Chapter Four

1.4K 42 0
                                    


[Chapter Four]

"Zara, pakidala naman to kay Mrs. Fabros." tumango ako sa aming prof bago kinuha ang ilang libro at papeles nito. "Sige po, prof."

"Zara!" napangiti ako nang makita si Emerald. Bagay na bagay sa kaniya ang sout niyang Leoom pleated shirt with sleeveless plaid dress.

She immediately clung onto my arms and rested her head on my shoulders. "May party kami mamaya, wanna come?"

I trailed off. "Uh.. I don't know.."

"Sige na, please! Ngayon lang 'to. Please Zara..." mas lalo pa siyang kumapit sa akin at niyugyog ang balikat ko. "Sige na, Zara."

"Okay, fine." pigil ko sa kaniya. "Thank you, susunduin kita mamaya sa apartment mo. I'll be doing your makeup!" she chirped.

"Makeup?" I waved my hand in dismissal. "No, need. Ano ka ba."

"No, ime-makeup-an kita sa ayaw at sa gusto mo. Besides I wanna try my makeup skills on you."

"Bakit kasi hindi mo na lang kay Maxie gawin?" she rolled her eyes jokingly. "She doesn't want to remove her makeup."

She jumped happily before bidding goodbye to me. "See you later, Zara!"

Napailing na lang ako sa inasta niya. Inayos ko ang mga libro at papeles sa kamay ko bago pumunta sa office ni Mrs. Fabros na siyang namamahala sa Student Government Committee.

Papasok na sana ako sa loob nang hinarangan ako ng isang lalaki. I saw a red fabric on the side of his sleeve, saying that he's a part of the Student Government Committee.

"What do you want?" he asked coldly.

I cleared my throat. "Ipapadala ko lang sana kay Mrs Fabros." he eyed at me then at the books and papers on my hand.

"Don't scare her, Seb." sabat ng kalalabas lang na lalaki. He smiled politely at me. "Wala pa si Mrs. Fabros, eh. Ilagay mo na lang sa table niya."

Tumango ako. "Thank you."

Umalis na 'yung nakangiting lalaki habang yung isa naman ay nanatili sa akin harapan. He opened the door for me still giving a scary vibe. Mabilis akong napatingin sa name plate niya na naka-pinned sa uniform niya.

Sebastian Lee Navarro.

Cold temperature from the AC welcomed me. Mabilis kong hinahanap ang table ni Mrs Fabros saka inayos ang mga libro.

"What are you doing here? napalingon ako sa nagsalita. Nagulat ako nang makita si Saige na prenteng nakaupo sa sofa habang may hawak na Disciplinary note.

"In trouble, are we?" pang-aasar ko. Nakita kong umirap siya sa akin at naglabas ng sigarilyo sa bulsa ng pants niya.

"Oops! Bawal 'yan. Gusto mo bang isumbong kita para dumami ang dermit mo?" hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas ko para asarin siya. He glared at me before putting back the cigarette in his pocket.

He leaned on the sofa while brushing his hair with his hand. Tamad siyang lumingon sa akin. "Hindi ka pa ba aalis?"

I pouted. "Opo, ito na... aalis na."

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon