P R O LO G U E

3.5K 69 0
                                    


[Prologue]

"Move a little to the left ma'am.." pahayag ko at sinimulan na silang kunan ng litrato. Nakailang shots pa ako bago tumunog ang cellphone ko. Saglit akong nagpaalam sa magkasintahang kliente ko bago ko tinignan kung sino ang nagtext.

Quinn: Nasa trabaho ka pa rin ba?

Mabilis akong natipa upang sagutin ang kaibigan ko.

Me: Oo, tatapusin ko lang to.

I'm a freelancer at a studio held by my friend. Ako ang nagsisilbi niyang photographer sa mga wedding pre-nuptials, baby showers, debuts and such.

"Zara, magtubig ka muna. Kanina ka pa walang pahinga." sinalubong ako ni Kurt na may dalang water bottle at inabot ito sa akin.

"Salamat."

"Ah s'ya nga pala, kakain kami mamaya. Sama ka?" tanong niya. I looked at the time on my watch saka mabilis na umiling sa kaibigan. "Next time na lang."

After a few minutes of photoshoots sa wakas ay makakauwi na rin ako. Mabilis kong kinuha ang bag ko at nagpaalam sa mga ka-trabaho ko. Maaga pa ang klase ko bukas kaya kailangan ko ng umuwi.

Pagkababa ko ng building ay nag-antay ako sa may kanto para mag-antay ng masasakyan. Almost 15 minutes akong nag-antay pero wala akong masakyan kaya naglakad na lang ako.

Malapit na ako sa street ng apartment ko ng isang motor ang biglang sumulpot sa aking harapan. Nasilaw ako sa ilaw niya at biglang napaupo sa malamig na semento sa pagkagulat. Nagulat rin siya sa pagsulpot ko kaya nawalan siya ng kontrol sa motor niya at natumba hindi kalayuan sa akin.

Nanlaki ang mga ko at tumakbo upang tignan kung ayos lang siya. "Okay ka lang?"

Dahan-dahan siyang tumayo sa pagkakatumba. "Damn."

Inis niyang hinubad ang kaniyang suot na helmet at napalingon sa akin. He has dominating aura. Saglit niyang pinasadahan ng kaniyang buhok gamit ang mga daliri.

Napalunok ako. His whole presence is telling me to stay away from him.

Magsasalita na sana siyang nang grupo ng mga lalaki ang mabilis na papunta sa direksiyon namin na pareho ring nakasakay ng mga motor.

Napamura siya at mabilis na hinila ang aking kamay sa isang eskinita para magtago. Nagulat ako nang tinakpan niya ang aking bibig at inilagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang labi, senyas na wag akong gumawa ng ingay.

His manly scent engulfed my nostrils.

Kinabahan ako bigla. Is he somewhat in trouble? Kaya ba mabilis ang pagpapatakbo niya sa kaniyang motor dahil hinahabol siya ng mga lalaking iyon?

Ugong ng sasakyan ang sunod kong narinig. "Nasaan na 'yun? Tangina, tinakasan na naman tayo!"

"Maghiwalay kayo! Hanapin niyo ang lalaking 'yun!"

Isa-isang nawala ang ingay ng kanilang mga sasakyan. Nakahinga ako ng maluwag. Nang tuluyan ng nawala ang mga lalaki na 'yun ay saka kami lumabas ng eskinita. Nakita ko ang saglit niyang pag-ngisi bago sinalubong ang mga mata ko.

"Anong tinitingin mo?"

Napaiwas ako ng tingin. "A-aalis na ako."

"Sandali." natigilan ako at dahan-dahan siyang hinarap. "Bakit?"

Nakapamulsa siya humakbang papalapit sa akin at yumuko upang pumantay ang aming tingin. Pinasadahan niya ng tingin ang buong kabuuan ko.

Napataas ako ng kilay. Iniinsulto ba ako ng lalaking to?

Nanlaki ang mga mata ko nang inangat niya ang kamay niya at marahan na lumapat sa buhok. He's still staring at me.

"What are you doing?" I asked nonchalantly. Kanina mahinahon akong magsalita ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.

Just what the hell is he doing?!

"You..know me, right?" his baritone voice almost echoed on the whole street.

Umiling ako. "No.."

Tumuwid siya ng tayo. "Good."

Good? What is he meant by that? I seriously don't know him!

Lumapit siya sa motor niya at pinatayo ito. Nakatayo lang ako sa gilid niya habang sinusuot niya ang helmet niya at umangkas sa motor.

"Don't walk around here alone." paalala niya saka binuhay ang motor niya saka humarurot paalis. But before that, I caught a glimpse of his ID which has the same school logo as mine.

Saige Leo Aquino.


-Lucky_Nineteen

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon