Chapter Twenty-Nine

395 17 0
                                    


[Chapter Twenty-Nine]

"Zara.."

Naramdaman ko ang pagkirot ng aking ulo. Sa pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang nakakasilaw na liwanag. Ilang beses ko pang ipinikit ang mga mata ko bago ko napagtanto kung nasaan ako ngayon.

My arms and legs are tied up in a chair!

"Joshua.." tawag ko sa taong katulad ko rin ay nakatali. "Nasaan tayo?" sinubukan kong nakawala pero mahigpit ang pagkakatali nito na halos namumula na.

"S-si Quinn. He fucking brought us here." marahang lumubo ang pisngi sa pagmura. Nanlaki ang mga mata ko nang muli kong maalala ang naging sagutan namin kanina.

"Si Saige? Asan siya?" kinakabahan kong tanong. Luminga ako sa paligid, nagbabakasakaling nandito rin siya. Pero kahit anino niya ay hindi ko makita.

Umiling sa akin si Joshua. "I tried to call him after I called you pero hindi siya sumasagot. Quinn's men brought me here.."

Pinasadahan ko siya ng tingin. May mga bugbog siya at pasa. Naaawa ako sa kaniya, nadamay na naman siya dahil sa akin.

"Sinabi niya sa akin na siya rin si Nightmare, and Mia's just only his pawn."

He snorted. "I knew it. Matagal na akong may pagdududa d'yan sa kaibigan mo." umigting ang braso niya sa pagsusubok na makawala pero tulad ko ay bigo rin siya.

"Paano mo nalaman na si Quinn ang nagbabanta kay Saige?" tanong ko.

"Does it matter, Zara? Niloloko ka ng kaibigan mo!"

Bumagsak ang mga balikat ko. "Hindi pa rin ako makapaniwalang si Quinn ang may plano ng lahat ng ito."

Naghihiganti ba siya sa akin? Ano'ng kasalanan ko sa kaniya?

Bumuhos ang luha ko sa pinaghalong emosyon. Galit, awa, pagkabigo at pagtatraydor. Matagal na pala akong niloloko ni Quinn. Masyado akong naging tanga para magtiwala sa kaniya.

"Patawarin mo ako, nadamay ka na naman." yumuko ako.

"Wag kang humingi ng tawag, Zara. Mas gugustuhin ko pang madamay kaysa wala akong magawa."

Isang malakas na pagbukas ng pinto ang nakapagpalingon sa aming dalawa. Pumasok si Quinn na nakapamulsa at may kakaibang ngiti sa labi. Nakasunod sa kaniya ang dalawang lalaki na may bitbit na katawan.

Halos magwala kami ni Joshua nang makitang si Saige iyon! Wala siyang malay nang itinulak at napasubsob sa semento.

"Saige. Saige wake up!" tawag ko sa pangalan niya. Bahagya siyang gumalaw pero nanghihina pa rin.

"Ano bang kasalanan ko sa'yo, Quinn? Bakit mo 'to ginagawa? I thought you're my friend. I trusted you!" I exploded.

Malamig niya akong pinagmasdan. "I tried to warn you, Zara, pero hindi ka nakinig," hinablot niya ang baba ko at halos bumaon ang matulos niyang kuko dito.

"Yes, I'm your friend. But the only thing in my mind right now is to get my revenge."

Litong-lito ko siyang tinignan. "Revenge? Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon