Chapter 36

5.3K 185 33
                                    

what's up mga peps ♥ dahil nga mabilis ang proseso ito na ang dagdag update ko😂pakibasa na lang sa baba thank u❤

Gael POV

Nagising ako na Masakit ang ulo ko. Pagpinipilit kong tumayo lalo lang sumasakit at lalo lang ako nahihilo .

Bigla kong naalala ang nangyari kagabi kaya napatingin ako sa tabi ko. Mabuti naman at tulog pa sya dahil hindi ko alam kung papaano ako magpapaliwanag as in wala talaga.

Hinarap ko 'to tsaka hinawakan ang kanyang mukha ng dahan dahan.

"Ang ganda mo talaga violet" mahinang bulong ko dito

Napatingin ako sa mapupula nyang labi . unti unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha nya palapit ng palapit hanggang sa.

"Anong ginagawa mo?" Napadilat lalo ang mata ko ng makitang gising na sya kaya napa alis ako ng kama bahala na kahit walang suot.

"G-gising ka na pala gigisingin dapat kita hihe" tumingin sya sa'kin at sa ahem ko pabalik ulit sa mukha ko sabay bato nya sa'kin ng unan.

"pwede bang magsuot ka kahit brief man lang? Kadiri!" Sabi nito sa'kin kaya napatingin ako sa baba ko at napangiwi dahil nakatayo ang bandila.

Agad kong hinanap ang mga suot ko kagabi yung iba nasa ilalim ng kama at yung iba sumabit sa electricfan sa taas.

Sus.makapagsabi ng kadiri samantalang natik—hayst nvm na nga lang.

Bumalik ulit ako duon sa kama at pilit ko syang pinapaharap sa'kin

"Violet.. Humarap ka naman at kausapin ako" pagsusumamo ko dito wala 'tong sagot bagkus humarap na sya sa'kin.

"Ano bang gusto mo? Inaantok pa ako kaya pakibilisan tsaka kailangan mo ng umalis baka ano pang isipin ni gerald" walang gana nyang sabi sa'kin.

Medyo nasaktan ako sa sinabi nya eh ano naman kung maabutan kami ng anak namin? Basta wag lang kami nakahubad sa harapan nya

Napapikit pa ako habang iniisip ang dapat kong itanong sa kanya.

"Violet... Gusto ko lang sanang itanong sayo 'to" hindi sya nagsalita kaya tinuloy ko na ang sasabihin ko " Y-—yung nangyari sa'tin kagabi? Ah ibig bang sabihin—" napakunot ang noo ko ng pinatigil nya ako sa pagsasalita

"I just want to clarify all gael , what happened last night is not just what you mean..Wag ka ng umasa gael because I can't afford to love your love gael just turn your love  on another woman..Tsaka meron din akong naklaro yun ay ang..hindi na kita mahal Please gael tumigil ka na sa kakaasa"

Ngumiti ako dito ng pilit kahit masakit ang sinabi nya nakaya ko pa ding ngumiti. Nagtataka nga ako kung bakit walang luha ang tumulo sa mata ko

"Thank you violet.. Wag kang mag-alala susubukan ko" tumayo na ako tsaka humawak sa pintuan pero bago yun may gusto pa sana akong itanong sa kanya.

"May.. May Nagugustuhan ka na ba ngayon?" Napakagat labi ako sa tinanong ko na yun nanatili lang akong nakatayo habang nakatalikod sa kanya.

Medyo matagal bago sya sumagot na kinabigla ko.

"Yes at hindi lang basta pagkagusto ang nararamdaman ko sa kanya I just feel like I Love him more than two years na din kami at .."

"Ikakasal na kami"

Sa huling part talaga ako nabigla at naluha dahil akalain mo nga naman Ikakasal na ang babaeng kinabaliwan ko ang minahal ko anong magagawa ko alangan naman lumaban ulit ako? Sya nga tinutulak na ako palayo at pinipilit na humanap na lang ako ng ibang babae.

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐌𝐞 𝐁𝐚𝐜𝐤 ✔ ✪Where stories live. Discover now