybayin ang daan papuntang cafe

May mga bulongbulongan pa kaming narinig habang dumadaan kami

"Oh em geee! Sino yang girl na yan?"

"Girlfriend nya ba yan? Diba sabi ng iba girlfriend ni gael si queen violet?"

"Ewan ko girl pero mas vet ko si queen violet para kay fafael gael hihi"

"Ikaw ha marami pa lang nagkakagusto sayo dito di mo man lang sinasabi hmp" kunwaring nagtatampo nyang sambit

"Haha hindi naman masyado anne slight lang naman haha" nagtatawanan kami ni anne nang makasalubong ko ang grupo ni violet syempre sino pa nga ba ang nauunang maglakad? Edi si violet

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now