Chapter Twenty-Two

376 15 0
                                    


[Chapter Twenty-Two]

"I need you to break up with Saige."

Gulat ang bumulagta sa mukha ko dahil sa mga salitang binitawan niya. Marahas kong binawi ang kamay ko sa kaniya.

"Gusto mo akong makipagbreak kay Saige? Nahihibang ka na ba?" galit kong asik.

Bumuga siya nang marahas na hininga at tinignan ako. "Makinig ka sa akin. Saige's enemies are back, at napag-alaman kong nakatanggap siya ng death threat nung isang linggo."

Naramdaman ko ang mabilis na pagpintig ng puso. Saige has been receiving threats without even telling me? I thought no more secrets? Bakit siya naglilihim sa akin ngayon?

"Zara," tumingin ako kay Joshua. "One of the message said that they will leave Saige alone if you two break up at kilala ko si Saige. He won't give a fuck about that threat. At alam kong hindi-hinding siya makikipaghiwalay sa'yo."

Tila nabara ang lalamunan ko sa mga sinabi niya. Sinubukan pa ng utak ko na iproseso ang lahat ng sinabi niya. Marahas akong umiling. I can't break up with him! Hindi ko kaya..

"I'm asking you this in sake of Saige's life." dagdag pa niya nang makitang nag-aalangan pa ako.

"Ngunit bakit? Bakit 'yun lang ang gusto niyang mangyari para tigilan niya si Saige?" naguguluhang tanong ko. "It doesn't make any sense!"

"I know, Zara. Kahit ako'y naguguluhan rin, but think of it as a great way to keep Saige's life out of danger."

Marahas akong bumuga ng hininga at kinagat ang ibabang labi. "I can't, Josh. I can't break up with Saige.." naiiling na sabi ko. "H-hindi ko kaya.."

Kusang nag-angat ng tingin ang namumuong luha na mga mata nang hinawakan niya ang balikat ko. Masakit ang lalamunan kong pinipigilan ang paghikbi.

"Alam kong mahirap, but you have to do this. Walang ibang pwedeng gumawa nito kundi ikaw lang. Alam mong reckless mag-isip si Saige, papayag siya magpabugbog o itaya ang buhay niya kesa makipaghiwalay sa'yo."

Halos manlambot ang mga tuhod ko. Samo't-saring emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko na alam ang gagawin ko! Akala ko tapos na! Bakit kailangan pang umabot sa ganito?

Ilang minuto kaming tahimik nang magsalita ako. "I'll be able to save Saige's l-life if I break up him?"

Mahinang tumango sa akin si Joshua. Bakas rin sa mukha niya na mahihirapan din siya sa decision na 'yun. Pero alam kong gagawin niya ang lahat para iligtas si Saige.

Napabuntong hininga ako at mabilis na pinunasan ang mga luha. "G-give me some time.."

Tinalikuran ko siya at naglakad papalayo. Walang imik akong nakarating sa apartment. Nanonood ng tv si Zico pagkarating ko.

"Sa pagkain sa ref, ate. Gusto mo kumain?" tanong niya habang ang paningin ay nasa telebisyon pa rin.

"Wala akong gana, Zico. Matutulog na ako." tinalikuran ko siya at mabagal na naglakad patungo sa kwarto. Ibinagsak ko ang katawan sa kama at sumubsob sa mga unan. Bumalik sa isip ang lahat ng sinabi ni Joshua kanina.

"I'm asking you this in sake of Saige's life."

"Walang ibang pwedeng gumawa nito kundi ikaw lang."

Muli ko ibinagsak ang ulo sa unan at mahinang humikbi. Masaya pa kami kanina. We were happily watching movie and kissing each other. Ang masayang alaala na 'yun ang hindi ko akalaing panandalian lamang.

Kinuha ko ang phone ko mula sa bulsa at tumambad sa akin ang wallpaper ko na picture naming dalawa. This is taken during our date in Vermana Hotel. My heart is throbbing again, remisnicing those moments.

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon