Chapter Thirty-Two

404 15 0
                                    


[Chapter Thirty-Two]

Tinutuo ni Lila  ang sinabi niya. She didn't stop until I said yes! God! Ano bang ice cream ang ipinakain ni Saige sa pamangkin ko at nakuha niya agad ang loob nito?

Since I have Saige's number ay tinawagan ko siya upang sabihin na tinatanggap ko ang alok niyang maging date sa Exhibit ni Ralphael. Looks like Saige is not the only one that became successful, even his cousins. I wonder what happened to Noah? Is he still in his band?

Kung tumutugtog pa ang Moonlights ngayon ay gusto ko silang kunin para sa aking recording studio.

Another chuckle released from Saige's mouth. Nakakapanindig balahibo pa rin ang boses niya kahit sa telepono. "I like that kid, siya lang pala ang makapagpayag sa sa'yo."

Umirap ako sa kawalan. I already called Pia to prepare my glam team. Naghihintay na lang ako ngayon sa kanila. Nasa hotel ako ngayon at nagbababad sa tub.

"Sinuhulan mo yata ang pamangkin ko, Engineer?" I said, grabbing my wineglass on the side. That earned another laugh from him.

"Oh, baby. Hindi ko kailangang manuhol ng bata para mapapayag ka."

I hung up. Mabilis akong umalis sa tub at hinablot ang aking bathrobe. Binuksan ko ang aking kabinet kung saan ko inilalagay ang aking gamot. I popped one pill in my mouth and wash it with lukewarm water.

Pagkalabas ko ay nakahanda na ang aking damit na nasa sarili kong collections. It's a backless cross red string dress. Naghanap na rin ako nang mapapares na heels dahil hindi ko nagustuhan ang sapatos nito.

Pagkalabas ko ng kwarto ay naghahanda na aking glam team. Umupo ako sa harap ng aking vanity mirror at sinimulang ayusan. Tahimik namang naghihintay si Sasha. Of course kasama siya, not as my assistant but a guest also.

Nakalugay ang buhok ko. I picked my Joséphine Airgette Impérialé Earrings. I glanced at Sasha through the reflection, she's stunning too. Noong una ay ayaw niya pa but I threatened to fire if she wouldn't come with me.

Umangat ako ng tingin nang may kumatok sa pinto. Sa pagbukas nito ay napatulala ang lahat sa kakisigan ni Saige. Niluwagan nito ang kaniyang tie at nakangiting pumasok. Gumalaw ang paningin nito sa paligid hanggang sa dumapo sa akin.

He pursed his lips in thin line and approached me to offer his bulky arms. The photographer in the room quickly snapped a photo of us. Matamis akong ngumiti sa camera at ganoon din si Saige.

Nauna kaming lumabas ng hotel papunta sa kotse niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto. I adjusted my dress so that I can sit properly. Umikot naman siya papunta sa driver's seat.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa lugar. Tumaas ang kilay ko nang makitang maraming papparazi sa labas. Ralphael is really famous now huh?

Nang huminto ang sasakyan ay elegante akong umakyat. I was blinded by the lights a bit but I managed to smile at them. Lahat sila ay nagulat sa paglabas ni Saige at lumapit sa akin.

The young CEO with the famous and hot Engineer. I'm sure 'yan ang lalabas sa headline bukas. This is the first time that I linked with someone, dati kasi pagtinatanong nila ako ay ngiti lang ang sinasagot ko.

Sa pagpasok namin ay marami ring mga tao na may mabibigat na pangalan sa industriya. Saige and I greeted them. Sinalubong naman kami ni Ralphael na may kasamang babae. She's wearing a sunflower bracelet in her left wrist. Ang napansin ko sa pagpasok namin ay ang bawat painting na nandito ay may tatak ng sunflower.

Boy Series# 1: The Badboy's Prisoner (REVISED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon